Chapter 2

18 0 0
                                    

TW: Harassment

Kagaya ng sabi ni Mama, umuwi ako ng maaga dahil ayaw kong may masabi nanaman sila sakin. Pagkarating ko sa bahay, nakabukas ang pinto. Akala ko ay may tao pero wala, iniwan nilang nakabukas ang pinto. At paniguradong ako nanaman ang makikita nilang mali kapag may nawalang gamit.

Ang tanga rin nila e.

I groaned and craned my neck as I sat on the sofa. Half day lang kami ngayon pero sobrang nakakaramdam ako ng pagod. Napaaga rin ang uwi ni Faith kanina dahil may family dinner raw sila at sa malayong lugar pa yata sila kakain.

Iba rin talaga ang mga mayayaman, 'no. I thought.

I looked at the wall clock and saw that it's already 5:30 pm. Tumayo ako at dumiretso sa kusina at tinignan kung kailangan ko pa bang magsaing dahil minsan ay pinapainit na lang naming iyong natitirang kanin. Nang makitang wala ay nagsaing agad ako.

"Para akong nakalutang." bulong ko sa sarili.

I decided to check on my phone for a while dahil matagal pa namang kumulo iyong sinaing ko.

My phone rang. Faith's calling.

"What's up?" tinatamad kong bungad.

"I'm bored." napataas ang kilay ko.

"I thought you have a family dinner?"

"Yeah, but they're talking to someone." she scoffed. "And there's this guy who's been glaring at me for quite some time now."

"May kasama kayo?" nagsalubong ang kilay ko.

"Oo, about business, I guess."

"Akala ko ba family dinner?" I asked, emphasizing the word 'family'.

"Ewan ko rin." she sighed. "Oh! By the way, inadd mo na yung guy earlier?"

"Sino?"

"Yung Jaden, gaga!"

"Ah, hindi."

Bakit ko naman iaadd?

"Friend ko pala siya sa Facebook!" she giggled. "Don't worry, I'll ask him to add you na lang since you seem so shy."

"Hoy! Hindi ako nahihiya. It's just that I don't have any valid reason to add him?" patanong kong sabi.

"Oh, diba! Hindi ka sure." I could literally imagine her rolling her eyes on the air.

I was about to answer her when Leigh joined the call. Sa groupchat pa yata tumawag si gaga.

Napakunot ang noo ko ng iopen ni Leigh ang camera niya ay si Yohan ang bumungad.

"Hi mga teh."

"Pucha, bakit mo hawak phone ni Leigh?" tanong ni Faith na nag on-cam na rin.

"Kasi best of friends kami." maloko siyang ngumisi. "Hoy, Kia on-cam ka dali."

My brows furrowed.

"Bakit?"

"Basta! On mo na lang!"

Lumukot ang mukha ko at in-on ang camera. "Oh?"

Hindi siya sumagot at ngumisi lang. Trippings nito?

"Nasa school pa kayo?" tanong ni Faith.

"Oo, no choice naman si Ella kundi hintayin ako." nakangising aniya. "Tsaka may usapan kami sa banda na mag practice hanggang 6."

"Hoy! Sino 'yan?" Leigh appeared on the screen. Ng makitang kami ang kausap niya ay agad niyang binatukan si Yohan at inagaw ang phone niya mula sakaniya. "Napaka-chismoso mo talaga!"

His Benevolence Where stories live. Discover now