Bizzarro 2

3 0 0
                                    

Nakarating na kami sa apartment at ngayon ay nag-aayos na kami ng gamit. Maganda naman yung apartment na tinutuluyan namin. Dalawa ang kwarto, may sala at divider lang ang nandoon para hatiin ang sala at kusina at fully furnished pa. Mukha namang masaya siya dahil may tutuluyan na siya. At parang wala siyang pakialam na lalaki ang kasama niya sa bahay.

Hayaan mo na. Wala naman akong gagawing masama sa kanya. Pinalaki akong may respeto sa mga babae.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay pumunta na ako sa sala. Nakita kong nakaupo sa sofa si Melissa.

"Oh, Gago, tapos ka na palang mag-ayos ng gamit." Salubong agad ni Alright sa akin. Tindi rin nitong babaeng ito, parang hindi tinulungan.

"Oo, tapos na ko, Alright." kumunot na naman yung noo niya. Napakapikon talaga nitong babaeng 'to. Pero hindi ko na ininis muli si Melissa dahil baka bugbog na ang abutin ko.

Kailangan ko na nga palang mag-hanap ng trabaho dahil alam kong mauubos din ang aking dalang pera. Saan naman kaya ako hahanap ng trabaho? Tinanong ko si Melissa kung may alam siya na pwede kong pagtrabahuhan pero wala raw siyang alam.

Kakaiba nga eh. Sa asta namin ngayon ay para kaming naglilive-in. Pero bago iyon kailangan ko ng trabaho kaya ako'y umalis na.

****

Kung saan-saan na ako nagpunta. Sa restaurant, fast food chains, coffee shops, at sa kung saan-saan pa. Pero iisa lang ang tanong nila sa akin, 'May resumé ka ba?'. Paano ako magkakaroon noon eh hindi nga ako nag-aral tsaka anong ilalagay ko doon? Kaya napagpasyahan kong umuwi na lang sa apartment dahil alam kong wala akong mapapala.

Habang naglalakad ay napansin ko ang karatula na nakalagay sa bar na malapit lang sa amin. Sana lang matanggap ako at hindi ako hanapan ng resumé.

Nakausap ko na ang manager ng bar at sa kabutihang palad ay natanggap ako kahit wala akong mga papeles na dala-dala. Sinabi rin niya sa akin na 5000 pesos daw ang sahod ko kada araw. 5000?! Normal ba 'yon? I mean, 5000 para sa pagseserve sa mga costumers. Aba matinde.

Sinabi niya sa akin na mamayang gabi na raw ako magsisimula at dapat daw hindi ako malate. Umoo na lang ako at umuwi na.

Hindi ko na pinansin yung mga bulung-bulungan sa bar habang papalabas ako. Hindi ko nga alam kung bakit pero sa akin sila nakatingin.

Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o ano kasi bawat hakbang ko ay tinitignan nila na wari'y may masama akong gagawin o kung ano man.

Binilisan ko na lang ang lakad dahil hindi ko na kaya yung bigat ng atmosphere sa lugar na iyon.

Pagkadating ko sa apartment ay dumiretso na ako sa loob. Pero pagkatapak ko pa lang sa loob ay dalawang tsinelas na ang lumilipad papunta sa direksyon ko. Naiwasan ko yung isa pero tinamaan ako nung isa. Akala ko ay yung na yun pero unan naman ang lumipad papunta sa akin.

Hindi ko na pinansin yung mga lumilipad na unan at agad na pumunta sa kinauupuan ni Alright.

"Ano bang problema mo, ha? May galit ka ba sa akin at kung anu-ano ang pinagbababato mo sa akin? Sabihin mo lang maluwag ang pintuan para sa iyo." alam kong hindi ko tototohanin yung pagpapalayas ko sa kanya pero wala lang titingnan ko lang yung reaksyon niya.

Para naman siyang naging maamong tupa pagkasabi ko noon. Sabi na nga ba at takot 'tong mapalayas ng 'di oras. "Saan ka ba nanggaling, ha? Kanina pa ko hanap na hanap sa iyo, lumabas ka na pala." kita mo 'tong babaeng 'to. Nag-aalala lang pala binato pa ko ng kung ano-ano. Tsk tsk tsk.

"Bakit mo naman ako hinahanap? Nag-aalala ka sa akin no? Aminin mo na, hindi ako magagalit pramis." pang-aasar ko sa kanya at dahil do'n, isang tumataginting na batok ang tumama sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Luculent DesolationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon