25

16 0 0
                                    

June 5, 2022

Mi, mahal na mahal kita kahit hindi mo ako kilala or matandaan. Sa dami-dami ba naman naming Inks 😭 Sobrang naiintindihan kita, Mi. Masaya kami kapag nare-replayan mo kami pero naiintindihan namin na sobang dami na namin at nahihirapan ka na.

Masaya nga ako, Mi, kasi marami na kami. Andami mo nang nai-inspire, napapangaralan, nababago ang pananaw, napapasaya, at kung ano-ano pa.

Noong nag-space po kayo no'ng nag-500K ka, hindi po ako nakasali pero may recorded nga po na post kaya pinakinggan ko po. Tapos, ang saya ko kasi noong time na nabuhayan ka ulit ng loob at hindi mo na iniisip na sana hindi ka na lang nagsulat, fan mo na ako noong mga panahon na 'yon. Noong sinulat mo po ITMOTC, 'di ba po? Sa natatandaan ko po na sinabi niyo. Pero fan niyo na po talaga ako, DOS era. Super love kita, Mi.

Kung dati ko pa ito ginawa, sana noon ko pa naiparamdam at nasabi lahat. Pero hindi pa naman po ako late kaya ang saya-saya : )

For InksteadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon