THIRD PARTY

738 4 0
                                    

Third party

Ang tagal naman ng lalaking yon. Inip na sabi ko sa isip ko. Pano ba naman kasi, ilang minuto na akong nandito kakahintay sa lalaking yon. Makikipag meet kasi ako sa Boyfriend ko. I mean sa ka RS ko. Ilang minuto pa akong naghintay at sa wakas, Dumating din.

"Bweset ka, ang tagal mo" galit kunyaring sigaw ko sa kaniya, pero mukhang mas galit pa ata ang mukha niya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" inis niya ring sigaw at saka ako inismiran. Grr. Lalaking toh.

Btw siya pala si Migo, boybestfriend ko, pogi ito, maputi, matangkad. Payat, magandang pangangatawan, matangos ang ilong. Ahh basta ayoko ng i described siya. Naiinis ako sa kaniya ngayon eh. Ang tagal niya.

"Tara na nga." pag-aya ko at saka siya kinaladkad papunta sa jeep. Dahil ako na rin ang nag-aya, bweset na toh, ako na mamamasahe.

"San ba kasi tayo pupunta? Inaantok kaya ako." reklamo niya habang nakabusangot ang mukha.

"Sa SM Manila." sagot ko.

"Anong gagawin natin doon?" muling tanong niya at inirapan ko na lang siya. Napakareklamador talaga ng lalaking toh.

"Ahh basta, wag ka ng magreklamo, ikaw na nga lang ang niyaya ko. Magrereklamo kapa." inis ba sabi ko. At ang tingin naman ng nasa loob ng jeep ay nasa amin. "Ang ingay mo kasi." sabi ko at saka siya inirapan.

"Wow ako pa talaga ah." tugon niya at hindi na umimik pa. Agad niyang kinuha ang phone niya at saka nagpipindot pindot. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa may Sm Manila.

Agad kong kinuha ang phone ko at saka pumunta sa messenger upang i chat si Miguel, boyfriend ko.

To My babe Miguel :
"Babe nandito na ako. Kasama ko pala yung BFF ko. Nasaan kana nandito na kami sa entrance, excited nako babe. Yieh. Love you"

Sent...

*ting*

From My babe:
"ahh. Kakarating ko lang din eh. Nasa loob na rin ako. Pasok na kayo. Wait kita dito sa loob ng entrance. Love you too. Reply niya. Shittt. Anuba! Self relax, inhale.... Exhale. Haaah. Ewan ko ba. Bigla akong kinabahan. Or baka excited lang ako. Ahh basta. Agad kong inakay si Migo na busy sa kakalaro ng ML. Tss. Ml pa.

Naghiwalay kami ng daan dahil hiwalay ang entrance ng babae at lalaki ay magkaiba. Wait! Kinakabahan ako. Woah! Kaya mo yan Kiarra! Fighting!!. Nagpunta na ako sa pinto at ininspect naman ng babaeng guard ang bulsa ng short ko. Nandito nako. Kinakabahan ako. Bumibilis din ang tibok ng puso ko.

Agad kong kinuha ang phone ko at saka nagtipa ng message.

To My babe Miguel:

Babe nasa entrance na ako. Puntahan mo na ako.

Sent.

Pagkasend ko non ay agad akong liminga linga sa paligid at nakita ko naman si Migo na kakapasok lang. Agad ko siyang pinuntahan at saka inakay sa may hagdan.

*ting*

Agad kong chineck ang messages ko at nakita ko naman message ni Miguel.

Frome My Babe Miguel:

Nandito na ako. Naka all black ako na naka mask. Tapos naka cap din na black. Ikaw nasan kana? Reply niya at saka ako nagpalinga linga sa paligid.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang nakatalikod na lalaking naka all black na nakasuot ng sobrelong itim. Matangkad si Miguel. Mas matangkad siya samin ni Migo. Eto na, kahit kinakabahan ay humugot ako ng lakas para tawagin siya.

          

"Miguelll!!!" malakas na sigaw ko na sigurado akong maririnig niya. Pinagpapawisan na ako. Kahit malakas ang aircon. Pinagpapawisan din ang mga kamay ko. Nanlalamig din ako na naiinitan.

Kumaway siya sa akin. Maging ang kamay niya ay mahaba rin. Pati ang mga daliri niya. At higit sa lahat, kahit naka mask siya. Ang pogi niya. Sa isiping iyon ay bigla akong kinilig. Tinanggal niya ang suot niyang mask at sombrelo at inilagay niya ito sa sling bag niyang dala na di ko napansin na may dala pala syang bag.

Humarap siya sa akin at biglang ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa ngiting iyon, lalo siyang gumwapo. Agad siyang lumapit sa akin at saka hinalikan ang noo ko. Yumuko pa siya dahil nga mas matangkad siya sa akin. Napatingin ako sa paligid. Ang iba ay nasa amin ang atensyon. Napatingin ako sa gawi ni Migo na nakatulala habang nakatingin sa amin ng mapansin ni Miguel kung saan ako nakatingin ay tumingin din ito.

Nagulat din ako sa naging reaksyon nito. Parang gulat silang dalawa, si Migo naman ay naging balisa.

"A-ah Ki Cr lang ako." Paalam ni Migo at hindi na niya ako pinasagot ng bigla niya akong talikuran. Ang weird ni Migo ngayon. Ano kayang nangyari? Nawala sa isipan ko ang nakita kong iyon ng hawakan ni Miguel ang kamay ko.

"T-tara na?" yaya niya saakin at inakay ako.

"T-teka s-si Migo nag CR." pigil ko at tumigil naman sya.

"Ichat mo na lang pasunudin mo na lang. Tara na." sabi niya at saka nag-umpisa na siyang maglakad at nagpatianod na lamang ako. Ichachat ko na lang si Migz mamaya.

Dinala ako ni Miguel sa Mc Do. Agad siyang pumila sa counter at ako naman ay naghanap ng upuan na pang tatluhan. Nang makahanap na ako ay agad akong umupo at inilabas ang aking phone upang i text si Migz.

To Migz:
Hoy! Teh nandito kami sa Mc Do punta kana lang.
Sent...

Ilang minuto ang lumipas nguni't walang reply ang message ko kay Migz. Ano kayang nangyare don? Muli kong nilabas ang phone ko at muling nagtext kay Migz.

To Migz:
Woi bakla ka ano na. Nasan kana? Nadaganan kana ba jan ng Bowl?

Sent...

Ano na kayang nangyari sa lalaking yon.

*Ting*

Pagkarinig ko non ay agad kong kinuha ang phone ko at agad na tinignan ang nag notif.

From Migz:

Umuwe na ako. D na ako makakasabay sa inyo, tumawag kasi si mama. Pupuntq daw kami sa Tita ko sorrym enjoy kana lang jan.

Hayst. Kahit kelan talaga iwanero ang lalaking yon. Itinago ko na ang phone ko ng dumating na si Miguel dala ang inorder niya. Inilapag niya ito sa lamesa at saka binigay sa akin.

Matapos non ay nagpunta pa kami ng Tomsworld. Una naming pinuntahan ay ang Videokehan. Gusto niya raw kumanta. Haharanahin niya raw ako.

Sunod ay doon naman sa mga claw machines. Nakakatuwa kasi tatlong tokens ang nagamit niya menakuha na siyang panda na teddy bear. Kaya tuwang tuwa ako ngayon. Lumipas pa ang oras at maggagabi na.

"ang bilis ng oras noh. Gabi na agad. Gusto pa sana kitang makasama." umpisa niya. Kaya nga eh. Ang bilis ng oras, gustong gusto din kitang makasama. "Nag-enjoy ka naman ba?" tanong niya habang nakatitig sa akin. Pero imbis na sagutin ko siya ay agad ko siyang yinakap ng mahigpit.

"Sobrang saya ko ngayon, di mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw." lumuluhang sabi ko sa dibdib niya. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya pabalik.

"Shh. Wag ka ng umiyak ay. Akala ko ba masaya ka. Bakita ka umiiyak?" tanong niya ng malungkot ang mukha.

" Hindi ah, sobrang saya ko lang kasi. I love you" paliwanag ko at saka siya hinalikan sa labi. Nagulat naman siya at bago pa siya nakapag react ay sumakay na ako ng jeep. Bigla tuloy uminit ang pisngi ko.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nahiga sa kama. Woah! Nakakapagod. Sabi ko sa isip ko ng nakangiti. Pero kahit anong pagod parang di ko maramdaman Kaninang kasama ko siya. Agad kong kinuha si Miarra ung panda na nakuha niya sa claw machine. Yinakap ko ito ng mahigpit at inamoy amoy.

Ang amoy niya ay kumapit sa kay Miarra. Di nakakasawa. Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa gallery ko. Puro pictures namin ang nandito. Pinakatitigan ko ang mukha niya. Kahit saang anggulo. Ang pogi niya parin. Kahit sa mga stolen shots ko na panakaw kong pagkuha sa kaniya Ay wala paring pinagbago, gwapo parin.

~
Lumipas ang ilang araw ng hindi ko nakikikita at nakakausap si Migz. Ano kayang nangyare don? Ilang beses rin kaming nagkikita ni Miguel. Pero nakakamiss ang BFF ko. Huhu.

Sa mga chats and message ko sa kaniya ay walang tugon. Kaya napagdisisyunan ko ngayong araw na puntahan siya sakanila.

"Titaa!! Titaaa!!" pagtawag ko kay Tita Mimi

"Oh, iha napadalaw ka. Halika pumasok ka." pag alo ni tita sa akin at sumunod naman ako.

"Si Migo ba ang sadya mo? Wala siya, umalis may kikitaim daw. " sabi ni Tita habang naghahanda ng juice

"Eh saan daw po tita?" tanong ko. Daya ng lalaking yon. Makikopag meet up di man lang nangsasama.

"Hindi ko nga alam eh. Basta madali lang daw siya." tugon naman niya saka ibinigay sa akin ang juice na tinimpla niya. Nagkausap pa kami ni Tita. Pero napagdesisyunan ko na ring umuwe.

Nagpaalam na ako kay Tita Mimi at saka umalis. Balak kong maglakad lakad. Ah alam ko na. Pupunta na lang akong Park. Wala namang bata ngayon eh.

Ng marating ko na ang Park ay agad akong umupo sa swing. Pero napatigil ako sa pag swing ng makita ang pamilyar na damit. Kaya agad ko itong nilapitan. Tama damit yon ni Migz. May kayakap ito pero di ko makita ng malinaw. Kaya lumapit ako at napaatras dahil sa gulat.

Lalaki ang kayakap niya. At mas nagulat pa ako sa sunod nilang ginawa, naghalikan sila. Di ko alam na ganto pala tong si Migz. Ewan ko ba, bigla akong nandiri.

Aalis na sana ako pero may narinig akong pamilyar na boses.

"Love! Please! Wag mong gawin sakin toh, ayokong mawala ka sakin. Please!" rinig kong pagmamakaawa ng pamilyar na boses sa akin.

"Huwag mo na akong tawagin ng ganiyan. Wala ng tayo, ayokong masaktan si Kiarra. At yang sinasabi mo. Ayaw mo akong mawala sayo? Niloloko mo ko eh. Ayaw mo akong mawala sayo pero anong ginawa mo? Naghanap ka ng iba. At ang masakit pa don. Sa Best friend ko pa Miguel." lumuluhang sigaw ni Migz. At sa huling salitang binitawan niya ay bigla akong nanghina. Tumigil ang tibok ng puso ko. Di mag-sink in sa utak ko ang mga pangyayaring ito. Nandidiri ako sa kanilang dalawa.

Di ko alam kung saan ako humugot ng lakas at nakuha kong tumayo at tumakbo papunta sa kanilang dalawa.

"Mga walang hiya kayo! Mga hayop kayo." sigaw ko at saka pinaghahampas hampas si Miguel. Biglang nag-iba ang reaksyon ng dalawa. Napapalunok pa.

"Kiarra let me explain." agaw pansin ni Migz. Agad ko siyang hinarap at sinampal ng sobrang lakas.

"Walang hiya ka. Pano mo nagawa sakin to?" galit na sigaw ko sa kaniya at natahimik naman ito. "Sa mahabang panahon," nag-uumpisa na akong humikbi. "Sa mahabang panahon tinuring kitang totoong kaibigan. Maging ang kapatid. Pero bakit ako Migz? Bakit ako?" humahangos na iyak ko. Sobra na akong nasasaktan sa nangyayari ngayon. Ayoko na tama na toh.

Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay mabilis akong tumakbo. Ramdam ko naman ang pagsunod mg dalawa.

"Kiarraa!!!!" sigaw ni Migz at nagulat na lang ako ng bigla niya akong itulak.

"Migzzz Noo!!! Migzz!!" rinig kong sigaw ni Miguel pero halos mabingi ako sa nangyari. Tuluyan na akong nanghina ng makitang tumilapon ang katawan ni Migz sa sahig. He save me from death. Imbis na ako ang masagasaan ay mas pinili niya pang iligtas ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobra akong nasasaktan ngayon. Patong patong. Nakita kong nilapitan ni Miguel si Migz na walang malay. Hindi ako makakilos. Nanghihina ako. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Sana ako na lang nasagasaan. Sana ako na lang hindi na lang siya.

"Migz!! Wake up. Migz!! Don't leave me please!! Migz!! Wake up!!! Migzz!!!" kita ko ang ginagawa ni Miguel kay Migz. Humahangos itong ng iyak, hindi mapawi ang luha sa kaniyang mga mata. Ang masaying mukha ni Miguel ay nag iba sa paningin ko ngayon. Naaawa ako. Lungkot na ang namumutawi sa mukha niya. Patuloy niya paring ginigising si Migz na ngayon ay wala ng buhay.

-End.

A Boy's Romance: Compilation Of BXB STORIESWhere stories live. Discover now