Parang naging tuod si Pixy Jill.Hindi niya maigalaw ang katawan.Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman.She's kind of shocked.
Unti-unti ay naigalaw niya ang kamay ngunit nanginginig ito.The nerves in her are shaking and she have to bite her lips to keep from trembling.
Kailangan niyang kontrolin ang emosyong dulot ng kumawalang bagay mula sa bulsa ng short pants ni Cleen.
Umaasa siyang mali ang nakita niya.
Ngunit nang muling masdan ito ay alam niyang totoo talaga.
Isang gold wedding ring ang nasa kamay niya ngayon.
Para siyang nasabugan ng bomba.
Cleen is a maried man?
Dali-dali niyang ibinalik sa bulsa ang singsing ng madinig ang yapak nito pabalik.
Kasabay ng paglihim niya sa natuklasan ay ang pagtatago sa sakit na nararamdaman.
Di niya miwasan ang tapunan ito ng masamang tingin.
Sino kaya ang kausap ni Cleen at napakalawak ng ngiti nito samantalang inis na inis ito kanina ng ipagpilitan niyang sagutin nito ang tawag sa phone?
Nagmumura pa nga ito kanina dahil sa naudlot na pagsasanib ng kanilang katawan.
Pero ngayon ay napakaganda na ng mood ni Cleen.
Asawa kaya nito ang tumawag?She ached inside.
Sa pagbagsak ng tubig sa kanyang katawan ay tuluyan na ring pumatak ang kanyang mga luha.
Ang sakit ng kanyang naramdaman.Parang tinadtad ng pinong-pino ang kanyang puso.
Bakit pa dumating si Cleen Rey sa buhay niya gayong hindi naman pala ito itinadhana para sa kanya?
Bakit naman kasi hinayaan niya ang puso na umibig sa lalaking hindi naman niya kilala?
Teka umiibig nga ba siya talaga kay Cleen?Baka nadala lang siya sa tawag ng kamunduhan.
Pero bakit nakaramdam siya ng ganitong sakit?Noong mawala si Imram ay totoong nasaktan siya.Pero bakit mas masakit ang naramdaman niya ngayon sa natuklasan sa pagkatao ni Cleen?
Dahil ba ang pagkawala ni Imram ay tadhana ang may gawa samantalang ngayon kay Cleen ay masakit lang tanggapin na niloloko lang pala siya?
O di kaya'y ngayon lang siya totoong umiibig at sa lalaking manloloko pa?
Kung alin man do'n ang dahilan ng sakit na naramdaman niya ay may reason parin siya para magpasalamat dahil buo parin ang pagkababae niya.
Matapos maligo ay humarap siya sa salamin.Pilit niyang nginitian ang sarili kahit ang totoo ay nagsumungaw na naman ang luha sa kanyang mga mata.
Hindi niya dapat pag aksayahan ng luha ang manlolokong iyon.
"Cheer up Jill.He's not worth it!" Kausap niya sa sarili.
Ngunit bumagsak na naman ang luha sa kanyang mga mata.
Natigil siya sa pagluha ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello?" Sagot niya habang nagpapahid ng luha.
"Surprise!"
Nasorpresa nga siya sa boses ng tumawag.
"Jamaica?" It's her bestfriend calling.
Gumaan ng konti ang pakiramdam ni Pixy Jill.May makakausap na siya.Seguro naman kahit papa'no ay mapawi ng konti ang sakit at bigat ng kanyang kalooban.
BINABASA MO ANG
CRAZY LOVE
RomanceThe grandest adventure of Cleen Rey Montelebano happened when he landed Isla Miñoza. There lived a wonderful maiden, Pixy Jill Miñoza, who believed na itinadhana siyang maging old maid. Ngunit ng makilala ng dalaga ang estrangherong lalaki ay nag-ib...