Chapter:49

88 0 0
                                    

Ready For Romance

Chapter: 49

Halos lahat ng bisita ay naghihintay na sa special menu na ginawa ni Hazel, hindi maiwasan ni Azriel na maging kabado din pagka't mabibigat ang mga ka deal niya na... Halos ang iba ay nagmula pa sa ibang bansa, pero dahil alam niyang si Hazel ang nagluto ang kanyang kaba ay unti-unti napapalitan ng ngiti. Malaki ang tiwala niya sa dalaga, dahil propesyon talaga nito ang pagluluto.

"Tell me, gaano na ba kalaki ang tiwala mo sa babaeng 'yun?" 

Pumukaw ang boses ni Ingrid kaya napalingon siya, he never wanted to be rude to this woman, pero tila sinasadya nito na ubusin ang pasensya niya. Ingrid is not a typical woman na magpapatalo. Lalu at isang ordinaryong Hazel lang ang makakalaban. But in the end, he choose to be silent para lang hindi na siya kausapin nito sa walang kabuluhan...

Isa-isa nang nilabas ang mga putahe na niluto ni Hazel, lahat nang bisita ay tila nagbubulungan. Malayo si Azriel at pinagmamasdan lang bawat galaw ng lahat, ayaw niyang kumibo at baka isang imik niya ay magkaroon pa nang komento si Ingrid. And the last, he saw Hazel na palabas. Syempre kailangan niya i-present ang chef na gumawa ng mga menu.

Kabado si Hazel, lalu at alam niyang mas malalaking tao ang makakatikim ng niluto niya. Nakita niya ang pag senyas ni Azriel, kaya mas pinili niyang ikalma ang sarili. Pero sa isang banda ay natuwa siya dahil kahit na malayo ito ay napiling sumenyas  na huwag siya masyadong kabahan.

Pansin na pansin ni Ingrid ang malagkit na titig ni Azriel kay Hazel. Napapailing siya at tiningnan ang mga putahe na inilabas, isa-isa na kasi itong binuksan at pumukaw sa kanya ang pangatlong menu na hindi naman kabilang sa na-order niyang gawin. "Wait!" Sabay tindig niya at lapit.

Napalingon si Az kay Ingrid, at maging ang mga bisita ay napatingin kay Ingrid lalu nang lumapit ito na may halong kuryusidad. 

"What the heck?" Sambit niya at tumingin kay Hazel, nakataas ang kilay niya. "Kakaumpisa mo pa lang pero sa simpleng menu na nakalatag ay hindi mo nasunod?, so paano ka pa namin pagkakatiwalaan?" 


"Excuse me, is there anything problem?" Sabat nang isa sa mga bisita.

Napatayo na din si Azriel at lumapit. "No sir, i think there's a misundertansding here." Sabay hawak niya sa braso ni Ingrid. "Wag ka gumawa ng eksena." Bulong niya 

Pumalag si Ingrid. "Ang pagsabihan mo ay si Hazel, gumawa na din naman siya ng eksena ngayon." Sabay ngiti niya at lingon sa babae. "Now explain to us, kung bakit mo binago ang menu?" 

Alam talaga niya na iimik si Ingrid, kaya huminga muna siya ng malalim bago muling tumingin sa pagkain.

"Ang Grilled Jerk Tofu and Plantains With Mango Salsa, ay hindi nabago... Yan pa din ang menu." Sagot niya.

Muling napataas ang kilay ni Ingrid, nilingon niya ang mga bisita na nagsimulang tikman ang nasabing menu. 

"Yeah, she's right. They all tasted." 

Napalunok siya at muling nilingon si Hazel. "I never seen that before?" 

"Dahil pinasimple ko lang ang design, pero yan pa din ang menu. May balak talaga ako baguhin kanina pero, dahil nakita ko na halos lahat pork ang ginawa ko. Naisip ko na i plain na lang pagkakagawa sa last menu." Hindi lang man siya nahirapan sa pagpapaliwanag.

Napakagat ng pang ibabang labi si Ingrid.

"Sabi ko sayo, wag ka gumawa ng eksena." Parinig ni Az at naiiling na lumapit sa mga bisita.

Inis na inis na nilingon niya ang mga eto ,lalu nang tawagin si Hazel at ipakilala sa mga bigatin na Guest nila. Nagtitimpi na umalis na lang siya para di siya tuluyan na mapahiya.


"Thank you, your a great chef!" Puri kay Hazel.

"Yeah, i never tasted this kind of tofu... Kakaiba siya." Segunda naman ng isa.

Ngumiti si Hazel, tila napuno ang puso niya nang mga papuri at nilingon si Azriel. Pansin niyang nag thumbs up ito nang dalawang kamay ang gamit. Kaya ngumiti siya dito at muling nakipag usap sa mga bisita....




******


#AuthorCombsmania

Ready For Romance ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon