PAT'S POV
Natigilan ako sa sinabi ni Agnes and for a brief moment, nagkatitigan kami. There was a bit of light coming in from the window but it was enough to illuminate Agnes's eyes.
"Nagseselos ako kapag kasama mo si Janna. And I know I shouldn't. I know I should be supportive of what makes you happy, pero di ko kaya yun kapag nakikita ko si Janna na kasama ka."
"Bakit ka nagseselos?"tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam, Pat. I just do."sabi niya. "And I'm trying to be distant. Kasi, ewan ko, I don't want to be outside of your life, but I don't want to be as involved."
"So ayaw mo bang kasama ako?"
"No, it's not that, Pat. If I am to be perfectly honest, gusto ko na palagi kitang kasama. But... Janna is your girlfriend and she has every right to be with you all the time."sagot niya.
We both kept quiet and we both laid flat on the bed. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. The room was quiet except for some snores na hindi ko na alam kung galing ba kay Jam o kay Toni. Agnes sighed.
"I guess, all I'm trying to say is that I miss the random days na bigla kang susulpot sa condo at manggugulo, I miss the weekends I spend with you, or your random questions. I guess... it's just... I miss you."sabi niya.
I moved closer to Agnes and I hugged her. I think this was the first time I've ever done this but it felt very comforting. There's this serenity that I feel and it feels as if I am protected and I'm secured. I felt Agnes tense up, but then I felt her body relax. Inayos niya yung braso niya then she placed her arm around me.
"I really missed you, Pat."
"I missed you too, Aji."
••••
Nung nagising ako, wala na si Agnes sa tabi ko. Pero tulog na tulog pa rin si Jam at si Toni. Bumangon na rin ako at paglabas ko nakita ko na nasa lobby lang ng hotel si Agnes. Nakaupo siya dun at tumabi ako.
Pagtabi ko sa kanya, halatang nagulat siya. Tumawa naman ako.
"Para ka naman dyang nakakita ng multo."sabi ko sa kanya.
"Nagulat lang ako. Akala ko kasi kung sino."sabi niya.
Nagcheck lang din ako ng phone ko at nagmessage lang din ako kay Janna na gising na ako. Habang nakaupo naman kami ni Agnes, nag-sscroll lang din kami pareho ng socmed. Naalala ko na sinabi sa 'kin ni Janna na pumunta kami ng Bali next next month dahil gusto daw niyang makapagbeach ulit.
"Ano ngang tawag dun sa app na pwede kang magcheck ng flights?"tanong ko kay Agnes.
"Marami. Like what are you looking for?"sagot ni Agnes. "Kasi ito yung ginagamit ko."
Agnes exited her app then when I saw her home screen, I was surprised nung nakita ko yung mukha ko with a sunflower covering my face.
"Ah wala pala! Na-uninstall ko pala."sabi bigla ni Agnes sabay pinatay niya yung screen ng phone niya tapos pilit niyang tinatago phone niya.
"AKO BA YAN?"sabi ko sa kanya tapos kinukuha ko yung phone niya.
"Ha? Alin? Di ah."sabi ni Agnes.
"Patingin!"sabi ko sa kanya sabay pilit kong inaagaw yung phone niya.
"Ba't ka ba nangingialam ng cellphone?"sagot ni Agnes.
"Titingnan ko lang! Home screen lang."
"Patricia, this is my phone. My phone, my rules."
"Isa! Reoma! Patingin na. Ang arte mo."
"Bakit ba kasi?"
"Ako yung nasa picture no?"sabi ko sa kanya and I chuckled. Di ko alam kung bakit bigla akong kinilig.
"Mukha mo."sabi niya kaya pilit kong inaagaw yung phone niya pero ayaw niya pa ring ibigay.
"Isa Reoma!"
"Tigilan mo nga, Patricia."sabi niya sa 'kin.
"Crush mo 'ko 'no?"
"Kapal talaga ng mukha mo."
"Sabi ko na nga ba crush mo 'ko eh."sabi ko sa kanya. "Patingin na ako!"sabi ko sa kanya tapos inaagaw ko pa rin pero ang haba ng braso ni Agnes kaya hindi ko makuha.
Maya maya bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa may beach kaya nagmamadali din akong habulin siya.
"Hoy Reoma!"
••••
AGNES'S POV
Bigla akong nagpanic nung nakita ni Pat yung picture niya na ginamit kong wallpaper. Naalala ko yung time na nasa Baguio kami at nagpunta kami sa isang sunflower garden. She stopped at one of the sunflowers and she smelled it. Patago ko siyang pinicturan nun. She looked pretty in that photo and I keep looking at that picture to remind me of her.
Sobrang kulit ni Pat at may mga times na muntik niya na makuha yung cellphone ko. Buti na lang at medyo mahaba naman braso ko at kaya kong iiwas sa kanya pero kinakabahan akong baka masiko ko siya o matamaan ko siya sa kakaiwas ko kaya tumakbo na lang ako.
Malapit na ako sa dagat nung na-corner nanaman ako ni Pat.
"Patingin na kasi."sabi ni Pat tapos pilit niya pa ring inaagaw.
"Patricia ano ba, tumigil ka na."sabi ko tapos itinaas ko yung mga kamay ko.
"Andaya mo! Porket mas maliit ako sa'yo ah!"sabi niya tapos tumatalon talon siya habang nasa harap ko siya.
Kinakabahan ako na baka mamaya sa kakadikit niya sa 'kin matamaan ko siya o baka mamaya mahalikan ko siya sa kung saan dahil masyado na siyang malapit. Umatras pa ako, pero may puno ng niyog sa likod ko kaya hindi na ako makaatras pa.
"Dali na Agnes! Patingin na kasi ako."sabi niya tapos lumapit pa si Pat.
Pinilit kong i-ayos yung mga paa ko dahil baka mamaya ma-out of balance ako.
"Patricia, tumigil ka na. Baka matalisod ako dito, maaaksidente tayong dalawa."sabi ko sa kanya.
"Ang arte mo kasi. Nakita ko naman na. Patingin na ako!"sabi niya tapos inaagaw nanaman niya.
Bakit ba ang tigas ng ulo nitong bulilit na 'to? Tumapak ako dun sa isa sa mga ugat nung puno para mas mataas pa ako at lalo nang nainis si Pat. I chuckled.
Nagulat ako nung hinila ni Pat yung tshirt ko at ako palapit sa kanya kaya halos magkadikit na yung mukha namin.
"Isa Reoma, makuha ka sa tingin!"
Nilapit niya rin yung mukha niya sa 'kin at tiningnan niya ako. The sun isn't too bright yet pero nung tumama yung araw sa mga mata niya, naging golden brown yung mga mata ni Pat. Para akong na-magnet sa mga mata niya at sa mga tingin niya. I held my breath. I realized how beautiful she is.
At ayun na nga ang sinasabi sa hula, nakuha na nga ako sa tingin.