CHAPTER 1 TRUE WORLD

29 3 4
                                    

CHAPTER 1 TRUE WORLD

Ilang taon din ang nakaraan pero pilit ko parin tinatanggap ang lahat.

Nasaan na ba sya?

May nangyari ba sa kaniya? o patay na ba sya kung patay na sya sana magparamdam naman sya kahit sa panaginip.

Hindi yung nawala nalang syang parang hangin. Kung alam kung mangyayari ito sana hindi ko na hinayaan ang puso kong mahulog ng sobra sa kanya.

Minsan na nga lang ako magmahal sa maling tao pa bakit ganon. Sinasabi ko sa sarili ko na ayos lang yan baka naman hindi nya ako totoong mahal. Ginawa nya lang iyon para paglaruan ako at masaktan ng ganito.

Ginugol ko ang buong oras ko sa pag aaral ngayon graduate na ako bilang isang Architec. Dati talaga engineer ang gusto ko pero ngayon hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang plano ko.

Ngayon nagtatrabaho na ako sa isang kilalang kompanya ang INHERITAGE CONSTRUCTION. Bilang bagohan nagaadap palang ako sa environment at mga co worker ko.

"Heaven pinapatawag ka ni boss auris" saad ni bethany sa akin katrabaho kung sipsip kay boss. At sabay balik sa kanyang pwesto nilikom ko ang aking mga folder at presentation.

Matagal ko ding pinag paguran ang proposal na ito dahil ibinigay sa akin talagang pinag handaan ko. Madaming naiingit sa akin dahil bago palang ako ay saakin na binigay ang project na ito.

May gagawin daw kaseng isang village at gusto nila ako ang architec kaya ginawa ko ang lahat para hindi sila madissappoint. Dahan dahan kung nilakad ang opisina ng aming boss at binuksan ang pinto. Sa lahat ng boss para sa akin sya ang pinaka mabait, magalang at maayos ang trato sa kanyang mga impleyado.

" Oh! Heaven ready na ba ang pinapagawa ko?" tanong nito at sinalubong ako para paupuin. Inilabas ko ang aking projector at nagsimulang nagpaliwanag.

Akala ko ay marami doong tao pero bakit kaming dalawa lang? Natapos ang aking presentation ng halos kalhating oras at maiigi syang nakikinig sa akin.

"Hindi talaga ako nagkamali sa pinili I'm sure magugustuhan nya ang plano mo" At tatango tango sya.

Sinong sya? Baka yung Client namin na kahit isang beses hindi ko pa nakikita.

"Thank you po sir" At unti unti ko ng nilikom ang mga gamit ko. Papalabas na akong ng biglang nagsalita sya.

" Ahh Heaven may bago palang hire na engineer na makakapartner mo sa project at sana maging maayos ang samahan nyo si Rendy at Hazel ay busy sa ibang project so naghire ako ng bago so keep up the good work heaven" Pagkatapos ay nginitian ako.

"Salamat po" At tuluyan na akong lumabas ng opisina bumuntonghininga bago bumalik sa aking pwesto. Halos tatlong architec kami dito at dalawang Engineer lang marami na ring umalis dahil sa personal na dahilan.

Alas kuwatro na ng hapon ay umuwi na ako nagpaalam ako kay dahil medyo sumakit ang ulo ko. Sumakay ako ng jeep papauwi sa apartment ko kaunting pahinga lang at tatawag ako kila mama at papa para mangamusta.

" Oh kamusta na ang bunso namin ayos lang ba sa trabaho?" Tanong ni papa na halatang kita nya ang pagod sa mukha ko.

" Pa okay lang po ako masakit lang ang ulo ko po pero po ayos sa trabaho" Paliwanag ko kay papa ng biglang sumingit si mama.

" Heaven kailan ka bibisita dito sa Laguna?" Tanong ni mama. Simula nung college nandito na ako sa manila kasama si lola ngayon tatlong taon na simula nung pumanaw. Kaya nasanay na akong magisa dito sa manila at mabuhay ng naayon sa gusto ko.

"Ma hindi ko pa po alam magpapaalam pa po ako kay sir auris" saad ko.

" wag mong papabayaan ang sarili mo ha? Matulog ka sa oras at kumain ng maayos wag na wag mong kakalimutan" Ito na naman si mama.

" Opo sige na po magpapahinga na po ako" Nagpaalam ako bago patayin ang tawag.

Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatingin sa kisame ng aking kwarto sobrang tahimik maririnig mo ay ang tunog ng electric fan.

Nasanay ako sa ganitong katahimikan oo sanay pero malungkot ako tuwing mag ooverthink ako sa mga bagay. Bumuntong hininga ako at niyapos ng mahigpit ang aking unan tumingin ako sa bintana at maraming stars sa langit. Namimiss ko na sa laguna sobra ang dati kung gawain ang malinis na hangin.

Maraming puno't halaman sa paligid na ibang iba sa manila. Puro gusali at sasakyan ang iyong makikita maraming mapagsamantalang tao pag nagpakita ka ng kagandahang loob. Sa ilang taon ko dito mapakadaming kaibahan ng probinsya at ng syudad. Sa syudad dito ako na mulat sa totoong mundo na kung hindi ka kakayod wala kang kakainin.

Walang libre at puro karahasan dati pinangarap ko ang mabuhay sa totoong mundo pero parang ngayon gusto ko ng takasan at magtago nalang sa mundong gusto mo. Madami akong narealize madami ako natutunan at mga nasubukan sa paraang iyon doon ka pala magiging tunay na tao.

Kung hindi ka makikipag sapalaran ay wala lang lahat ng pinaghirapan mo. Maya maya ay tumunog ang aking cellphone at sinagot ang video cal ni amber.

"hoy kamusta na?" Bungad ko sa kanya.

"Heaven may surprise ako sayo" Napakunot ang noo ko napaisip din ako.

"Ano yung ber?" Curious kung tanong.

" Kukunin kitang brides maid ikakasal na ako ven sa kabilang buwan" Saad nito.

"Eh bakit ngayon mo lang ako inimbita?wala pa naman akong ipon !" Sa totoo lang ang hirap tanggapin na yung matagal mo ng kasama ay ikakasal na sa iba kase para sakin sya parin yung amber na iyakin.

" Oo punta ka ha mag leave ka muna kahit tatlong araw lang" Pacute pa nyang sabi.

"Sige pupunta ako basta ikaw iiwan mo na ako at sasama ka na kay mike" Naiiyak na ako pero pinipigil ko lang masaya ako at sa kabila noon nalulungkot din.

Ang bilis talaga ng araw hindi ko na napuna masyado akong tutok ka pagaaral at maabot ang pangarap ko. Si amber leicense nurse na kagagraduate nya palang magpapakasal na agad.

"Heaven basta ikaw ang forever partner in crime ko" Pabiro nito at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Biniro nya pa ako hanggan sa huli parehas na kaming umiiyak.

"Basta pupunta ka ha?" pag aasure nya.

"Oo pupunta ako sige bye papahinga na ako" Sabay patay ng tawag.

Yung lalaking tinatakbuhan nya araw araw dati ngayon ikakasal na sila pinaka hate nya pa naman si mike.

Anong nangyari sa mundo? Totoo bang the more you hate the more you love? Ako hanggan ngayon hindi parin maka move on sa iisang lalaki na wala namang pakialam sa akin. Parang ako lang ata ang masyadong nasaktan totoo nga ang kasabihan tungkol sa mga lalaki.

Sa una papakiligin ka ipaparamdam sayo na ikaw lang ang tanging babae para sa kanya at pag hulog ka na sa bitag tsaka ka ilalaglag at iiwang luhaan. Oras na para kalimutan ko sya at buksan ulit ang puso ko sa iba at kahit kailangan hindi na ako papabilog pa sa kaniya.

Makakaya ko kaya?

Please vote and comment for more update! follow me guys hahaha.

BEHIND HIS SMILE_SERIES_1 (THE MISSING PIECE)_BOOK 2Where stories live. Discover now