SSM 26

52 0 0
                                    

1 week ko ng di pinapansin si Sandro. Sumasagot lang ako sa mga tanong niya pero agad akong didistansya.

Gabi noong araw na maaga na siyang umuwi dahil pinuntahan niya si Jessy ay di na ako nagpakuha sa kanya. Dumeritso ako ng uwi ng gabing yon at diko siya tinext. 8pm ay mag-a out na ako para lang dina niya ako maabotan dito.

Tas pag-uwi ko sa bahay ay wala pa siya kaya linis agad ako ng katawan saka matutulog, dahil 9pm naman siya lage umuwi.

Sa umaga naman ay mas maaga na akong gumigising sa kanya para mas mauna akong makaalis para di ko na siya maabotan. Alam kong nagtataka na siya pero wala akong pake. Di nga siya nagpaliwanag sa akin eh. Kaya ako ito araw-araw overthink.

Nandito pa rin pala sa hotel yung ex niya. Kailan ba to babalik sa kanila? Mukang nawiwili na siya dito.

Dalawang beses na din umaalis si Sandro kapag madaking araw dahil tinatawagan siya ng ex niya dahil lasing ito.  Ako? Tamang iyak lang sa gidli. Wala naman kasi akong magagawa. Di naman ako yung tao na pranka. Kinikimkim ko lang kahit nasasaktan na ako.

Off ko nga sana ngayon pero pumasok parin ako para lang di ko makita si Sandro. Diko alam kong nag off ba siya dahil maaga akong umalis kanina ng di niya alam. Diko na rin binubuksan ang cellphone ko, ilang araw na rin dahil alam ko namang mag tetext at call lang si Sandro.

Busy kami dahil Sunday ngayon kaya ito kami, kung ano-ano ang mga niluluto dahil sobrang daming guests nag checked-in.

Busy ako kakaluto kaya diko na namalayan ang oras. 10pm na pala. Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at kinuha ang gamit ko saka inopen ang phone at nag book nga grab.

Daming mga texts ang calls ni Sandro pero diko ito pinansin saka pinatay ang cellphone at pumunta na sa lobby dahil nandoon na ang grab.

Sa gate ulit ako ng subdivision nagpababa dahil gusto kong maglakad-lakad.

Sa totoo lang miss na miss ko na si Sandro. Di na din kami sabay kumakain. Ngayon lang kami nagkatampohan ng ganito. Dati kasi isang araw lang bati na agad kami dahil ako lage nagpapakumbaba lasi gusto ko ok lang kami palagi pero iba ngayon. Parang pagod akong intindihin siya.

Sa dalawang beses niya umalis dahil lang puntahan ang ex niya ay diman lang siya nagpapaalam.

Nag-iba lang talaga simula nang bumalik ang ex niya. Di man lang din siya nag reach out sa akin. Siguro nga taman yung mga kasama ko. Baka nagkamabutihan ulit ang dalawa. Di niya lang sinabi sa akin kasi baka naawa siya. Mahal niya pa siguro. Sa tagal ba naman nila.

Umiiyak ako habang naglalakad. 11pm na rin. Nang nasa tapat na ako ng bahay niya ay pinunasan ko na ang luha ko sa tiningnan kung andyaan na ang kotse niya pero wala. Akala ko nag day off siya.

Wala ding mga ilaw na nakabukas. Kinuha ko ang susi saka pumasok na sa bahay. Binuksan ko ang ilaw at pumunta sa kitchen at uminom ng tubig.

Pagpasok ko sa kwarto ay naligo agad ako at nagbihis saka humiga sa kama. I turned on my phone saka nag checked lang ng mga messages. Mas madaming msg si Sandro pero diko ito binuksan at tiningnan ang msg ni Mama.

'Kaye, kailan ka uuwi dito sa Cebu? Miss ka na namin. Dalaw kayo minsan ni Sandro kapag di kayo busy. Ingat ka palagi anak.'

May texts din si Ate at mga kaibigan ko. Aw miss ko na ang Cebu :< siguro mag le-leave ako ng isang linggo. Try ko nga bukas magpaalam.

Nagpunta ako sa tiktok para manood ng videos dahil di panaman ako inaantok saka mamayo pa yon uuwi si Sandro dahil baka andoon na naman kay Jessy yon.

Pagbukas ko palang ay video agad ito ni Sandro. Papasok siya sa ng club. Ikalawang video naman ay lumapit siya sa babae at saka ito inalalayang tumayo at lumabas na sila ng club. Ikatlong video naman ay pinapasok niya ito sa sasakyan niya.

