Chp 10

0 0 0
                                    

Jan Reinelle POV

Nataranta ako ng mag walk out si Kisha, fuck! Sa dami ng taong makakalimot ako pa! Ako pang taong laging inaasahan niya.

Kinalma ko ang sarili ko at hinarap si Carina.

"She needs me" nag susumamo kong tingin sakanya. Confused na ang itsura niya, hindi ako makapag salita dahil natataranta ako.

"What happened? Bat ganon na lang ang reaksyon ni Akisha? Nababaliw na ba siya? Baka totoo ang sinasabi ng iba sakanya, na pavictim talaga siya" ang sakit sakit marinig ito sa taong gusto ko.

I thought she accepted it? I thought iba siya sa mga babaeng hinuhusgahan ang best friend ko.

"What did you say?" Natatawang tanong ni Gabby kay Carina. Na alarma ako dahil baka patulan ni Gab. Inawat ko siya, nilagay ko sa likod ko si Carina.

"Eh bakit ba kase siya ganon kung maka react? Ginusto rin naman niyang mag pa picture kanina. Hindi naman natin alam na mamanyakin siya nung lalaking yon, at kayong dalawa pumatol pa kase kayo" pinag salikop niya ang dalawang braso at nag mamataray na tinignan kami ni Sj.

"Walang wala kang pinag kaiba sa mga babae sa school, kaya mas pinipili naming kaibiganin si Akisha eh, hindi kasing judgemental ninyong lahat!" Si Paolo naman ngayon.

"I-explain niyo kase kung bakit nag ka ganon siya! Eh di sana hindi ko siya na mimis understood ngayon!" Nagagalit ng sagot ni Cari sakanilang dalawa.

"Hindi mo deserve marinig ang explanation namin, kase sasabihin mo, "pavictim" lang siya" Paolo, quoting the pa victim word.

"Tama na" nang hihina kong sabi.

"Ano?! Kakampihan mo ang dalawang yan? Kaya hirap akong kaibiganin yung best friend mo eh! Kase ganon siya" sabi pa niya, nagpapantig na sa tenga ko ang sinasabi niya.

"I said stop it!" Napalakas kong sigaw. Nagulat siya. Tama si Pao, hindi niya deserve malaman, si Sj ay tahimik lang sa gilid at halatang gulat pa rin.

"All of you dont have the right to judge her in the first place. She was an adopted child! Her true parents died when she was young! She was abused by her step mom kaya pina adopt siya! Bata pa lang ay minamaltrato na siya! At alam niyo ba kung gaano ka sakit para sakanya yung pinag daanan niya na yun?! Nakita niyo ba siya noon na puro galos, sugat at pasa kung pumasok sa school?! Hindi! Pero kami, nasilayan namin yon!She was barely surviving back then" Sigaw ni Paolo, this is too emotional for him, for us. Kase kami yung mga naging kaibigan ni Akisha nung mga panahong ayaw siya ng mga ibang ka klase namin, specifically, mga babaeng ka klase namin.

"Tapos kayong mapang matang mga tao! Kung maka pag salita nag kung anu ano sa kanya, masasakit na salita pa! Nakipag away ba siya? Sinaktan niya ba kayo?! Gumanti ba siya? still, all of you are causing her pain!Kaya wag niyo kaming sisihin kung bakit ganon namin kamahal yung babaeng yon! Kung bakit mas kinaibigan namin siya kesa sainyo. She doesn't deserve any of the hurtful things this life can offer!" Napapaos ng sigaw ni Paolo at ramdam ko na parang maiiyak na siya.

I cannot speak, baka tumulo na rin ang luha ko. Back then, elementary kami noon. Pagkakatanda ko, grade three na kami, Akisha is a cheerful child. Pero nung dumating ang step mom niya, nag bago ang lahat. Noon pa man, mabait na siyang bata, super friendly, bungisngis kumbaga, kaibigan na niya kami noon pa. Maganda siyang bata, kaya gustong gusto namin siya noon, kaya nga kinaibigan namin.

Lahat ng meron siya ay shine share niya sa iba, lagi siyang curious sa mga bagay lalo na, hilig niya ang mga nilalaro naming mga lalake noon. Kaya kasama niya kami palagi noon.

She's That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon