Yun lang din ang nakita ko nak, hindi ako nagpahalata baka magalit yung ate mo, alam mo naman yun. natahimik ako sa kwenento ni mama sa'kin.Malakas ang kutob kong may tinatago talaga ito sa'min. Hindi lang yung relasyon niya sa kung sino man ang lalakeng bumibisita dito.
Duon pa lang sa ospital, nakakapanghinala na yung galawan niya lalo na ang mga lalakeng kausap niya.
Sasabihin ko ba ito kay Lyde? natatakot ako na baka madamay si ate. Ayaw kong mapahamak ito. Hindi ko maisip na mapapasali siya sa ganong klaseng grupo, para ano naman?
Wala naman siguro siyang dahilan para sumali sa mga ganon at hindi din ugali ni ate na makipagkaibigan sa mga ganong klaseng tao.
Hindi ko nalang pinaalam kay mama ang mga nalaman ko tungkol kay ate, baka mas lalo lang itong mag-alala.
She's not yet okay right now. Stress parin ito sa mga nangyayari sakanila ni ate. Hindi parin kami pinapansin nito at halos hindi na nga yun lumalabas sa kwarto niya.
Nakonsensya rin si mama sa nagawa niya. Though umiiwas lang ito kay ate para hindi niya ito mapagalitan pero hindi alam ni mama na nasaktan na pala niya si ate sa pag-iwas dito.
Hayaan niyo na lang ma, baka nanghihingi lang yun ng comfort duon sa lalake. yun nalang ang sinabi ko.
Yun nga nak, okay lang sana kung walang ibang intensyon yung lalake, pero paano kung hindi yun maaasahan? normal lang naman na magka-jowa yang ate mo sa edad niyang yan pero ang kinakatakutan ko nak, ay baka may mangyari sa kanilang dalawa. sabay singhap.
Umaalis parin kasi ng bahay si ate tuwing gabi kaya hindi maiwasang mag-alala ni mama na baka duon siya natutulog sa bahay ng lalake, tas magkatabi sila.....freak! why did Lyde suddenly came in my mind?
Wala na tayong magagawa dyan ma, ayaw din magpaawat at nagagalit kapag pinipigilan natin. matigas ang ulo nun. Hindi nakikinig kay mama at binabalewala ang mga sinasabi nito.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin dyan sa ate mo nak, pagod na pagod na talaga ako kakasabi sakanya ano ang dapat niyang gawin. Kung hindi ikaw ang sasaktan, ako naman ang sasaktan dyan sa mga ginagawa niya. at napasapo nalang ito sa kaniyang noo.
Hinawakan ko yung kamay nito. ipagdasal nalang po natin na walang mangyaring masama kaysa mag-isip tayo ng mga posibleng mangyari. Hayaan nalang po natin na ang Diyos na ang dumisiplina sakanya.
Nasasaktan ako sa tuwing nakikitang ganito si mama, hindi ko maiwasang maapektuhan sa tuwing lubha itong naaapektuhan sa isang bagay.
Gusto kong masolusyunan ‘to pero wala naman akong magagawa. Hindi nga maawat ni mama si ate, ako pa kaya? lalong hindi yun makikinig at magagalit lang yun lalo sa'kin kasi nakikialam na naman ako sa buhay niya.
Habang kumakain kami ni mama, bigla kong napansin sa gilid ng aking mata na may taong nakatingin sa labas ng bahay. Agad akong lumingon dito at nabulunan nang makita kung sino ito.
O-okay ka lang? at natatarantang binigay ni mama ang tubig sa'kin.
Tumango-tango ako habang umiinom ng tubig.
Anong nangyari?
Wala po, nakagat ko lang po yung dila ko. palusot ko.
YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
Non-FictionSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...