Chapter 6

3 0 0
                                    

Chapter  6

Warning, strong words and violence.

"Kaibigan mo ba yun?" Pagtatanong naman ni Jace sa akin saka ko ito nilingon ng walang kagana gana. "Pakialam mo ba?" Saka iniwan siya roong mag-isa.

"May gusto si Kali kay Aice. Sigi yun lang." Dinig ko pang banggit nito at kasunod ang mga yabag ng paa paalis sa lugar. Mukhang may makaka love life na ah.

Pagbalik ko sa klase ay naroon si Aice, halata pa rin sa mga mata nito ang lumbay at lungkot. Sino nga bang hindi malulungkot sa loob ng ilang taon na nakasama mo mga taong nakasanayan mo, ay bigla na lang silang babawiin saiyo.

Papalapit na sana ako kay Aice ngunit naunahan na ako ng di pamilyar na babae. Kung titingnan ay hawig silang dalawa, baka pinsan niya?

"Melody! Siya nga pala si Aria, pinsan ko. Sa bahay na kasi sila nakatira ngayon para may kasama naman ako." Pagpapaliwanag nito habang pinipilit na ngumiti.

"Hi! I'm Aria. Ang dami kong narinig patungkol sa iyo." Masigla nitong pagpapakilala, ngumiti na lang saka nagpakilala din. Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa sariling upuan. Nagpakilala na rin si Aria sa buong sa klase bilang bagong estudyante.

Nasanay na rin naman ako sa presensiya niya at nakakatuwa rin naman siyang kasama. Mabuti na rin iyon para kahit papano ay hindi mag-isa si Aice, na may makakausap sya habang wala ako. Nauna na akong magpaalam para tumungo sa volleyball court. Dito lang ako magaling, ito lamang ang nakikita kong paraan upang makapasok sa scholarship pagdating sa kolehiyo.

"Oy Zeffan gara natin ah!" Bati sa akin ni Alisha habang nag-aayos ng mga bola, isa siya mga kasamahan kong magta-tryouts. Baka sakaling makapasok.

"Sa tingin mo ba'y makakapasok ako?" Pagtatanong pa nito at umupo sa tabi ko. "Makakapasok tayo! Wag kang ano dyan uupakan kita!"

"Harsh mo teh! By the way hindi ka na ba napapatawag sa prefict? Aba girl iwasan mo na makikipag-away."

"Hindi ako makikipag-away kung walang maghahamon. At isa pa, hindi ko hahayaang may kung sinong hinayupak ang tatapak tapakan lang ako."

"Korek ka naman dyan girl. Mabuti pa ay mag training na lang tayo para sure na sure tayong makapasok!"

Sa gitna ng paglalaro naming grupo mayroong babaeng lumapit sa court na nakapamewang pa. Sino naman ba to?

"Excuse me lang noh? Are you Melody ?" Ako nanaman ang hinahanap, pakiramdam ko para akong may utang na pinipilit na tumakas. Hays bwesit na buhay to.

"O?Kailangan mo?" Walang gana ko pang tanong habang sinalo ang bolang papalapit sa pwesto. At mukhang nagulat pa ang babaeng kausap ko.

"So it's you pala! Anak ng pokpok kaya pala malandi ka rin!" I gasp some air for what i had heard, napantig ang tenga ako at agad na nag-init ang ulo sa galit.

"Gusto mo bang ipatikim ko sayo tong hawak kong bola?" Halos bawat salita ko ay may diin. Lumapit naman sa akin ang iilang kasamahan para pakalmahin ako. Damn it. I need this scholarship pero bat ang daming epal sa mundo.

"Chill ka lang bebe ghorl." Awat pa ng isa.

"Hah! Kapal ng mukha mong lumapit lapit sa boyfriend ko! Bakit sino ka ba? Kailangan mo na ng pera kaya naghahanap ka ng matalisod sayo?!"

Napakagat labi na lamang ako sa inis gustong gusto kong itapon sa mukha nya ngayon ang bolang hawak ko. "Excuse me miss ah! Bakit? Sino ba iyang boyfriend mo? Sorry ha ganda lang kasi meron ako, sayo ata namali at natalisod." Sagot ko rito at rinig ko naman ang tawanan ng mga kaibigan ko.

"Boom panes!"

"Pokpok!"

"Wala na ba kayo ibang matatawag sa akin? Yan lang? Wala na kayong maiisip na iba? Gusto mo patikim ko tong bola sayo? Libre nalang!"

Akma ako nito sasampalin ngunit may kung sinong lalaki na ang humarang roon. Ha! Hindi ko naman kailangan ng tagapagligtas. Sino ba tong bwesit na ito.

"J-Jace? Anong ginagawa mo rito?" Mahinahong pagtatanong nung babae na may halong kalandian effect.

"Who the hell are you to claim that I was your f*cking boyfriend!" Sumakit naman tenga ko sa biglaang pagsigaw ng lalaki. Ramdam ko ang inis roon. Naawa naman ako sa babae, ang taas ng confidence ng isang to.

"But you kissed me!"

"Damn it! I was drunk and it was your f*cking dare! YOUR F*CKING TOXIC DARE!"

Hindi ko na napigilan ang sarili na sumali sa dalawa, ang dami na kasing nakatingin. Nakakahiya naman.

"Ah excuse me lang ha! Kung magsisigawan kayo pwede namang sa labas nakakaabala kasi kayo sa mga taong andito." Mahinahon kong pakikipag-usap sa dalawa.

"Bakit Jace?! This girl ba? Itong pokpok na to ang ipagpapalit mo sakin? I never thought na ganon kababa ang taste mo."

Walang ano-ano pa at agad ko siyang ginawaran ng sampal na ikinagulat pa nito kahit si Jace ay natulala sa ginawa ko.

"Pasalamat ka't sampal lang binigay ko. Isang salita pa mula sayo tatamaan ka sakin!"

"You're gonna pay for this!" Kumaripas naman ito ng alis habang nakahawak sa pisnging nasampal ko.

"Masarap ba ang palad ko?!" Pahabol ko pang sigaw at tumawa naman si Alisha saka umakbay sa akin.

"Astig mo tol!"

"Makaalis na nga rito. Samahan mo naman ako sa canteen oh!" Pagyaya ko pa sa babae saka aabay kaming umalis, hindi ko na rin kinausap pa ang lalaki basta na lamang ako naglakad papalabas na.

Ayoko sa presensya niya, ewan ko ba hindi ako mapakali kapag nariyan na sya. Nababalisa ako na parang ewan, hindi ko sya mapagkakatiwalaan.

"Melody!" Sandali akong napatigil sa pagtawag nito sa akin ngunit hindi na ito nilingon. "I'm sorry for that." Pagpapatuloy pa nito.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Just maks sure to control your girl nakakaabala sya."

"She's not my girlfriend."

"Sabi mo e." Saka tuluyan na lumisan.

Taming the  Wild Heart (Girls Series #2)on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon