BELLE
My mind couldn't register what he just said. Pinaulit ulit ko 'yun sa utak ko, pero parang hindi ko pa rin maintindihan.
Biological parents?
Gulat na gulat ang lahat sa narinig, samantalang ako ay hindi alam kung anong dapat na maramdaman. Napatingin lang ako kay Donny nang makitang inagaw niya ang folder mula sa doctor. Siya na mismo ang nagbasa ng mga papel na naroon para kumpirmahin kung totoo nga. Halos malukot na 'yon sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.
He ran his hand through his hair in frustration. Inaabangan ko ang reaksyon niya... Kung totoo nga. Pumikit siya ng mariin bago ako tinignan. Nagulat ako nang makita ang mga namumuong luha sa mata niya.
"Anak natin si Jasmine?" My voice quivered.
Ang akala ko wala akong nararamdaman. Pero bumuhos ang lahat ng emosyon sa'kin nang magsalita ako. Iba ang dating nang sinabi ko na... Parang totoo.
"Anak natin siya?" Tanong ko kay Donny nang hindi pa rin siya sumagot.
He massaged the bridge of his nose, and then quietly cried. Parang bigla siyang nanghina.
"Buhay ang anak natin?" I gasped for air. Bigla ay parang hindi ako makahinga.
At tuluyan na akong humagulgol nang tumango si Donny. Anak ko siya? Paano?!
Nanghina ang tuhod ko at napaluhod na ako sa sahig. Everyone panicked including Donny. Mabilis niya akong dinaluhan kaya napaluhod na rin siya.
"Paano? Bakit..." Hindi ko maipaliwanag ang gusto kong sabihin. Ang dami kong tanong, pero isa lang ang nararamdaman ko. Sakit. Galit. "Donny... Anak ko 'yon e. Buhay siya... Paano? Bakit hindi ko alam? Pa'no nangyari na nakuha siya sa'kin?!" Umiiyak na ako, nagmamakaawa sa sagot.
He just shook his head and cried. Hindi niya rin alam ang mga sagot.
"I didn't know. I didn't..." Lumuluhang aniya.
Everyone around us was crying with us. Naguumapaw ang emosyon ng lahat at hindi ko na maisip kung ano pa bang dapat kong maramdaman. Sagad na sagad na ako.
I was robbed of all the years I could have spent with my daughter! And all because of what? That stupid fucking bitch?!
And as if on cue, the devil herself appeared. Kaswal lang na naglalakad si Chelsea patungo sa direksyon namin, pero nang makitang kumpleto kami ay biglang nagbago ang hitsura. She went from not caring to crying her eyes out! Animong nagaalala talaga kahit ang totoo ay pakitang tao lang naman siya!
Napalingon ang lahat sa kanya. Kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa sana siya nakahandusay sa sahig.
"Jasmine!" Ganap na ganap ang putangina. "Anong nangyari sa anak ko?!" Tanong niya sa doctor na naroon.
Donny was about to help me stand up pero kay Solana ako kumapit. Hinang hina man ay nagawa kong tumayo at humarap sa demonyo.
Pinaliwanag sa kanya ng doctor ang kundisyon ni Jasmine at syempre ganap na ganap nanaman siya. Kunwari ay nagaalala. Mukhang tangang nagwawala roon na para bang namatayan na.
I heard Ate Ella chuckle, "The audacity of this bitch." She murmured pero narinig ni Chelsea kaya napalingon siya.
"You can't blame me for feeling this way! She's my daughter!" Pagiinarte niya pa. Nakita niya pa ang pag-irap ko kaya mukhang mas lalo siyang nagalit. "At ikaw?" Bumaling siya sa'kin at lumapit. "Bakit nakikiiyak ka dyan? I heard you got into a car accident and that you got shot? Dinamay mo pa ang anak ko sa gulong pinasukan mo!" Madiin niya pang tinuktok ang hintuturo niya sa noo ko. Paulit ulit pero hinayaan ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Storm (Perfect Duology Season 2)
Romance"We could have been happy - I know that. And it is perhaps the hardest thing to know."