Kabanata 11

19 2 1
                                    

Kabanata 11

"ano?!" sigaw ni Diana.

ang totoo, wala namang nang rason para itago pa sa kaniya ang bagay na 'yon. nakausap ko na si Lou at sa tingin ko maayos na ang problema ko sa kaniya.

wala nang rason kaya sinabi ko na sa kaibigan. naging maayos naman ang pagtatapos nang usapan namin ni Lou. pagkatapos noon ay umalis na ako sa rooftop at iniwan s'ya.

hindi lang nakaligtas sa akin ang kung anong reaksyon n'ya kanina. may pagtataka sa mata n'ya, sigurado ako.

"what?!" ulit na tanong ni Diana, gulat sa sinabi ko.

gabi na at kumain kami ng sabay. walang ibang nangyari ngayong araw, parehas lang nang mga nakaraang araw. maliban na lang kay Lou.

pumasok ako sa trabaho pagkatapos ng klase. umuwi ako nang maaga sa bahay at nagluto nang pagkain naming dalawa. sa hapag, nag pasya akong sabihin sa kaniya ang mga nangyari ngayong araw.

hindi ko alam kung bakit. nag kwento lang ako. kung alam ko lang na gan'to ang magiging reaksyon n'ya, dapat pala hindi ko na lang sinabi. binaba ko ang kutsara na hawak. natigil sa pagkain at binigay ang atensyon sa kaniya. tinigil din n'ya ang pagkain at bumaling sa akin.

gulat at inis ang una kong nakita sa mata n'ya. dapat pala hindi ko na talaga nasabi. pakiramdam ko malaking problema 'to.

"ulitin mo nga 'yung sinabi mo?!" inis n'yang tanong.

"bakit ka ba... sumisigaw?" nagbaba ako ng tingin.

"ha! sinasabi mo pa 'yan?! ano nga 'yung sagot mo?" seryoso n'yang tanong.

alam kong seryoso s'ya. huminga ako ng malalim.

"sabi ko...sige." ulit kong sagot.

tumawa s'ya nang histerikal. tumayo s'ya sa kinauupuan. tumawa ng mas malakas at sinabunutan ang sariling buhok.

tama nga ako. malaking bagay nga 'to. kung alam ko lang. dapat pala pinagisipan ko pa nang mabuti bago mag kwento.

natigil kami sa pagkain. ilang beses s'yang nagsalita ng pasigaw. wala akong magawa kung hindi ang lumunok na lang. kung alam ko lang na gan'to kalaki ang bagay na 'to...

ano? dapat ba pinagisipan ko muna? bago sabihin sa kaniya? paulit-ulit n'yang sinabi na kakasimula pa lang nang klase. hindi pa nga nakaka dalawang linggo ay may nakuha na akong lalaki. pa'no ko daw nagawa ang bagay na 'yon.

malaking sagot daw ang ginawa at binigay ko. halatang hindi pinagiisipan. tama s'ya, hindi naman talaga. ilang beses n'yang sinigaw sa akin na ipakilala sa akin ang lalaking 'yon.

gusto kong sumagot pero hindi ko magawa. hindi n'ya ako binibigyan nang isang chance man lang magsalita. sinusundan n'ya agad ang sinasabi at biglang sisigaw. masakit sa tenga pero kailangan kong umupo lang sa harap n'ya. o baka mas lumala pa 'to.

pumikit ako nang mariin. ilang beses pa s'ya nagtanong pero hindi n'ya pa gusto ang sagot ko. tumawa ulit s'ya ng malakas at matalim akong tinignan. huminga s'ya ng malalim at sa huli, kumalma din.

akala ko do'n na matatapos pero nagpatuloy pa din s'ya. komo ay halatang hindi matino ang lalaking iyon. gano'n na daw ba ako ka desperada. anong desperada?

hindi ko alam 'yon. ni hindi ko nasusundan ang mga sinasabi n'ya. gusto ko na lang takpan ang sariling tenga. hindi ko naman magawa. tuloy-tuloy lang s'ya sa pagsasalita.

bakit ko daw s'ya sinagot. ano daw ang dahilan ko. naging close ba agad daw kami kaya agad ko nang sinagot. gusto kong sabihin sa kaniya na hindi. hindi nga kami magkasundo. hindi ko magawang sabihin iyon.

My Strange HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon