***
Pagdilat ng aking mga mata ay napansin kong nasa loob ako ng aking sasakyan. Inilibot ko ang aking paningin at napansin ko ring nakahawak ang dalawa kong kamay sa manibela. Nang tumingin ako sa aking harapan ay nalaman kong nasa harap pala ako ng isang bar. Pinilit kong alalahanin kung ano ang nangyari at kung paano ako napunta rito, pero bigo lang akong gawin 'yon.
Nang mapagtanto ko kung ano ang ginagawa ko roon ay agad akong bumaba ng aking sasakyan at pumasok sa loob. Pinapasok agad ako ng guard nang ipakita ko sa kanya ang identification card na galing sa aking pitaka. At bumungad sa akin ang malakas na musika't ingay ng mga taong nandoon. Kaya bahagyang akong pumikit nang panandalian. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Asher. Tumawag kasi ito sa akin kanina at sinabing nandito siya't umiinom nang mag-isa. Base pa lang sa tono ng pananalita niya ay panigurado akong lasing na siya't may bahid ng lungkot ang kanyang boses.
Naglakad ako't nakipagpatintero sa mga taong nakakasalubong ko para lang mahanap si Asher kung saan siya nakapuwesto ngayon. At nakahinga ako nang maluwag nang madatnan ko siyang nakaupo nang mag-isa sa harap ng counter table, na nakatalikod sa akin. Kaya agad ko siyang nilapitan at tumayo sa tabi niya. Nang mapansin kong pulang-pula na ang kanyang mukha't wala na siya sa katinuan, ay agad kong inagaw ang basong hawak niya na may lamang alak.
Kaya agad siyang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin, at agresibong inagaw ang basong hawak ko. Pero agad ko rin itong nailayo sa kanya dahilan para hindi siya magtagumpay sa binabalak niyang gawin.
"A-Ano ba, kita mong umiinom pa 'yong tao e!" bulyaw niya sa akin sa lasing niyang boses. At dahil maingay naman ang paligid namin ay hindi iyon nakaagaw ng ibang atensyon.
Tumikhim lang ako't bumuntonghininga.
"Umuwi na tayo. Lasing ka na," sagot ko naman at humarap sa counter at kinausap 'yong bartender.
"Bayad na po ba 'tong mga ininom niya kuya?"
Agad naman niya akong tinanguan at tipid akong nginitian.
"Opo, ser. Sa katunayan nga ay ilang oras na po siya rito't kanina pa po siya lasing. Nag-aalala na nga ako't naaawa habang pinagmamasdan siya kanina kasi halatang malaki ang pinuproblema niya. Buti na lang at dumating kayo para sunduin siya."
Marahan lang akong tumango.
"Sige po. Maraming salamat po kuya."
At muling lumingon kay Asher saka ko pinaikot ang katawan niya paharap sa likod ko para siya ay kargahin. Nagpupumilit pa siyang pumiglas pero dahil lasing na rin ay wala na siyang sapat na lakas para gawin 'yon. Kaya matagumpay ko na siyang kinarga sa likod ko't hinawakan nang mabuti.
Chineck ko pa ulit 'yong counter table kung may naiwan pa ba siyang gamit na dala niya, at nang makumpirmang wala na ay saka na ako nagsimulang maglakad ulit palabas ng bar. Medyo may kabigatan si Asher habang karga-karga ko kaya medyo natagalan din kami nang tuluyang makalabas.
BINABASA MO ANG
Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]
General Fiction- Featured in WattpadRomancePh's "Rainbow Romance", and "Featured Stories" Reading List *** When Jett finally learned that his parents no longer felt love for each other, all he felt was emptiness. And he didn't realize that he was living with it ev...