A/N: LAME Update. As in. Sorry, Writer's block! Piga lang na-chapter to. Pag-tiyagaan. hehe. Salamat!
Chapter 12
"Hay. Na-miss talaga kita Sophie."
"Na-miss din kita Kyle." Mahina kong sambit.
Magka-yakap parin kami, hindi ko alam kung feeling ko lang ba yon oh bakit ang bigat?
"Kyle?"
Pero hindi siya sumasagot.
"Kyle?"
Teka, lalong bumibigat!
Napa-bitaw ako ng hawak kay Kyle at halos mapa-upo si Kyle nung nawala ang suporta niya galing sakin.
"Kyle! Ayos ka lang ba?" Nilagay ko ang isa niyang kamay sa balikat ko.
"Kyle bakit?" Alalang tanong ko.
"Ayos ka lang ba? Huy!"
"Ayos lang ako, sumikip lang ang dibdib ko."
"Sure ka?" nag-aalalang tanong ko.
"Oo. O-Okay lang a-ako."
"Hindi eh! Hindi ka naman okay eh!"
Hinarap ko na siya, at pina-upo sa damuhan.
Naka-hawak si Kyle sa dibdib niya, at kitang-kita ko sa muka niya na, nahihirapan at nasasaktan siya.
"Kyle bakit? Ano? Ano nararamdaman mo ha?"
Paulit-ulit na humihinga si Kyle, parang kinakalma ang sarili at hinahabol ang pag-hinga.
Uma-atake na naman ang sakit sa puso ni Kyle.
Ano bang nangyare at nag-kaganto na naman siya!?
Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang number ni mama. Siya kasi ang nasa unahan ng phonebook ko, "Ma! Andito po kami sa park ni Kyle. Puntahan niyo kami ni Tita, ina-atake na namn si Kyle ng sakit niya sa puso. Bilis po ma!" dere-deretsong sabi ko.
"O-okay lang a-ako Sophie." Sabi ni Kyle, at kitang-kita ko ang hirap niya sa pag-hinga.
Eto talaga! Ayaw na ayaw na pinapa-kita na mahina siya. Kahit minsan lang naman Kyle isantabi mo yang ego mo.
Jusko asan na ba sila Tita!? Hindi ko na alam ang gagawin.
"Kyle!" napa-tingin ako sa sumigaw na babae, at nakita ko sila tita, tito, mama at papa na papunta dito sa direksyon ko.
"M-Ma okay la-lang po a-ako."
"Anong okay ka lang!? Ikaw talagang bata ka!" sermon pa ni tita.
Ina-lalayan ni papa at tito si Kyle na mag-lakad. "Anak, kaya mo pa ba?"
"Opo pa." sagot ni Kyle.
Nasa kotse na kami at dadalin sa ospital si Kyle. After kasi pa-ihipin— Alam niyo yung parang pinapa-singhot o pinapa-ihip pag may hika? Hindi yung nebulizer ha, ganon kasi ang gamot na dala ng mommy ni Kyle. Gumaan lang ng konti ang pakiramdam ni Kyle. Pero kasi, kaya nag-aalala na naman sila tita kasi naninikip parin daw ang pakiramdam niya.
Minsan nalang kasi to mangyare kay Kyle kasi nga hindi naman siya masyadong nag-papagod. Hindi na nga siya nakakapag-laro ng basketball ng madalas.
Na-discover kasi namin na mahina ang puso niya nung first year kami. Kaya ayon, since then hindi na siya pwede magpagod masyado.
Pero neto um-ok na siya ah?
Pero eto na naman, umatake na naman iyon ng hindi naman siya napapagod.

BINABASA MO ANG
Double Trouble
Teen Fiction"The one you love, or the one who loves you?" Kaibigan o ang Kapatid mo? Kaligayahan mo, o ang kaligayan ng iba? [040815] <3