"Ikaw pala, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang bigla itong sumulpot sa harapan ko."Hinihintay ka." Tipid na sagot n'ya.
"Ha? Ang weird mo. Nakita mo ba si Abby? Kanina ko pa kasi s'ya hinahanap."
"Bakit mo pa hinahanap si Abby, nandito naman ako. Hindi pa ba sapat yung presensya ko?" Sambit nito na s'ya namang kinataka ko.
"Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo. Mauuna na ako ah. Hahanapin ko pa si Abby."
Nagulat naman ako nang bigla ako nitong hawakan ng mahigpit sa braso. "Aray! Bitiwan mo nga ako. Nasasaktan ako ano ba!" Reklamo ko. Pero hindi ako nito pinakinggan. Bagkus ay lalo pa n'yang hinigpitan ang pag kakahawak sa'kin.
"Nababaliw ka na ba? Ba't ba ayaw mo kong bitiwan?" Hanas ko. Nanatili lang itong tahimik at hinila ako paalis sa kung nasaan kami kanina.
"Saan mo ba ako dadalhin ha? Ba't ba ayaw mong mag salita?" Saad ko habang pilit na nagpupumiglas.
"Oo Marsela, baliw na nga ako." Matipid na sagot nito.
"Anong bang pinagsasasabi mo? A-" Akma ko nang babanggitin ang pangalan n'ya ng bigla itong humarap sa'kin at takpan ang bibig ko.
"Baliw na baliw na ako sa'yo, Sela." Sambit nito habang mariing nakatingin sa mga mata ko.
Nanghina naman ako nang makita ko ang nanlilisik nitong mga mata na para bang handang pumatay gamit lang ng titig. Parang tumakas ang lakas ko dahil sa titig na iyon. Hindi ko na makuhang manlaban kaya nag pa hatak nalang ako dito.
Dinala n'ya ako sa isang kwarto. Kwarto na ngayon ko lang nakita. Pamilya ko ang may ari ng bahay na 'to at madalas kaming mamalagi dito noon pero ngayon ko lang talaga nakita ang kwartong 'to. Hindi ko na rin maalala yung dinaanan namin kanina. Katapusan ko na ata.
Naglagay ito ng kung anong kemikal sa panyo saka tinakip sa ilong at bibig ko. Wala na akong maalala matapos nun. Ang naalala ko nalang na sunod na nangyari ay nahilo ako na tuluyang nawalan ng malay. Nagising nalang ako na nakatali na ang mga kamay ko. Ganun din ang mga paa ko. Pero ngayon, mag isa nalang ako sa kwarto.
Wala na yung nagdala sa'kin dito. Nilibot ko ng tingin ang kwarto para siyasatin kung nakita ko na ba ito dati. Pero ngayon ko lang talaga 'to nakita. Ito ata yung kwartong madalas kaming pag bawalan ni lola na pumasok. Pero kung pinag babawalan kami, pa'no n'ya nalaman kung pa'no 'to buksan?
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yabag mula sa labas. Mga yabag na papasok sa kwarto kaya nag tulug-tulugan ako. Narinig kong huminto ito sa pintuan, ilang sandali pa ay naglakad ito palapit sa kama kung saan ako nakatali.
"Ang ganda mo talaga. Bagay na bagay ka sa'kin." Mahinang saad nito habang hinahawi ang buhok na naka tabing sa muka ko.
Naramdaman ko naman ang mga kamay nito na dumapo sa hita at bewang ko kaya bahagya akong gumalaw. Agad nitong inalis ang kamay n'ya at nilapit naman ang bibig n'ya sa tainga ko saka bumulong.
"Babalik ako, ililigpit ko lang muna yung mga sagabal sa labas. Hintayin mo ako dito, ok?" Malambing na bigkas nito saka ako hinalikan sa noo.
Nang masiguro kong wala na ito saka ko muling iminulat ang mga mata ko. Nagpupumiglas ako para matanggal ang pagkakatali sa'kin pero masyado 'tong mahigpit. Nag dadalawang isip naman akong sumigaw at baka marinig n'ya at biglang bumalik dito.
Maya maya pa'y dahan dahang bumukas ang pinto. Nag tulug-tulugan ulit ako. Dahan dahan ang mga hakbang nito hanggang sa tuluyang makalapit sa'kin.
"Sela gumising ka, nandito na ako." Isang pamilyar na boses ang kumawala mula rito. Boses na kanina ko pa gustong marinig. Boses na nagbigay sa'kin ng kasiguraduhang maliligtas ako.
"Abby." Mahinang saad ko. Dinilat ko ang mga mata ko at tumingin dito. Sinusubukan n'yang tanggalin yung lubid para makawala ako.
"Sinaktan ka ba n'ya? Sorry na huli ako ng dating. Pero nandito na ako ngayon, hindi ka na n'ya mahahawakan pa." Bakas na bakas ang pag aalala sa boses nito. Hindi nalang ako nag salita at tinitigan nalang ang maamo nitong mukha na ngayo'y balot na balot ng lungkot.
Nag uunahan ang luhang tumutulo mula sa mga mata nito. Gusto kong punasan ang luha n'ya pero hindi ko magawa dahil nakatali pa rin ako. Kahit sa panaginip hindi ko naisip na mangyayari 'to sa'ming dalawa.
Kampanteng kampante na sana ako dahil nandito na si Abby sa tabi ko nang bigla kaming nakarinig ng yabag mula sa labas. Tila galit na mga yabag na papunta sa kwarto kung nasaan kami ngayon. Dali dali namang nag tago si Abby sa ilalim ng kama. Ako naman ay pumikit muli at nagpanggap na tulog.
Padabog nitong binuksan at sinara ang pinto dahilan para napapitlag ako. Napansin n'ya ata ang biglang pag-galaw ko kaya lumapit ito sa'kin at umupo sa tabi ko.
"Sela, gising ka na ba?" Tanong nito.
Wala na akong ibang magagawa kundi idilat ang mata ko. Wala nang saysay kung mag papanggap pa akong tulog. Hindi na s'ya maniniwala.
"Gising ka na pala." Naka ngiting sambit nito. Pero hindi nakakaakit o nakakahawa ang ngiti n'ya, kundi nakakatakot. Kaya agad akong nag iwas ng tingin dito.
"Bakit? May problema ba? May dumi ba ako sa muka?" Tanong pa nito.
"Pakawalan mo ako." Mahinang sambit ko.
"Hindi pwedeng, baka kasi-" Napatigil 'to sa pag sasalita nang napatingin s'ya sa lubid sa kanang kamay ko. Sinubukan kasi yung tanggalin ni Abby kanina kaya medyo lumuwag na.
"Bakit maluwag na 'to? Nag punta na si Abby dito noh? Sabihin mo!" Bulyaw nito sa'kin.
Mariin akong napapikit sa takot. Bigla naman ako nitong hinawakan sa muka at pilit na pinatitig sa kan'ya.
"Tumingin ka sa'kin at sagutin mo ang tanong ko. Nagpunta na ba si Abby dito?"
"H-hindi. Walang Abby na pumunta dito." Sagot ko. Tila hindi s'ya naniwala at padabog na hinawi lahat ng nakalagay sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama.
"H'wag mo akong lolokohin Sela. Alam kong nanggaling na s'ya dito." Sambit nito. Natigilan s'ya saglit at yumuko ng bahagya. May napansin ata sa ilalim ng kama. Naloko na, nandun si Abelaine.
Nang makita n'ya kung sino ang nandun ay marahas n'ya itong hinatak palabas.
"Hindi pala nagpunta dito ah. Ipaliwanag mo 'to ngayon." Saad n'ya habang mahigpit na hinahawakan si Abby sa braso.
"H'wag mo s'yang saktan pakiusap. Kung ako gusto mo ako nalang kunin mo." Pagmamaka awa ko dito para lang bitiwan n'ya si Abby.
Pero imbis na bitiwan, ay hinila n'ya 'to palabas ng kwarto. Rinig na rinig dito sa loob ang sigaw ni Abby. Wala na akong nagawa kundi ipikit ang mata ko at piliting gisingin ang sarili dahil baka panaginip lang 'to. Makailang ulit kong kinagat ang ibabang labi ko para magising pero nabigo ako. Totoo lahat ng ito. Hindi panaginip.
Pero kung totoo 'to, bakit hindi ko maalala kung pa'no kami napunta dito? Hindi ko maalala kung nasaan ako ngayon. Hindi ko maaalala kung bakit kami nandito. At hindi ko na rin maalala kung sino ang lalaking yun. Sino ba s'ya? Ang naalala ko lang ay ang biglang pag sulpot n'ya sa harap ko kanina. O kanina nga lang ba nangyari yun lahat?
Habang mariing nakapikit ang mga mata ko, nakarinig ako ng pamilyar na boses. "Si Sheki." Bulong ng isip ko dahil hindi ko magawang makapag salita. Hindi ko magalaw ang labi ko. Hindi ko na rin magalaw ang mga binti at braso ko. Pati mga mata ko hindi ko na maimulat.
"Ano ba 'tong nangyayari? Nasaan ako? Pa'no ako napunta dito? Anong ginagawa ko dito?"