Chapter 19

7 2 12
                                    

LIZZIE







Pinanood ko ang pag alis ng mga estudyante at ni Cheska bago ako nagpababa kay Kai at batukan siya ng sobrang lutong.






"Aray! Dane naman eh!" Reklamo ni Kai habang nakatingin sa akin at hinihimas himas ang ulo. Inis ko siyang tiningnan at humalukipkip sa harapan niya.






"Anong Dane naman? Bwiset ka mag kakalat ka pa ng fake news!" Singhal ko sa kanya na ikina-pout ng mapula at cute niyang labi. Bahagya din namula ang kanyang pisngi dahil siguro nasa initan kami.






"Eh ayaw ka kaya niyang tigilan tungkol kay Matthew! Napapansin ko iyon, Dane. Lagi nalang siyang nananabunot sayo. Iyon lang ang paraan para tigilan ka niya sa kaka-issue kay Matthew." Sagot niya. Sa sobrang prustasyong nararamdaman ko ay napasabunot ako sa buhok kong magulo na. Bahagya pa akong napa-igtad dahil masakit pa din pala iyon.







"Ewan ko sayo, umuwi ka na nga. Pag ito kumalat, ipapakain kita sa piranha!" Banta ko sa kanya. Ngumisi siya at nilapitan ako saka ako inakbayan. Kunot noong tiningnan ko naman siya dahil hindi siya natakot sa banta ko.






"Duda akong magagawa mo iyan sa pogi mong kaibigan, Daney." Sagot niya at hinalikan ako sa pisngi bago tumakbo palayo. Hinabol ko naman siya pero tawa lang siya nang tawa habang tumatakbo.






Sa inis ay naisipan kong ibato ang sapatos ko sa kanya habang tumatakbo. Ibinato ko iyon sa direksyon niya pero nagulat ako nang lumitaw si Matthew. Lumiko kasi si Kai kaya hindi siya natamaan ng sapatos ko, sa halip ay ang kasalubong niya ang natamaan.








Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang umuusbong na tawa. Hindi ko talaga alam kung matatawa ako o maaawa sa hitsura niya dahil namumula ang ilong niyang natamaan ng sapatos ko.








Kumunot ang noo niya at sinundan ng tingin ang black shoes na nalaglag sa harapan niya habang hawak ang natamaang ilong. Kinuha niya ang sapatos ko at lumingon lingon sa paligid para hanapin ang gumawa noon. Nang makita ako ay napatingin siya sa kanan kong paa na white knee sock nalang ang natira. Nginisian ko siya, Tingnan mo nga naman. Thank you pa pala, Kai.







"Bakit mo ako binato?" Inis na tanong niya nang makalapit siya sa akin. Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang. Kukunin ko na sana ang sapatos ko sa kamay niya nang matigil sa ere ang braso ko. Hinawakan niya pala ito.








"Let go, Castro." Prenteng utos ko sa kanya. Hindi niya iyon ginawa at sa halip ay hinila pa niya ako palapit sa kanya gamit ang braso kong hawak hawak niya. Nang dahil doon ay nagtama ang mga ilong namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Akala ko'y mag eenjoy ako sa pang aasar sa kanya pero mukhang hindi.








"Eh paano kung ayoko, hmm?" Tanong niya na medyo paos at tiningnan ang labi ko. Agad akong natulala at hindi agad nakapag react. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa mga ginagawa niya.







Pero sa halip na magpadala sa bugso ng damdamin ay hindi ako nag salita at tinuhod ang pinaka-maselang parte ng katawan niya. Nabitawan niya ako at napasigaw nang dahil doon. Napa-upo siya sa semento habang hawak iyon at iniinda ang sakit na ginawa ko sa kanyang Jr.









"Fck! Argh!" Sigaw niya. Humalukipkip ako at napangisi habang pinapanood ang pag hihirap niya. Nilingon niya naman ako nang may inis sa mga mata.








Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now