Watch the trailer above ^ ~^
=========
On that day, everything started to fall apart.
Third Person's POV
"Mama! Saan tayo pupunta?" tanong ng batang babae sa kanyang ina.
Maraming taong nakapaligid. Hindi niya kilala ang mga ito..
"Sino ba sila? Bakit ang saya nila Mama at Papa?" tanong ng bata sa kanyang sarili.
"Anak, sakay ka na sa sasakyan." utos ng kanyang ina.
Sumakay sila sa isang van kasama ang mga kaibigan ng kanyang mga magulang.
Tahimik lang yung batang babae hanggang sa makatulog siya.
"Nak, gising na." pukaw ng ina.
Tumingala yung batang babae sa kanyang paligiran.
"Ang ganda. Parang bahay ni Barbie.." sabi ng bata sa kanyang sarili.
Pumasok sila sa magandang bahay at nagsimula namang mag kwentuhan ang mga kaibigan ng kanyang magulang.
"Luz, papasukin mo muna yung anak mo sa playroom namin." tumingin yung kaibigan ng kanyang ina sa batang babae
"Hmmm.. Zuri? Punta muna kayo ng Ate Gab mo sa playroom ha. Laro muna kayo ng mga barbies dun." dagdag ng kaibigan ni Mama sa batang babae.
Tumango naman si Zuri at sumunod sa kay Ate Gab.
"Daming laruan.." sabi ng pabulong ni Zuri
"Laro tayo ng Barbie?" sabi ng Ate Gab niya.
Si Gab ay anim na gulang lang at si Zuri naman ay apat na gulang lang.
"Ayoko."
"Pero sabi ni mama gusto mo ng barbie?" tanong ni Gab.
Tumingala si Zuri sa mga laruan at may nakita siya sa isang maliit na bookshelf na may mga libro. Ini-slide niya yung glass door ng shelf at kinuha ang libro.
"Ayoko ng doll. Gusto ko ng libro na barbie." sabi ni Zuri.
Naglalaro lang yung dalawang batang babae sa playroom pero binabantayan naman sila ng isang yaya.
YOU ARE READING
That One Memory
Teen FictionSHE THOUGHT OF A FAIRY TAIL INCIDENT, BUT WAS IT MEANT TO BE? FIND OUT. =============================== When our words miss each other, just a few tears of regret flow Busy feelings link together in our hearts I want to mak...