Magugustuhan mo rin ang

          

Andaming mga comments ng mga fans niya. Kesyo ganto, ganyan. Si Jessy yung sa video. Ito siguro yung time na tumawag ito at nagpasundo sa kanya. Issue malala.

Buti nalang pala di ako nagce-cellphone ng ilang araw para di masyadong masakit.

Ika-apat na video ay doon na ako naiyak.
It was Jessy and Sandro kissing. Pero picture lang siya. Zinoom talaga at kahit pa anong gawin ay si Sandro talaga ito.

Okay. Kaya pala wala siyang planong mag explain sa akin. May kahalikan na palang iba. Ex pa nga. Iyak lang ako ng iyak. Siguro nga sign na yung text ni Mama. Uuwi na lang siguro muna ako sa Cebu. Para naman makapag-isip siya dahil baka mas mahal niya ulit si Jessy.

Diparin ito umuwi. Gabi na.
Nang madinig ko ang sasakyan niya ay agad akong nagtulog-tulugan saka nagtaklobng kumot.

Ayoko siyang makita. Naiinis ako sa kanya.

Narinig kong bumukas ang pinto. Dumiretso ito sa banyo para maligo kaya marahan kong binaba ang kumot para makahinga.

Nang pinatay na nito ang shower ay nagtaklob ulit ako sa kumot.
Lumabas ito at pumunta sa cabinet niya at kumuha ng damit.

Tumalikod ako ng higa sa kanya dahil baka malaman niyang umiyak ako.
Umupo ito sa pwesto niya saka mukhang may ka text dahil ang bilis nitong mag type.

Sana all nag-uupdate sa ex.

Humiga na ito lumapit sa akin. Inalis niya ang kumot sa mukha ko kaya todo pikit ako.

"Love? Are you sleeping na ba? Please talk to me na. I don't know what happened but it's been 1 week na hindi mo ako kinakausap. Lage mo pa akong iniignore. Iisang bahay lang tayo but di parang lumalayo ka na sa akin. Im sorry, i miss you. Sleepwell i love you." He kissed my shoulder dahil nakatalikod ako sa kanya and then hugged me tight. Namumuo ang luha ko at ang hirap pigilan. Kaya ng malalim na ang paghinga niya ay kinalas ko ang yakap niya at lumabas sa kwarto.

Pumunta ako sa garden area at umiyak ng uniyak.

-

Sa sala lang ako natulog dahil ayoko ko siyang katabi. Masakit pa rin ang puso ko dahil sa mga video na nakikita ko. Lalo na yung kiss.

Maaga ulit ako nagising at tulog pa rin siya kaya umalis na agad ako para di niya ako maabutan.

Buong araw ay trabaho lang ang inatupag ko. Di rin ako masyadong nagsasakita kay nagtataka na ang mga kasama ko. Isang linggo na pala akong walang masyadong kibo.

"Kaye. Okay ka lang ba? Pansin ko kasi di ka na masyadong nagsasalita nitong mga nagdaang araw. May problema ba? Gusto mo ba pag-usapan?" sabi ni Chef Ana. Tumingin ako sa kanya na nakangiti. Kahit pilit lang.

"Okay lang ako ano ka ba. May problema lang sa bahay pero okay lang. Maayos din to. Sorry. Uuwi nga pala ako sa Cebu. Mamaya magpapa-alam ako na magle-leave ako isang linggo. Miss ko na kasi sila Mama." hinawakan ko siya sa balikat para ipaalam na ok lang ako.

"Aww mamimiss kita. Balik ka kaagad ha. Saka kung ano man yang problema mo, malalampasan mo iyan okay? Pray ka lang." niyakap niya ako at saka niyakap niya din ako.

"What's up guys! Anong drama at nagyayakapan kayo?" Biglang dating ni Chef Arcy.

"Wala naman, uuwi kasi ito sa Cebu eh." malungkot nitong sabi.

"Bakit? Hala, hindi pwedeng di tayo mag-inoman! Laters, treat ko. Doon sa bar na lage naming pinupuntahan okay?" She then winked at us saka sinabihan din yung iba.

Nakapag-paalam na din ako kanina sa Manager namin na magle-leave ako at umuoo agad ito.

Kinagabihan ay dumiretso kami lahat sa Bar na sinasabi ni Arcy. 7 lang kaming nag go dahil yung iba di pwede.

Simping Sandro Marcos (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon