Matapos kumain ay nag pahinga lang ako ng kaunti bago naisipan matulog. Tanghali at maganda ang panahon kaya't masarap matulog. Pero ng papasok na ako ng kwarto ni Antonio ay biglang may sumabog. Agad akong napaluhod sa sahig kasabay ng pagtakip ng aking mga tainga.
Kasunod ng pag sabog ay mga taong nag kakagulo, mga putok ng baril. Mas lalo pa akong nagulat ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Antonio, siyang niluw nito ang katawan ni Antonio. Hinila niya ako paalis doon at sabay sabay kami nila Aling Camila umalis sa kanilang bahay.
Dumeretso kami sa gubatan kung saan bihira lamang dumadaan ang mga sundalo. Ang sundalo ng bansang pilipinas ay kaniya kaniyang laban upang maipagtanggol ang lugar ng Kawit Cavite. Sa unang pagkakataon masasaksihan ko mismo ang rebolusyon.
Nang makahanap kami dito sa gubatan ng ligtas na lugar ay nagpahinga kami. Si Angelito ay iyak ng iyak, nalimutan ko na nandoon nga pala siya sa bahay nila Antonio noong magsimula ang giyera.
"Babalik ako doon, sila mama!" nagpupumilit kumawala si Angelito sa pag kakahawak ni Antonio ngunit hindi siya makawala dahil sa higpit ng hawak ni Antonio sa kaniya.
"Hindi ka maaaring bumalik doon, marahil ay sira na at wala na doon ang iyong pamilya." masinsin na saad ni Antonio.
Naaawa ako may Angelito, walang kasiguraduhan kung magiging ligtas ba ang kaniyang pamilya. Uupo pa lamang ako sa kahoy na naroon ng may sumigaw.
"Hands up!" pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang isang sundalong may hawak na baril at nakatutok sa amin.
Lahat kami ay napataas ng kamay saglit sumagi sa isip ko na pabuhat na lang ba ako sa pamilya nila Antonio?
'Wala ka man lang ba gagawin, Drianna? Isa kang De Leon.'
Napapikit ako sa sumagi sa isip ko. Dahan dahan akong lumapit sa sundalo, rinig ko ang pag sigaw ng bawat miyembro ng pamilya ni Antonio. Parang nag didilim ang paningin ko, bigla ko na lang hinawakan ang baril ng sundalo at siyang iniikot dahilan para mabitawan niya ito.
Nang hawak ko na ang baril ay mabilis ko itong ipinukpok sa ulo ng sundalo kasunod ng pag pukpok ko ay ang pag bagsak nito sa damuhan. Hiningal ako doon dahil mabigat ang baril.
Nabaling ang atensyon ko sa isang babaeng lumabas sa isang puno. Siya iyong babaeng laging nakila Antonio, may mga galos siya kaya agad siyang dinaluhan ni Antonio. Pinagmasdan ko bawat galaw ng dalawa. Kung sa akin ay simpleng pag aalala lang ang nasa mukha ni Antonio, pag dating sa babae ay doble ito.
May kung anong bagay ang tila sumaksak sa puso ko, the way he took care of that girl. Bakit nga ba sa dinami dami ng pwedeng makitang lalaki ay dito pa talaga sa lumang panahon. Sa pahanon na mas matanda siya sa akin at hindi kami pupwede.
"Binibini ayos ka lang po ba? Pakiusap 'wag niyo na pong ulitin ang bagay na iyon, ayokong mawala ang aking naging ate." nabigla ako ng yakapin ako ni Angelito, ramdam ko ang tingin sa amin ng mga kasama namin.
Lumuhod ako para mapantayan si Angelito, hinawakan ko ang kaniyang pisngi. Makikita sa mata ni Angelito ang takot at pag aalala. Napatango ako ng naka ngiti dahil sa inasal ni Angelito.
"Ayos lamang ako," tanging nasabi ko dahil totoo namang ayos lang ako.
Bandang magdidilim na ay naghanap kami ni Angelito ng pang gatong na siyang pwedeng gamiting liwanag namin pansamantala. Habang namumulot kami ng pang gatong ay matamlay si Angelito. Kasama namin sila Antonio at yung babae sa pag hahanap ng panggatong.
Napaka arte nung babae, sumama sama pa puro naman kaartehan ang meron sa katawan. Ewan ko ba bakit ako naiinis dun. Saglit sumagi sa isipan ko ang tunay na pakay ko sa lugar na ito. Kaya't napagpasiyahan ko na bukas na bukas ay magsisimula na akong mag hanap tungkol sa gamot.
Nang makuntento kami sa panggatong ay bumalik kami sa lugar kung saan pansamantala kaming matutulog. Hindi namin alam kung ayos pa ba yung bahay nila Aling Camila doon o hindi.
Teka hindi ba't sundalo si Antonio? Kung ganun bakit siya nandito at wala doon sa lugar kung saan naroon ang kaguluhan? Is he protecting that girl? Drianna yang ugali mo pumapangit na.
"Ginoong Antonio hindi ba at isa kang sundalo?" tanong ko dahilan para matigil silang lahat at tumingin sa akin. Tumango si Antonio bilang pag sagot sa katanungan ko.
"Kung ganon bakit wala ka sa lugar kung saan may kaguluhan? Hindi ba dapat pinoprotektahan mo sila?" muli kong tanong.
