Chapter 04

316 9 2
                                    

ANDEE'S POV

Sobrang cram talaga ako, simula noong pumasok ako sa school. Ang dami kong ginagawa, tapos dumagdag pa ang mga isipin ko. Kaso biglang sumakit tyan ko, kaya naman dumeretsyo ako sa cr. Narinig ko pa ang nahulog kong libro o notebook dahil na sagi ko noong tumayo ako, pero hindi ko na muna pinansin. Maglalabas akong sama nang loob.




Pagtapos ng ilang minuto, ay lumabas na din ako sa banyo. Nag sabon akong maayos, wag kayo.




Naagaw nang pansin ko, ang notebook na naka salampak sa lapag. Syempre pinulot ko, ano ba dapat gagawin? Ngunit napatigil ako noong makita ko ang puting papel na nakatupi, ito yung papel. Na kinakatakutan kong tignan at basahin, papel na ngayon ko lang naalala. Kung hindi ko lang nakita, baka hindi ko na naalala ang sulat na ito.




Nanginginig pa ang kamay ko, habang hawak ko ang papel. Hinayaan ko muna ang mga gawain ko sa study table ko, bago ako umupo sa higaan ko. Hindi mawala ang tingin ko sa papel na hawak ko, hinahanda ko ang sarili ko sa mga mababasa ko. Hanggang ngayon wala akong idea kung ano ang nilalaman nito, wala akong lakas nang loob basahin ito...




Pero kahit ganoon ang nararamdaman ko, ay isinantabi ko na iyon ngayon. Ito na ata ang tamang oras basahin ang sulat na mula sakanya, huminga akong malalim. Bago ko ito binuksan, nanginginig pa ang kamay ko habang dahan-dahan kong binubiksan ang papel na nakatupi.




Dear Ate Andee:

Sa oras na ito siguro wala na ako... hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat na ito. Pero sana maintindihan mo, na mula ito sa puso ko. Isa ka sa taong nag paramdam na dapat wag akong susuko, na dapat magkaroon pa ako nang kaunting pagtitiwala sa mga bagay na mangyayare sa buhay ko, dapat pahalagahan ang mga bagay na natitira saatin. Almost 4AM na, pero hindi ako makatulog. More likely ayaw kong matulog, sinusulit kong maramdaman ang simoy ng hangin. Ganoon din ang mga bituwin at buwan sa langit. Hindi ko alam kung aabot paba ako sa bagong taon, pero kung hindi ako aabot. Gusto ko lang sabihin ang last farewell ko sa iyo, maraming salamat. Sa advices, sa pakikinig, sa ilang beses na pgligtas sa buhay ko. Dahil sa iyo humaba nang ganito katagal ang buhay ko, kung hindi ka siguro dumating... baka matagal na akong patay. You give me hope, but I guess it's time to give up. Please take care of yourself, and don't dwell on my death. I have no intention to make y'all sad, I wish you all the best ate. Sorry I can't wait you Arigatogozaimaso.

-Hiro




Agad na naglandas ang luha sa mga mata ko, ngayon ko lang ito binasa. TInago ko na nga, dahil hindi ako sigurado kung kakayanin ko bang basahin ang huling sulat n'ya para saakin, Hanggang sa napahagulgol na lang ako, habang yakap ang sulat na mula sa kanya.




Bakit ang hirap? Ang hirap isipin na wala na s'ya? Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko, kung umuwi kaya ako agad? Kung andito kaya ako? Maililigtas ko ba s'ya? Ang sakit! Parang pinipiga ang puso ko, hindi din ako makahinga. Sobrang sakit, isipin na may mga signs na nakikita sakanya, pero wala akong ginawa. At habang buhay ko atang sisihin ang sarili ko, dahil kung mas sineryoso ko lang ang mga sinabi n'ya. Kung nahalata ko lang na may plano na s'yang magpakamatay, sana ay napigilan ko. 

The last of ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon