Single Day

61 2 0
                                    

Tumakbo ako papuntang computer shop para lang may paglabasan ng galit. Galit? Galit nga ba o sakit?

" Excuse me, nandito po ba si kuya Cas? "

" Ay! Jewel ikaw pala yan. Tara pasok ka. Nandun si Cas sa loob puntahan mo na lang? "

Pumasok na ko sa loob. Ayokong humagulgol dito no! Baka akalain nababaliw na ako. Masabihan pa akong sira ulo.
Kakatok pa lang sana ako sa pintuan ng sakto namang lumabas si kuya Cas.

" Oh! Ano ginagawa mo dito Jewel? " -Kuya Cas

" Kuya Cas."

And I started to cry. I have no choice. I hug him tight. Ang sakit na kasi e. Yung feeling na para akong sinabuyan ng asido sa mukha. Bukod sa nasira ka na, nasaktan ka pa.

" Jewel? Anong nangyare? Bakit ka umiiyak? " -Kuya Cas

" Kuya Cas, Wala na kame. "

" Teka nga. Umupo ka nga muna para makapagsalita ng maayos. " - Kuya Cas

At naupo naman kame sa may bench. Umiiyak padin ako. Pero oy! Hindi ako yung mga babaeng kapag nagbreak sila ng boyfriend nila, konti na lang akala mo magpapakamatay na sa sobrang sakit. Duh! Sayang ho ang buhay.

" Anong nangyare? Sino nakipaghiwalay? Bakit kayo nagbreak? Kailan lang to? May Mali ba sainyo? - Kuya Cas

" Kuya Cas, isa- isa lang. Hindi ko masasagot lahat yan. "

Napatawa naman siya. Iyak na nga ako ng iyak tapos babatuhin ka pa ng sunod sunod na tanong. Anak naman ng tokneneng oh!

" Actually Kuya Cas, We have decided to end our relationship."

" Oh! Yun naman pala e. Meron naman pala kayong proper closure e. Bakit ka pa umiiyak?" - Kuya Cas

Bigla nanaman sumagi sa isipan ko yung mga nangyare, yung mga pinagusapan namin, yung mga Huling salita na narinig ko, huling tingin niya sa mga Mata ko. Oo, lahat huli. Kasi that will be last day, last hour, last minute, last second of being a couple.

Wala naman akong magawa, kundi ang umiyak sa mga nangyare. Ang labo ko no?

" Alam mo Jewel, kung nagkasangayunan kayong dalawa, dapat di ka umiiyak. Napagusapan niyo naman yan diba? Tsaka wag ka ng umiyak, kahit kailan, hinding hindi magiging sulosyon Ang pagiyak sa isang problema. " - Kuya Cas

Biglang tumagos sa puso ko lahat ng sinabi ni Kuya Cas. He's right.

Pinunasan ko naman agad ang aking mga luha. Huminga ng malalim sabay sabing,

" Ngayong single na ko, I promise, Every Single Day of my life will be perfect. "

Bigla namang pumalakpak si Kuya Cas. Kuya talaga. Kitang lumilitanya pa ko oh! Panira ng eksena.

" Very well said, Ms. Jewel Torres. Oh! Tama na yan a. Tara! Hatid na kita sainyo anong oras na din e. Baka hinahanap ka na ni tita. " - Kuya Cas

Putcha. 6:25pm na! Patay na naman ako neto sa nanay. Aiiish. Sermon tuloy ang magiging dinner ko.

Habang papalapit ako sa bahay, *kamot siko* *kamot siko*. Ang ritual para hindi ka pagalitan. Oy! Don't get me wrong. Totoo yan.

" Sige kuya, Thank you po. "

Thumbs up na lang Ang reply niya. Eto na. Eto na. Kinakabahan ako. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Baka hawak na ni mama yung mahiwagang walis. Pagbukas ko ng pintuan, I was shock.

WALA NGA PALA SILA MAMA.

Sometimes The One You Want Is Not The One You NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon