"Aray ano ba!" Inis na sabi ng nakabangga ko at hindi ko mapigilang mainis dahil tatanga tanga kung nakabangga ko, ipinulot ko ang mga gamit na nahulog sa kalsada at pinulot ko yon isa isa at nang matapos ko nang pulutin ay aalis na sana ako pero si Lily pala ang nakabangga ko.
"Ano ba? Lumpo ka ba o tatanga tanga?" Inis na tanong ni Lily.
"Tatanga tanga? Ikaw kaya ang tumingin sa dinadaanan mo!" Sagot ko nang pabalang, pinilit kong maging kalmado pero ramdam ko na nag-iinit na ang ulo ko sa inis. Hindi ko inaasahan na si Lily pa ang makakabangga ko, lalo na sa dami ng pwede kong makasalubong.
"Ano? Ako pa ang mali ngayon?" Tinaasan ako ng kilay ni Lily, sabay irap. "Ikaw kaya 'tong bigla na lang susulpot!"
"Tingnan mo nga 'tong ugali mo, Lily. Parang palaging tama kahit alam mong ikaw ang may kasalanan." sagot ko, mas lalong tumaas ang boses ko. Nakatingin sa amin ang ibang tao sa paligid, pero wala akong pakialam.
"Ano? Gusto mo ba ng gulo?" Naglakad si Lily palapit sa akin, at parang may sinisindihan siyang apoy sa loob ko.
"Kung gusto mo ng gulo, Lily, hindi ako aatras," sagot ko habang nakatingin nang diretso sa kanya. Nakatagpo ng tingin ang mga mata namin—mataas ang kilay niya at puno ng pang-uuyam.
"Para saan ba 'to? Dahil sa ako ang naging top 1 satin? Ganun ba?" Pang-aasar ni Lily, ngumisi siya na parang natutuwa sa ideya ng pag-aaway namin. "Hindi mo kaya, Lorraine. Sa totoo lang, hindi mo kaya ang mga taong tulad namin. Hindi ka bagay sa mundo namin."
Ngumiti ako, kahit na puno ng inis ang dibdib ko. "Oh shut up! Tingin mo ba kaya mo akong apihin lang ng ganun-ganun? Kung may problema ka sa akin, Lily, sabihin mo nang diretso at 'wag kang paikot-ikot. Hindi kita aatrasan, tandaan mo 'yan."
"Problema ko? Hindi ikaw ang problema ko, Lorraine. Ang totoo, hindi ka mahalaga para maging problema ko." Tumawa siya, pero halata ang pang-aasar sa tawa niya.
"Sinasabi mo lang 'yan dahil naiinggit ka!" sigaw ko, hindi ko na napigilan. Tumigil ang pagtawa ni Lily, at tumaas ang kilay niya.
"Naiinggit? Sa'yo?" Tumawa siyang muli, pero halatang may kasamang galit. "To be honest walang kaiingit ingit sayo Lorraine! Ang meron ka lang ay kaawaan."
"Huwag kang magsalita ng parang alam mo lahat, Lily! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko!"
"Alam ko, Lorraine. Alam kong desperada ka lang na maungusan ako, hindi mo kasi tanggap na ngayon ka lang pumangalawa eh, pero don't worry Lorraine, sa susunod makakasanayan mo nang maging top 2 dahil kahit kailan ay hindi mo ako kayang hilahin pababa sa level mo!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at itinulak ko siya. "Wala kang karapatang sabihin 'yan sa akin, Lily!"
Nagulat siya, pero agad din siyang bumawi at itinulak din ako pabalik. "Oh, gusto mo talagang sumubok ng gulo? Huwag mo akong pilitin, Lorraine, dahil hindi kita uurungan!"
"At mas lalo mo kong wag pilitin Lily! Kala mo yata aatrasan kita no!" Inis kong sabi at hinugot ko yung bag nya at binuksan ang bag at inihulog lahat ng gamit nya sa kalsada, pumulot ako ng papel na ginamit na cheat code ni Lily na itinago nya sa skirt nya during exams.
Nanlaki ang mga mata ni Lily nang makita niya ang papel na hawak ko. "Ano 'to, Lily?" Taas kilay kong tanong, itinataas ko ang papel para makita ng mga taong nakapaligid sa amin. "Ganito ka pala mag-top sa exam? Mandaraya ka pala."
Mabilis niyang sinubukang kunin sa akin ang papel, pero hinila ko ito palayo. "Ibalik mo 'yan, Lorraine!" Sumigaw siya, pero nakita ko ang pagkataranta sa mukha niya.
"Nakakahiya ka, Lily. Kung nagmamalinis ka, bakit ka nandadaya?" Hindi ko na maitago ang sarkastikong ngiti sa labi ko. "Ito ba ang sinasabi mong kaya mong tapatan ako? Sa pandaraya?"
YOU ARE READING
The Gap Between Us (Under Revision)
FanfictionChantelle Lorraine, born into a life of privilege in the North, is admired for her poise and perfection-a flawless image that conceals the fractures hidden deep within her heart. Despite her family's wealth, she remains haunted by the pain of her ch...