AIMEE
SEVEN YEARS AGO..
Kanina ko pa hinihintay si Harvy dito sa mall. Ang sabi niya kasi ay manood kami ng movie ngayon pero 30 minutes na siyang late. Is he okay? Hindi man lang niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Noong lumipas na ang isang oras ay naisipan kong umuwi na lang. Tss. Lagot sa akin ang lalaking yun kapag nagkita kami sa school bukas. Nag promise pa siya na ililibre niya ako ngayon.
Lumabas na ako sa mall at hinintay ang driver namin. Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone noong magvibrate iyon akala ko si Harvy na pero si Mommy pala.
"Mom, pauwi na ako."
"Baby." humihikbing sabi ni Mommy sa kabilang linya.
"Mom? Are you okay? What happened?" nag aalala kong tanong.
"Your Lola Amanda.." tuluyan na siyang umiyak noong banggitin ang pangalan ni Lola.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig noong malaman na wala na si Lola. Imbes na sa bahay ay doon ako dumiretso sa hospital na sinabi ni Mommy. Ni hindi ko na nga nahintay ang driver namin eh.
"Mom!" umiiyak kong pagtawag sa kaniya noong makita ko siya sa labas ng morgue.
"Anak." agad niya akong niyakap habang umiiyak.
"W-what happened to Lola?"
"Heart attack." tipid na sagot ni Mommy.
I stayed with her since Dad and my sister were still on the way here. Manggagaling pa sila sa Paris dahil may inatendan silang meeting for our company.
I still tried calling Harvy. Pareho kaming mahina ni Mommy ngayon kaya kailangan ko siya. He's the stronger one. Kapag nandito siya ay kakalma ako.
Noong pang anim na subok kong tawag sa kaniya ay sa wakas sumagot na siya.
"Harvy!" naiiyak kong tawag sa kaniyang pangalan. "Lola Amanda.."
"I'm sorry, Aimee." pagputol niya sa iba ko pang sasabihin. "I heard it from Mom. Hindi kita mapupuntahan ngayon. I'm with Zara. I'm really sorry. Babawi ako pagbalik namin."
I turned off my phone for two weeks. Hindi ako pumasok sa school. Harvy tried to reach out to me pero umiiwas ako. He'll always go to our house to bring me flowers and foods na hindi ko naman tinatanggap. I wanted to ask him bakit niya pa ako inayang lumabas noong araw na yun kung may iba naman pala siyang plano? Maybe I got really hurt when he broke his promise and didn't come when I needed him the most. Sinanay niya ako na palagi siyang nandyan para sa akin. Sinanay niya akong dumipende sa kaniya. He'll always tell me that I am his priority.. and akala ko totoo yun.
Then our friendship suddenly fell apart. We slowly stopped talking to each other. Hindi kami nagpapansinan sa school. Umiiwas ako sa kaniya habang siya ay binibigyan ako ng space. Then one day, I felt that I no longer needed him. Kaya ko pala kahit wala siya. Tinanggap ko na sa sarili kong hanggang doon na lang ang friendship namin.
Then he suddenly dated so many girls. Every week ay halos paiba iba ang mga babaeng kasama niya.. and I started to hate him more because of that.
--------
PRESENT TIME..
"Hey. Aimee." nabalik ako sa reyalidad noong marinig ang kaniyang boses.
"What?" wala sa wisyo kong tanong.
"Are you okay? Kanina pa kita kinakausap. Gising ka na pero hindi ka bumabangon." tanong niya at hindi inaalis sa akin ang tingin.
Natauhan naman ako at nanlaki ang mga mata ng marealize na nandito siya sa aking kwarto.
"What are you doing here? Paano ka nakapasok?" tanong ko at itinabing sa akin ang kumot.
"As if naman na ngayon lang ako nakapasok dito. I used to sleep here too." pang aasar niya sa akin.
"It's not funny." seryoso kong sabi sa kaniya.
"Fine. Chill ka lang. Ninang said that I can go here to wake you up."
"And why?"
"To go on a date?" balik tanong niya sa akin. "Get ready. I'll wait for you downstairs." sabi niya at kinindatan pa ako. "Wag ka ng masyadong magpaganda ha."
Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya.
"Labas." mataray kong sabi sa kaniya.
"By the way.."
"Ano na naman?" inis kong tanong.
"I missed you." sabi niya at nginitian pa ako bago tuluyang lumabas.