Chapter 5: Dream

5 0 0
                                    

Chapter 5 : Dream

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nilingon ko ang bintana at nakita ko ang nakakasilaw na sinag ng araw sa labas. Panaginip lang pala. Hinihingal pa ako't pawisan nang tumayo at tiningnan ang sarili sa salamin.

Ilang taon na rin ang lumipas pero parang kahapon lamang nangyari ang lahat. Halos limang taon na ang nakararaan nang mangyari ang mga ito. Nagsimula iyon nang magpakita si Kraig sa bahay at makita si Caroline sa balkonahe. Kasunod nito ang biglaang pagbisita ni Mr. Velasco sa Mi Casa para i-manipulate ang sitwasyon upang maitalaga si Gabrielle na bagong head ng branch.

Noong gabing nasa bar ako kung nasaan si Caroline, naroon din pala si Gabrielle. Ang taong hindi ko inaasahang kakontsaba ni Kraig. 5 linggo akong nakaratay sa ospital bago ko maisipang tumakas. Sapagkat nang bisitahin ako ni Kraig at Gabrielle ay sinabi nilang lahat bago ako balak na kitlin sa araw na iyon. Kung papaanong plinano itong lahat ng aking ama-amahan sapagkat nagising na ang kanyang anak-ang totoong Adrian.

Si Caroline ay sinubukan paring bumisita sa ospital sapagkat alam kong siya'y nakokonsensya sa nangyari ngunit kalauna'y siya na mismo ang kusang nakipaghiwalay at lumayo. Sa kadahilanang si Mr. Velasco, Gabrielle at Kraig ang gumawa ng paraan para kamuhian ako ni Caroline.
Sa dalawang araw bago ako dalawin ni Gab at Kraig sa ospital ay may nangyaring isang malaking trahedya. Pinagbabaril ang mga magulang ni Caroline sa kanilang bahay na kung saan ang mamamatay tao ay nag-iwan ng note sa lamesa.

"Mavin, bawi na kami. At kung nagtataka ang kung sino mang nagbabasa nito kung sino si Mavin... ito ang kilala niyo sa pangalang Adrian Velasco."

Nang mabasa ito ni Caroline ay dali-dali niya akong sinugod sa ospital. Kinompronta tungkol sa pangalan ko at kung bakit nila ito ginagawa. Sinabi ko ang lahat ngunit hindi nakabuti ang natanggap na tawag ni Caroline sa gabing iyon. Sa pag-aakalang maiintindihan ako ni Caroline, ikinagulat ko ang paghagulhol nito. Namatay ang tatay niya at agaw-buhay ang kanyang ina. Isinisi niya itong lahat sa akin. Kung kaya't bumulusok siya palabas ng kwarto.

Masakit, oo. Pero wala akong magagawa dahil nangyari na itong lahat. Si Caroline ay malimit kong pasundan kay Thelmo. Pinapatingnan ko kung kamusta ang kalagayan nito at kung may mga nagiging problema ito. At kapag mayroon ay inuutusan kong tahimik na tumulong si Thelmo sa tulong ng mga koneksyon niya.

Nasa Maynila ako sa ngayon ngunit sa susunod na linggo'y magbabalik ako sa isla. Uunti-untiin na namin ang mga nakalatag naming plano ni Thelmo at iba ko pang mga tauhan.

Ngayon ay namumuhay ako bilang si Trevor Philip Reodava habang si Thelmo nama'y naging si Ashvien Gonzales.

Kami ang nagmamay-ari ng isang malaking kompanya sa pilipinas sa kasalukuyan. Tanging ang Board of Directors ang nakakakita sa amin at tanyag din ako bilang "The Unseen CEO". Kahit pa gaano kaimportante ang mga award, meetings at iba pang kaganapa'y laging si Thelmo ang ipinahaharap ko. Ako ang pumipirma ng dokumento at si Thelmo ang nagpapasa o nag-aasikaso nito.

Ang mga empleyado kong lahat ay magaling sa pakikipaglaban. Gayon din ang Board of Directors sapagkat ang kompanyang ito ay maskara ko lamang sa tunay kong agenda.

Iyon ay ang kumuha ng hustisya at linisin ang pangalan ko.

Lahat ng trahedya, anumalya at pagpatay ay sa akin isinisi. Ngunit panahon na para umahon. Panahon ko naman ngayon.

*knock* *knock*

"Sir, tara na. Naghihintay na ang board sa iyo." Sambit ni Thelmo habang nakaaban sa pinti.

"Sige." Tugon ko at lumabas na sa aking kwarto.

Kahit sinong makakakita sa aki'y hindi na ako makikilala gayon pa man, pinipili ko pa ring magtago dahil mahirap na ang magpakampante. Ngayo'y ang buhok ko ay blonde na kumpara sa dati na purong itim. Ang katawan ko'y lalong nagdepina dahil sa consistent diet, workout at ensayo ko sa pakikipaglaban. At ang iba ay tulad pa rin ng dati.

          

Tulad ng puso ko, si Caroline pa rin ang mahal magpasa hanggang ngayon. Kung mabibigyan lang ng pagkakataon ay sana makapag-usap kami.

"Good morning, sir." Bati ng bawat makasalubong kong empleyado sa opisina. Tumango na lamang ako bilang tugon.

Hindi man nila nakikita ang mukha ko'y nagkaroon naman sila ng briefing sa oras ng pagdating ko at sa kulay ng buhok ko. Gayon din kapag kasama ko si Thelmo ay alam na nilang ako iyon.

"Magandang umaga sir." Bati ng sekretarya ko.

"Brief me about my schedule for today Pria." Sambit ko.

"Sir, by 9:00 am you have a flight on the way to Isla de Viena for a branch check-up. By 2:00 in the afternoon, you have to prepare for a speech for the opening of the new branch in Kalibo. And in the evening you have to sign the contracts for the collaboration project with VREC." Sambit ng sekretarya ko.

"Okay noted." Sambit ko ng makapasok sa opisina ko.

"And sir, may ano po pala..." nag-aalinlangan niyang sabi.

"Bakit ano 'yon?" Tanong ko.

"Si Mr. Velasco po, nagpupumilit na makipagmeeting sayo. Kahit daw po sa signing lang ng contracts." Sambit niya.

"And I know that you already have the idea of what I would totally say regarding this matter?" Tanong ko sa kanya.

"Yes sir, pero pinagbabantaan niya ho kasi ako sir. I'm sorry po sir. He says that he is the owner of VREC and one of the most powerful businessmen here in this industry." Sambit niya.

"Turn down the contracts with VREC then." Tipid kong sagot.

"Huh? Sir?" Nagugulumihanan niyang sabi.

"I told you to turn down the contracts we are about to have with VREC. If they can't understand my terms and they are trying to avail a special treatment just because they are who they want to be recognized then turn them down." Sagot ko.

"I don't do special treatments. And remember that you belong to this company. Once they lay a finger on any of my employees, I myself, will stain my hands for y'all. So stop being a scaredy cat." Sambit ko.

"T-thank y-you sir." Sambit nya ng nakayuko at lumabas na.

My previous dad really tries to do his old dirty tricks on me. Too bad, I know his tricks too well.

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ng katok.

"Sir, we have to go. You'll be late for your flight." Sambit ni Thelmo.

"Pwedeng 5 mins? Saglit lang, need ko mag-CR" sambit ko sa kanya.

"Ayan na naman tayo. Kabado ka bang baka makita mo si Caroline doon?" Tanong niya.

"Hoy! Wag ka nga. Naiihi lang yung tao mapanghusga kana ha. Tsaka nasa'n iyong sir." Panduduro ko sa kanya. Tawang-tawa naman iyong mukha ng gunggong kasi mala-kamatis daw ako sa pula noong sinabi niya ang pangalan ni Caroline.

"T-tsaka wala akong pake kung makita ko si Caroline no. Bahala ka dyan." Sambit ko sa kanya pagkalabas ng CR at diretso nang lumabas ng opisina.

"Ah ganon ba sirrrrr?" Sambit ni Thelmo ng nakasunod sa likod ko. Inaasar pa yata ako ng bigyan niya ng emphasis iyong "sir".

"Ewan ko sayo. Tara na." Sambit ko ng makasakay kami ng elevator.

"Pero pa'no nga sir, kung magkasalubong kayo?" Tanong niya sa akin ng nakangisi.

"Edi hindi ko papansinin. Hindi nako iyong dati niyang kilala ano." Kabado kong sagot.

"Ahh talaga ba. Kaya pala pawis na pawis ka diyan, eh anlamig dito." Sagot ni Thelmo.

Slive A HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon