9th

142 2 0
                                    

Rolet POV

"Picture naman tayo mahal..." andito na ako sa backstage dahil dinalhan ko siya ng pagkain at tapos narin ang show.

"Wag na... Pasahan nalang kita ng pictures mamaya" aniya.

Parang ang sarap magwala! Lagi nalang ganito pag nasa public kami. Ayaw niyang nagseselfie kami, ayaw niyang hinahawakan or inaakbayan ko siya, ayaw niya na magkadikit kami at kung anu-Ano pa na nagpapahalata na magGirlfriend kami. Actually sanay nako sa ganito, kahit sa ibang pastrelationships ko ay ganito rin. Pero iba to eh, 3 years na kami pero hanggang ngayon walang improvement. Binibigay k naman lahat sakanya pero bat ito ang isusukli niya sakin? -______- I'm her first girlfriend, never pa siyang nagkasyota ng lalaki before me kaya akala ko ito itetreasure niya ako, yun pala sa una lang masaya... Habang tumatagal, lalong lumalabo at pumapakla ang pagsasama namin. Sagad na sagad na ako. Ayaw ko na! Masakit na.

"Kahit isa lang mahal, picture tayo
para atleast may maipost ako sa Fb mamaya" -me

"Wag nanga sabi. Papasahan kita ng pictures ko, promise" -siya

"Oy hi ate Rolet. Andito ka pala" -isa sa mga kaibigan ng gf ko

"Oo, kanina pa." -me

Konti lang ang nakakaalam ng magsyota kami eh. Halos mga closefriends nya lang.

Well guys, sa linggo pa naman ako uuwi kaya may dalawang araw pa ako. Kaya pa to.

Hinahanap ko ang phone ko, namissplace ko ata. Nagmamadali kasi ako kanina dahil tapos na ang show at bumili pako ng snacks niya. At nakalimutan kong... Patay, nakalimutan kong replyan si Rhea. siguro nagfloodtext nayun. TSK.

Halungkat... Halungkat... Halungkat...

At nasa bulsa ko lang pala. *tapik sa noo* Hahaha.

Pagtingin ko ay di naman pala siya nagtext ulit. Di niya hinihintay ang text ko. =(

Umuwi na kami ng bahay nila at saka nagpahinga.

Bukas ko nalang siya textan. (eh kasi nagtatampo ako, di man lang siya concern sakin huhu)

"Anong binubusangot ng mukha mo dyan?" biglang tanong niya sakin.

"Wala... Pagod lang" -me

"Pagod nga ba o di nagtext si textmate?" -siya

"Ha? Anong pinagsasabi mo dyan?" -me

"Ano ako Rolet! Siraulo?! Syempre marunong akong magbasa ng mga cono mo dyan sa phone mo! Akala mo ba di ko nahahalata yang ginagawa mo?! Ha?! Pati yung
chat2 nyo sa fb, akala mo di ko yun nabasa! Parang mas masaya kapang kausap siya kesa sa akin!" nagsimula na siyang nagtaas ng boses.

"Eh bakit?! Pag ikaw ba ang may katext na iba, nagrereklamo
ba ako?! Nung hinihiram ko phone mo, binibigay mo
na?! Nung niloko moko ng dalawang beses, iniwan ba kita!? Pinagtabuyan ba kita?! Sagutin moko! Pag may hinihingi kaba, di ko ba nabibigay?! Buti panga tong katext ko, napapangiti at napapasaya ako kahit sa text lang. Eh ikaw, girlfriend na girlfriend pero ni minsan di moko pinagmalaki, di moko iniisip ang feelings ko!" at di ko na mapigilang magsalita. Punong-puno na talaga ako eh.

"Oh pagod kana?!"

"OO. Pagod na pagod nako. Gusto ko lang naman time at ipagmalaki kahit konti pero ni tuldok never mo
yun pinaramdam sakin" at biglang tumulo
ang luha ko.

"Pagod ka naman pala. Eh di bitawan mo na ako"

Shit!!! Siya pang may sabi niyang sakin?! Sa noon pa, sinabi niya nayan sakin para di nako nag-effort na pumunta dito. Bwisit

Di nako nagsalita. Instead umiyak at umiyak nalang ako.

Bigla niya akong nilapitan... "Uhm sorry mahal, di ko sinasadyang sabihin yun sayo. Sorry"

"Wag kang mag-alala, pag di ko na kaya. Bibitawan na talaga kita" kako naman.

"Ayoko mahal. Di ko kayang mawala ka talaga" sabay yakap sakin.

Inalis ko naman ang kamay niya. " Di mo pala kaya. Eh di DO YOUR RESPONSIBILITY AS MY PARTNER. Kung ikakahiya mo lang pala magkasyota ng isang tulad ko, di mo nalang sana ako pinatulan"

"Wag mong sabihin yan. Di naman yun ang dahilan, ayaw ko lang na may manghusga satin"

"Ayaw mong may manghusga satin o ayaw mong machismis na may tomboy kang syota?!" -me

Di na sya nagsalita pang muli. Lumabas siya ng kwarto at ako nalang ang naiwan sa loob.

Di ko lubos akalain na magvovoiceout narin ako sa lahat ng hinanakit ko sakanya. Di ko yun masabi-sabi sakanya dati kasi mahal na mahal ko siya at sayang naman ang tatlong taon.

"Hello Rhea. I need you now" -sent

After ilang minuto ay saka pa siya nagreply...

"Oh y?" -siya

"Nag-away kami ng gf ko. Nasabi ko na sakanya lahat-lahat"

"Tapos? anyare na sainyo?" -sya

"Nagwalkout lang xa..huhu"

"Bakit kasi di mo pa siya iwan? Marami pa naman dyan na kaya kang mahalin higit pa sa buhay niya". -siya

Magmamahal lang ako ulit kung ikaw yun...

"May natitipuhan ako pero ayaw niya sakin. :("

"Sino naman?" -siya

"Basta."

Marami kaming napag-usapan. Nagsorry ako kasi di nako nagreply sakanya. Naintindihan nya naman daw. At after that long convo, may isang tanong siya sakin na biglang naiba ang mood
ko.....

ABANGAN ---

-
a/n: pabitin muna tayo guys. mwamwa :P good evening po. last 2 days nalang, birthday ko na. kahit comment at vote lang. Okay nako! ^____^

••• to be continued ;)

5 MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon