Psyche Faith Dimagiba P.O.V.
PAGKATAPOS NAMING kumain ay dumiretso na kami ni Eros sa isang tahimik na park para isagawa ang pagre-review.
"Okay we'll start on Math." Agad akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Eros. Sa totoo lang may phobia ako sa subject na 'yan.
"I'll set up some examples so you can try to answer them," dugtong nito at nag-umpisa nang magsulat. Sinilip ko ang sinusulat niya. Anak ng patola! Nahilo ako bigla nang makikita ng mga number with letters.
"Oh, try to answer this," pagkaabot nito ng papel sa akin ay tinignan ko ito.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang ten items lang pala ito.
Number one. X + 4 = 1. Find X.
Kaagad akong napakamot ng ulo sa aking nabasa. Hindi ko kasi alam kung paano ito iso-solve kaya naman nilagpasan ko muna ito at dumako sa number two. Pero kagaya ng nauna, hindi ko rin ito alam sagutin kaya nilagpasan ko din ito at dumako sa number three pero hindi ko pa rin alam ang isasagot dito.
Nakarating ako sa number ten nang wala akong nasagutan. Kaiyak!
Napatingin ako kay Eros na busy sa cell phone niya. Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya nag-angat ito ng tingin.
"Are you done?"
Agad akong na alarma sa tanong niya kaya ibinalik ko ang tingin sa papel na sinasagutan ko.
"Hindi pa," sagot ko dito nang hindi lumilingon at nag-concentrate sa papel na hawak ko.
Tama Psyche, mag-consentrate ka. Baka na di-distract ka lang sa kagwapuhan ni Eros kaya di mo masagutan.
"Let me see your paper," biglang sabi ni Eros na labis kong ikinabigla. Anak ng patola! Wala pa akong nasasagutan.
"Wait, nasa number five pa lang ako," palusot ko sa kanya at bahagyang tinakpan ang papel ko.
"It's alright even you didn't finish it," sabi nito at biglang kinuha ang papel ko.
Patay kang bata ka!
"What the hell, Psyche! Halos fifteen minutes akong naghintay tapos wala ka man lang nasagutan!" bulyaw nito sa akin kaya kaagad akong napayuko. Para kasi akong lalamunin ng buo ni Eros kung makatingin.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano iso-solve 'yan," nahihiya kong pag-amin. Bigla itong napatayo dahil sa sinabi ko.
"You don't even know something as easy as this? Holy cow! What are you doing in school?"
Muli akong napayuko dahil sa kahihiyan. Hindi ako sumagot, mas mapapahiya lang ako kung magsasalita pa ako.
"Okay I'll teach from the very basic," sabi nito at muling umupo. Kinuha nito ang papel ng pinapasagutan niya sa akin kanina.
"You need to listen to me carefully," dugtong pa nito.
"In problem number one, we only need to subtract one from both sides of the equation in order to isolate X and solve the equation:
x + 1 - 1 = 4 - 1
"Now, simplifying both sides we have:
x + 0 = 3
"So the answer is negative three. The answer is negative three. Naiintindihan mo ba?"
Hindi ko maiwasang hindi tumingin at humanga kay Eros habang nagsasalita siya. Napakagaling niya kasi.
Kung magiging teacher siya sa isa kong subject, magpapabagsak ako lagi para makita at makasama lang siya araw-araw. Pwede din siyang maging doctor. Matalino kasi siya kaya kayang kaya niya 'yun. At kung magiging doctor man siya, ako naman, gusto kong maging pasyente niya.
OMG, iniisip ko pa lang na nakaratay ako sa ospital habang ginagamot ni Eros ay kinikilig ako.
"Naiintindihan mo ba?"
"I love it," sagot ko dito.
"I said, naiintindihan mo ba ang tinuturo ko!"
Bigla akong nagising mula sa pagde-daydream ko nang muli akong bulyawan ni Eros.
"Ay oo, naiintindihan ko. Ang galing mo ngang magturo eh," confident kong sagot para hindi niya mahalatang hindi ako nakikinig sa kanya kanina.
Nagbigay pa si Eros ng maraming example ng Math problem at kahit papaano ay naintindihan ko naman ito kahit pa ilang beses niya akong halos kainin ng buhay 'pag nagkakamali ako.
"Stop it, you should memorize the multiplication table first para mas maintindihan mo ang multiplication of algebratic expression. Tomorrow we'll continue this," biglang sabi nito at tumayo.
Dali-daling kong iniligpit ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa at hinabol si Eros.
"Ah uuwi na tayo?" tanong ko nang makaangkas sa motor niya at sinuot ang helmet na iniabot niya sa akin kanina. Masyado pang maaga. Ala-una pa lang ng hapon at halos isang oras lang niya akong tinuruan.
"Hindi pa tayo uuwi," sagot nito at binuhay ang makina ng motor.
"Eh saan tayo pupunta?" tanong ko dito habang nagmamaneho ito.
"Sa mga kamag-anak mo."
"Huh? Kilala mo ang mga kamag-anak ko?" Sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang mga kamag-anak ko kaya nagtataka ako sa kung paanong nakilala niya ang mga ito, samantalang hindi ko sila kilala.
Pero hindi man lang ako nito sinagot sa tanong ko.
NAGTAKA AKO nang bumaba kami sa isang parking lot ng isang kilalang condo building. Sinundan ko sa paglalakad si Eros at huminto siya sa sasakyan niyang si Transformer. Transformer-'yan ang ipinangalan ko sa kotseng lagging ginagamit ni Eros. Umaangat kasi 'yung bubong nito.
"Tutunganga ka lang ba d'yan?" tanong nito. Nakasakay na pala ito sa kotse niya kaya naman dali-dali akong sumakay na rin dito. Dumaan pa kami sa isang mini-store at bumili ng maraming pagkain na labis kong kinataka.
Halos isang oras kaming nasa byahe ni Eros pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Hindi ko maiwasang hindi tingnan si Eros. Naalala ko na naman kasi ang kantang Passenger Seat na kanta ko sa kanya sa tuwing magkasama kami 'pag nagda-drive siya.
Zachary Hemeros P.O.V.
"BAKIT DITO sa zoo ang meeting place namin ng mga kamag-anak ko?"
Pinigilan kong hindi matawa sa tanong sa akin ni Psyche nang papasok na kami sa Zoobic Park. Halos dalawang oras din kaming nagbiyahe papunta dito sa Subic.
"Nasaan na ba sila?" Excitement is evident in her voice as we entered a mini forest. I stopped walking and faced her.
"Turn around. They are on your back." Kaagad naman itong tumingin sa likod niya.
"Huh, wala namang tao sa likod ko. Mga unggoy lang naman ang nandito." Lumingon siya sa akin at nagtatakang nagtanong. Hindi ko na talaga napigilang tumawa. She still didn't get my point.
"Anong nakakatawa Eros?" Nagtataka pa rin siya sa inasal ko at napakamot na lang sa ulo kaya biglang nagwala ang mga unggoy sa likod niya at pilit hinahablot ang buhok niya. Maagap ko naman siyang hinila subalit nawalan ako ng balance kaya bumagsak kami sa damuhan.
Umangat siya nang tingin sa akin at nagkakatitigan kami.
The way she stares at me makes my heart beat slower and faster at the same time. Quite framly, she's the only person who can do that.
"Hoy, Eros! Okay ka lang?" I went back to my senses when she slapped me.
"What the-" reklamo ko at hinimas ang pisngi kong sinampal niya.
"Ay sorry. Ikaw kasi kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman sumasagot tapos nakatulala ka lang. Akala ko naman napasama ang bagsak mo," paliwanag nito. Kanina pa pala siya nakatayo kaya kaagad akong bumangon at nag-umpisang maglakad-lakad sa mini forest.
Nang matapos kaming maglibot sa mini forest ng lugar ay pumasok naman kami sa bird walk.
"Uy bagay sila."
Kaagad kaming napalingon sa nagsalita.
"Wow, ang galing naman nitong ibon marunong magsabi ng totoo. Anong tawag dito Eros?" tanong ni Faith at sinubuan ang ibon ng pagkain.
"Umbrella cockatoo," tipid na sagot ko dito at naglalakad-lakad.
Nagpakagala-gala pa kami dito sa bird walk. Pinagmasdan ko lang si Psyche habang nagpapakain ng iba'y ibang uri ng hayop. Para siyang bata kung kumilos, mababakas ang saya sa mukha niya kaya kaagad kong kinuha ang aking cellphone at patago ko siyang kinuhaan ng mga larawan. I heaved a deep sigh. She lives in the daydream where I don't belong.
Nang magsawa siya sa pagpapakain sa mga hayop ay nagtungo naman kami sa Tiger Safari.
We rode through an outdoor enclosure in a specially designed jeep. Pinagtinginan kami ng mga tao nang biglang sumigaw si Psyche. May lumapit kasing Siberian tiger sa bintana sa tapat ng kinauupuan niya. Napakapit pa ito sa akin sa sobrang takot pero kalaunan ay nag-enjoy din itong pakainin ng mga manok ang mga tiger. Pagkatapos ay pumunta kami sa museum, Aetas' Trail, Croco Loco, Savannah at marami pang iba. Nanood din kami ng animal show. Nagpresinta pa nga si Psyche na kargahin ang isang Burmese Python.
"Eros selfie tayo." Agad akong humarap sa kanya. Hindi ko akalaing mahilig pala si Psyche sa mga selfie. Sa halos lahat ng hayop sa park ay may selfie kaming dalawa.
"Tagapagtanggol ng naaapi, Darna!" sigaw nito at nagpose pa.
Nakasakay na kami ngayon sa zipline at bakas na bakas ang saya sa mukha ni Psyche. Pakiramdam niya daw, siya si Darna.
Nakaupo na kami ngayon sa isang bench habang inaabangan ang paglubog ng araw. Tiningnan ko ang katabi ko nakatulog na pala ito sa balikat ko. Marahil napagod ito nang husto sa paglilibot namin. I just stared at her as she's sleeping peacefully. I don't know what happened to me, but I just found myself kissing her.
I smiled. Hindi naman niya siguro malalaman na sa ikatlong pagkakataon, ninakawan ko siya ng halik.