"May pinoprotektahan akong tao, binibini." oh yeah right that girl. "Kayo, tsaka ang pamilya ko. Hindi ako maaaring sumabak doon dahil may isang De Leon na nasa amin." naguluhan ako sa kaniyang binanggit.
Ano naman kung may isang De Leon, hindi naman ako mahina. Marunong ako mag martial arts dahil nag aral ako noon. Sa tingin ko ay hindi ako mabubuhay sa panahong ito kung wala ang mga kaibigan ko.
Nasaan na ba kasi sila, what if nakabalik na sila sa kasalukuyan habang ako eto nandito at nabubwisit. Bakit kasi wala sa kasalukuyan ang gamot na iyon! Kainis naman.
Tubig lang ang aming ininom ngayong gabi, wala kaming kinain dahil hindi naman namin akalain na ganito ang mangyayari. Pare pareho kaming nagugutom wait i have an idea.
"Antonio, hindi ba kapag gabi ay pahinga na ng kaguluhan?" tumango naman siya "Paano kaya kung bumalik tayo at tingnan natin kung may pagkain tayong mahahanap para hindi tayo magutom kahit papaano." inilibot ko ang paningin ko sa kanila, suma sangayon sila sa sinabi ko.
"Pero tatlo lang ang babalik, ang tatlo ay maiiwan." sambit ko. Nag taas ng kamay si Angelito senyales na gusto niyang sumama pero paano?
Ayaw ko pa sana siyang isama pero nagpumilit siya at ang isa naming kasama ay yung sundalong si Antonio. Siya ang nasa likuran namin nag babantay habang kami ay tumutulak pauna.
Nang makalabas kami sa gubatan ay wala ng kaguluhan, payapa na ang daan. Linga kami ng linga dahil baka may nagmamasid na sundalo. Dali dali kaming humanap ng pagkain sa bahay nila. Wala pang limang minuto ay tinawag na kami ni Antonio dahil may sundalo daw sa parteng kanluran.
Matapos namin makakuha ng pagkain ay hinila ko na agad si Angelito palabas ng bahay para sumunod kay Antonio. Kakaunti man ang nakuha namin atleast may maiilaman na kami sa aming mga tiyan.
Habang naglalakad kami ay binigyan ko na si Angelito dahil nagugutom na daw siya. May tubig naman roon sa kagubatan kung saan kami namamalagi muna kaya ayos na.
Pagbalik doon ay sinalubong kami ng tatlo naming kasama. Iniabot ko sa kanilang lahat ang pagkain na nakuha namin at umupo. Pinagmasdan ko silang kumain, napangiti ako dahil kahit papaano ay mayroon akong naitulong sa kanila.
Kinabukasan ay bago pa sumilay ang araw ay nag hanap na ako ng posibleng daan sa gubatan. Natatandaan ko pa ang gamot, at isang tao ang makakatulong sa akin dito.
Tanging naiisip ko lang na makakatulong sa akin ay si Antonio dahil siya ang mas alam ang lugar na ito. Teka ano iyong amoy na iyon? Naamoy ko na rin ito noong isang araw lang.
"Tila hindi ka talaga sumusuko, ang bango bango mo rin." saad nito at gaya noong nakaraang araw ay takot at panginginig ang aking nararamdaman.
"Dahil para sa kaibigan namin hindi kami susuko tsaka alam mo ikaw hadlang ka eh. Bakit gusto mong hindi ko mahanap ang gamot na iyon?" sambit ko.
Bago siya sumagot ay muli siyang humithit ng sigarilyong pagkalaki laki.
"Dahil ang aking misyon ay pigilan kang makabalik sa panahon mo, De Leon—" magsasalita pa sana siya pero agad akong nagulat ng may humila sa akin palayo sa taong nasa taas ng puno.
Si Antonio na may dalang b-baril?
"Lubayan mo ang isang De Leon. Anong kailangan mo sa kaniya?" napaawang ang bibig ko dahil sa boses ni Antonio. Himala napaka gandang boses.
"Maganda siya, mabango at—" muling naputol ang sasabihin niya ng pigilan siya ni Antonio.
"Wag mong gagawan ng masama ang isang De Leon!" nagtatangis bagang na saad ni Antonio. Matapos niyang sambitin iyon ay hinila ako palayo sa lugar na kung saan kami lang dalawa ang tao.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Antonio, ginagalugad ng tingin ang aking katawan, tumango ako sa kaniya.
"Antonio may nais akong sabihin, importante ito." sambit ko sa kaniya. "Ano kasi, makinig kang mabuti. Hindi ako totoong dito nagmula sa panahong ito, nagmula ako sa kasalukuyan at may kailangan ako rito." narinig ko ang pag tangis ni Antonio, pinag tatawanan niya ba ako?
"Ikaw manggagaling sa ibang panahon? Hindi kapani paniwala binibini. Dala ba iyan ng pagkausap mo sa nilalang na iyong nakaharap kanina?" napahinga ako ng malalim.
Alam ko na eh, alam kong hindi siya maniniwala. Sino ba naman kasi ang maniniwala na nagmula ako sa kasalukuyan at may misyon na kailangan? Pinagtatawanan lang ako ni Antonio. Iisipin niyang nababaliw ako!
"Ganito, 'wag mo na lamang isipin ang sinabi kong mula ako sa kasalukuyang panahon. May misyon ako kailangan kong makuha o mahanap ang gamot na kailangan ng kaibigan ko."