LOVING A MAFIA

16 2 0
                                    

Prologue

I'm busy looking at some papers when my phone suddenly rang. Sinagot ko ang tawag ng hindi tinignan ang caller ID.

"Yes?"

["Hello, Miss President"]

Agad kong pinindot ang end button ng marinig ang boses niya. Siya na naman, siya nalang palagi ang umiistorbo sa akin.

Hindi ko nga alam kung paano niya nakuha ang number ko. Ilang beses na akong nagpalit ng sim pero nalalaman pa rin niya.

Daig pa niya ang isang detective sa sobrang bilis niyang makaalam.

Nag-angat ako ng tingin ng makarinig ng katok sa pinto. Bumuntong-hininga ako saka tumayo at binuksan ito pero agad ring sinara ng makita mung sino ang nasa labas.

Tangina talaga.

Minsan ayoko ng pumunta dito sa school. Mukha niya ang palagi kong nakikita, siya ang palaging umaaligid sa akin.

Bakit hindi niya maintindihan na ayaw ko ngang magpaligaw?!

May kumatok ulit sa pinto pero hindi ko ito binuksan. Ni-lock ko lang ito at bumalik sa table ko para matapos na 'tong ginagawa ko.

Halos isang oras rin akong natapos. Malapit na kasi ang Intrams namin at maraming preparation kaya sobrang busy ng SSG.

Lalong-lalo na ako na President.

Inayos ko na ang table saka lumabas ng opisina. May sariling opisina ang SSG Council. Dito kami nagme-meeting at dito rin tumatambay.

Bumalik ako sa room at kapag minamalas ka nga naman, may naghihintay na impakto sa pinto.

Papasok na sana ako ng bigla niya akong hinarang saka nginisihan. Nakarinig ako ng singhapan sa likod, siguro ay nagulat dahil sa ginawa nitong impakto.

Ito ang unang beses na may gumawa sa akin nito.

"Bakit mo ako pinatayan ng tawag?" tanong niya pero hindi ako sumagot. Walang gana akong nakatitig sa kanya habang naka-cross arm. "Bakit mo ako pinagsarhan ng pinto?" tanong niya ulit.

"Aalis ka o papaliparin kita?" pagbabanta ko rito pero parang hindi man lang natakot. Ngumisi lang siya sa akin saka gumilid para makadaan ako.

Inirapan ko siya saka pumasok pero hindi pa ako nakakalayo sa kanya ng bigla niya akong hinawakan sa kamay saka pinaharap sa kanya at..

at..

at HINALIKAN!

What the freaking fvck?!

Malakas ko siyang tinulak at sinuntok. Napahiga naman siya habang sapo ang panga.

"Bakit mo ako sinuntok?!" inis niyang tanong dahilan para kumulo ang dugo ko.

"You kissed me! Sinong nagbigay sa 'yo ng permiso na halikan ako?! 'Wag kang lumapit ulit sa akin dahil baka balian na kita ng buto!" sigaw ko rito at padabog na umupo sa likod na bahagi ng room, kung saan ako nakaupo.

Nakatingin lang ako sa kanya ng masama habang tinatayo siya ng barkada niya at inaakay palabas. Hindi ko siya nilulubayan ng tingin hanggang sa makalabas sila ng room.

Siniko ako ni Winny kaya napalingon ako sa kanya.

"Ikalma mo, Pres. Stress ka masyado," sabi niya sa akin habang nagtataas-baba ang kilay, parang nang-aasar.

"Sino ba naman ang hindi kung mangyayari 'yon sa 'yo? Marami na akong pinoproblema, dumagdag pa siya," sagot ko at sinipa ang upuan na nasa harap ko.

Natahimik ang buong classroom dahil sa ginawa ko. Lumapit sa gawi ko si Michael at tinayo ang sinipa kong upuan.

"Kumalma ka nga, Pres. Ang hot mo masyado."

"Gusto mong sumunod sa clinic?" Pinanlakihan ko ito ng mata.

Agad niyang tinaas ang dalawang kamay. "Sabi ko nga tatahimik na." Lumakad siya pabalik sa mga kaibigan niya.

"Hayaan mo na 'yon, Riri. Siguro naman tatantanan ka na niya dahil sa ginawa mo," maarteng saad ni Vivian habang naglalagay ng pulbo sa mukha niya.

"Ang lakas kasi ng loob na lumapit sa kanya, ayan tuloy sa clinic napunta," sabi ni Cleo.

"But, did you notice? When Caizon kissed her, it's like she blushed a little."

Mabilis kong nilingon si Jordan dahil sa sinabi niya.

"Ano?" Nagsalubong ang kilay ko.

"I'm telling the truth, you blushed a little," sagot niya saka ngumisi.

"Ay, si Aria kinikilig."

"Kunwari pa'ng nagagalit, gusto rin pala."

"Gano'n tumugon ng halik si Riri, nanununtok! HAHAHA!"

Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. "Tahimik!"

Nanahimik naman sila pero hindi pa rin nawawala ang mapang-asar nilang mga ngiti. Natapos ang buong araw na wala silang ibang ginawa kun'di ang asarin ako dahil lang sa namula ang pisngi ko.

Galit ako, hindi kinikilig!”

Iyan ang sinabi ko sa kanila pero ayaw nilang maniwala. Hinayaan ko nalang dahil alam kong kusa rin silang titigil. Dito sa buong school, sila lang talaga ang may kakayahang asarin ako.

Sasakay na sana ako sa motor ko pero napatigil ng makitang naglalakad papalapit sa akin si Caizon, ang lalaking sinuntok ko kanina.

"Ano na naman ang gusto mo?" Umupo ako sa motor.

"May sasabihin lang ako.."

"What is it?"

"I just wanna tell you na kahit anong gawin mo sa akin, kahit bastedin mo pa ako ng ilang beses, kahit dumugo na ang mukha ko kasusuntok mo, hindi ako titigil," he said while looking straight to my eyes.  "Liligawan kita hanggang sa mahulog ka sa akin."

Bumuntong-hininga ako saka tumayo. "Gusto ko ring sabihin na kahit ilang beses mo pa akong paulit-ulit na ligawan, hindi kita sasagutin." Isinuot ko ang helmet at lumingon sa kanya. "Gaya ng sinabi ko noon, hindi tayo pwede."

"Sabihin mo sa akin kung bakit. Bakit hindi pwede, Aria?" May pagmamakaawa sa boses niya.

Umiling ako saka sumakay at pinaandar ito. "Hindi mo gugustuhing malaman," sabi ko at humarurot paalis.

Hindi tayo pwede dahil hindi tayo bagay.

Normal ang buhay mo habang ako ay maraming beses ng pinagtangkaan.

Loving someone like me is hard, being in a relationship with someone like me is harder.

You're just a simple guy while I'm a mafia.

And loving a mafia isn't an easy job.

LOVING A MAFIA (On-Going)Where stories live. Discover now