CHAPTER 13

8K 298 289
                                    

‘Have you ever tried kissing a girl?’

__

“That’s very insane. That Martinez is killing me. Pakilala mo naman ako sa kanya Jiyo.” pangungumbinsi ni Maxie kay Jiyo. 

“Martinez is taken already. In fact, naroon yung girlfriend niya nung first game.” sagot naman ni Jiyo at nagtawanan kami ni Aiza. 

Gracia and Maxie are trying to convince Jiyo na ipakilala sila sa ka-teammate nitong si Martinez daw. 

“It’s not like aagawin namin yung boyfriend niya ‘no? We’re just a fan, gusto lang naming magpa-picture.” depensa ni Gracia. 

Tahimik kong pinakikinggan ang usapan nila at napapangiti lang din kung minsan minsan. Nasa loob kami ng canteen dahil breaktime namin ngayon. Sinundo kami kanina ni Jiyo dahil wala raw silang klase at saka sabay sabay kaming magkakaibigan na kumain. 

Kinausap na rin ako nina Maxie kaninang umaga tungkol sa nangyari last friday. Hiningi nila ang side ko at nagsabi naman ako ng totoo. Akala ko’y hindi nila ako paniniwalaan ngunit humingi sila ng paumanhin dahil sa mali ang inisip nila tungkol sa ‘kin.

Kahit sila raw ay hindi naniniwalang magagawa ko ‘yun nong una dahil nga alam nilang hindi ako ganoon klaseng tao. Ngunit noong kumalat iyon at naging usapin sa buong school at walang kahit na sinong nakapagpatunay ng totoong nangyari ay hindi nila maiwasang mainis ng very light. 

Tingin ko nga, kahit sino naman siguro. Lalo na’t usapin iyon ngayon sa buong school. Hindi ko alam na ganito pala kakilala ang pangalan ko at kapag binanggit iyon sa ibang year level ay malalaman agad nila. 

Kaninang umaga, pagpasok ko ay kinausap ako ni Dhayne ngunit hindi ko siya pinansin. Ginawa ko ang buong makakaya ko upang iwasan siya kahit wala naman siyang ginawang masama. 

Nang puntahan kami ni Jiyo ay nagpaalam siyang susunod sa ‘min at hindi ko iyon pinansin. Nanahimik siya at saka kinausap nina Gracia at Maxie. Humingi sila ng paumanhin kay Dhayne na alam kong naguguluhan sa nangyayari. 

I feel bad for her though. She didn’t do anything wrong but almost taking the consequences she doesn’t deserve. 

She doesn’t deserve this kind of treatment, she doesn’t deserve to be left out of the group without a proper explanation. She doesn’t deserve any of this but here I am, doing it anyway. 

And my conscience is killing me. 

About Ma’am Gayle, we haven’t talked since this morning. Maaga akong umalis kanina dahil mas nauna akong nagising. Maayos naman na ang lagay niya, nag-iwan lang ako ng isang gamot at tubig sa kitchen kanina para sa kanya at saka dumeretso lang sa school. 

Napansin ko ring medyo mainit ang ulo niya kanina habang nagle-lecture kami. Bigla siyang nagpa-recitation at kapag hindi nasasagot ang tanong niya ay nagdadabog siya. 

Kahit ako nga ay hindi nasagot yung tanong niya. Paano ba naman, wala ako ng ilang araw sa klase dahil sa ginawa niya tapos may gana pa siyang magalit sa ‘kin at sabihing you’re a top student, you should know this. Aba’y siraulo pala siya eh. 

Nadagdagan lang lalo ang inis ko sa kanya. Hindi pa nga siya nakabawi sa ginawa niya noong friday, dinagdagan na naman niya ang inis ko. At hindi naman dahil inalagaan ko siya kahapon ay makakalimutan ko na iyong ginawa niya. Lalo na’t usapin pa rin iyon ngayon sa loob ng campus. 

“Tara na nga. Fifteen minutes nalang time na.” biglang tayo ni Gracia kaya napabalik ako sa ulirat ko. 

Masyado ata akong naging okupado sa mga nangyayari ngayon. Kahit kasi nakaupo lang sa loob ng canteen ay ramdam ko ang mga mapanuring mata ng mga estudyanteng nakakakita sa ‘min. 

Our Ending [OUR SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon