CHAPTER 114

25 1 0
                                    

JENNIE

Alas dos ng hapon ng magpasya akong umalis na lang ng office dahil wala naman dun ang focus ko.

Mino where are you?

Office. Why?

Punta akong paraiso. I need a
Drink. Masyadong magulo ang
Utak ko ngayon.

What? Ang taas pa ng araw Jen.

Sumunod kana lang sakin later.
Andun naman si Sunmi. I just
Needed someone to talk. Sige
Na, andun lang ako if susunod
Ka.

Nagtaka din si Sunmi ng makitang naka formal attire pako.

May meeting ka ba dito?

Nope. Nag timeout muna ako sa office. Baka maloka ako.

Diyan ka sa bar?

Kahit nagtataka ito ay sumunod lang ito sakin. Alas 4 pa talaga ang bar nila nag oopen, pero ano pa't kaibigan ko ang may ari kung hindi ako pwedeng uminom kahit na closed.

May tao na naman dun na nag iinventory.

Yes Maam. Ano pong order ninyo?
Tanong naman nong staff ng maupo na kami ni Sunmi sa isang sulok

Penge ngang isang bote ng Tequila

Napanganga naman si Sunmi at yong staff. Tinanguan na lang ni Sunmi yong staff ng hindi ko bawiin ang order ko.

Work ba talaga ang problema mo?

Yes and No. Sagot ko

Sabi na nga ba eh. Dun ba sila nagpunta sa shop mo?

Yap. Ang galing nga eh.

Napabuntong hininga na lang si Sunmi..

Ano'ng drama na naman ito RubyJane? Tanong niya

Nagseselos ako.

Natahimik naman siya sa pagsasabi kong totoo.

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Masyado kang mapride. Ano ba ang sinabi ko sayo noon? Na ikaw ang iiyak sa huli pag hindi mo siya kinausap. See?

I need a friend now, hindi yong nanenermon. Sagot ko sa kanya

Save mo muna yang drama mo. Kukuha lang ako ng pagkain. At magpapaalam muna ako sa asawa ko na sasamahan kitang mag walwal. Pero huwag dito, doon tayo mamaya sa kubo papalinis ko muna.

Tumango na lang ako.

May problema ba Jennie?
Pinuntahan ako ni Chanyeol

Wala naman. Hihiramin ko muna ang asawa mo ha. Gusto ko lang talagang maglasing ngayon.

Okay. Doon na kayo sa kubo para kahit makatulog kayo sa kalasingan walang makakakita sa inyo. Pinalagyan ko muna ng foam at mga unan dahil siguradong sa itsura mo ngayon at sa determinasyon mong magpakalasing ay alam ko ng hindi ka na makakauwi mamaya. Dito kana lang matulog.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon