Astrid's POV
"Astrid... Forget what I said. Let's just eat."
Damn! I let out an exasperated sigh. Pinatay ko ang laptop ko dahil hindi ako makapagsulat nang maayos. Kanina pa pabalik-balik sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni Noah kaninang umaga.
Naiinis ako dahil hindi ko siya maintindihan. He tends to say words that he would later on regret. Parang kinukurot ang puso ko sa ginagawa niya.
Ilang ulit pa akong bumuntong hininga bago ako nagpasyang maglakad-lakad na lang sa tabing-dagat. Mataas na ang sikat ng araw, ngunit hindi ko iyon inalintana. Tahimik akong naglakad at namataan ko si Noah na nakasakay na naman sa kanyang surf board.
Sa ilang araw kong pananatili rito sa resort ay para bang unti-unti kong napapansin ang mga bagay tungkol sa kanya. He was frowning deep, and he looked serious in what he was doing. I noticed that surfing, somehow, eases the tensions in him.
Sinubukan kong alisin sa kanya ang paningin ko, ngunit hindi ko magawa. Para bang mayroong humihila sa akin patungo sa kanya. As if he felt my gaze, his eyes shifted to my direction and we locked gazes. Umawang ang labi ko at bumilis ang pintig ng puso ko. It was a brief moment, but I think something shone in his eyes. Or was I only imagining things?
Pinakinggan ko ang mabilis na tibok ng puso ko at napagtanto ko na delikado na ito. I'm no stranger to love, because I've been writing about it for a long time. Pero... Iba pala kapag totoong nararamdaman mo na. I couldn't even begin to describe how I feel exactly, at natatakot ako sa katotohanan na nahuhulog ako. Nahuhulog ako nang sobrang bilis, kahit hindi ko pa siya gaanong kilala.
Tumalikod ako at nagmamadaling bumalik sa cottage ko. Natatakot ako sa tuwing nagtatama ang mga mata namin, dahil alam ko na tama siya. Tama siya nang sabihin niyang bumibilis ang tibok ng puso ko, tama siya nang sabihin niyang apektado ako ng presensya niya. At natatakot ako na baka sa huli, ako lang ang mahulog at hindi niya ako sasaluhin.
Tinuon ko ang atensyon ko sa pagsusulat, at pilit kong kinalimutan ang mga bagay na nagpagulo sa isipan ko. Kailangan kong matapos ang nobelang ito, kailangan dahil alam kong kaunti na lang ay mahuhulog na talaga ako. Naroon na ako sa bingit, at gahibla na lang ang pagitan ng pagkahulog ko. Ang katulad ni Noah ay walang kasiguraduhan. Alam ko, at nararamdaman ko na hindi siya handang pumasok sa isang relasyon ngayon o sa hinaharap man.
It was like he was stuck somewhere along his past. Naroon pa rin siya, at pati ang puso niya. He's not yet healed, more like he doesn't want to be healed. The look of regret in his eyes everytime he says something that makes my heart flutter is very evident. Kung ano man ang pumipigil sa kanya na sundin ang nararamdaman niya, nasisiguro kong napakabigat niyon.
Bumuntong hininga ako at paulit-ulit na binasa ang mga linyang sinusulat ko. Hindi ko ito maramdaman, hindi tumatagos sa puso ko. Kalaunan ay binura ko rin ang sinulat ko at inis na ginulo ang buhok ko.
"Problem?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang narinig ko ang malalim na boses ni Noah sa likuran ko. Napapikit ako at dinama ang mabilis na pintig ng puso ko. Damn!
I turned around and shrugged my shoulders at him.
"Hindi ko maramdaman ang sinusulat ko, para bang wala akong makapang damdamin..." mahina kong sagot.
Kinuha ni Noah ang isa pang mono block chair at itinabi sa akin. Napakislot ako nang maramdaman ko ang pamilyar na kuryenteng dumadaloy sa tuwing nagdidikit ang mga balat namin.
I didn't know if Noah felt the same because he didn't show any emotions. Tahimik lang siya at seryosong nakatuon ang mga mata sa laptop ko.
"The lines are smooth... But I think it lacks conviction. Are you distracted?" He asked, his cold eyes piercing mine.
BINABASA MO ANG
LDA #10: When The Last Petal Falls
RomanceLagrimas De Amor Series 10: When The Last Petal Falls A Collaboration Series. Have you ever wondered how deep you could peer into someone's soul, when you look into their eyes? When Astrid first laid her eyes on Noah Colton, she knew that instant th...