06

250 24 5
                                    

Kausap ko si Cielo at Jeycee sa chat. Wala pa ring inuutos si Hirano sa akin kaya naman malaya kong nagagawa ang gusto kong gawin ngayon.

Cielo: Howʼs your day with Edward?

Agad ko siyang nireplyan. Pasimple kong pinicture-an si Hirano na abala na ulit sa mga papeles na nasa harapan niya.

Alexis: Okay naman. Mabait naman siya at maayos kausap. Okay naman siya.

Si Jeycee naman ang nireplyan ko at sinend ko rin ang picture ni Hirano. Agad na pinusuan ng bruha at kung anu-ano na nga ang sinabi.

Jeycee: Kung ako siguro ang nagtatrabaho ngayon diyan baka matunaw na siya sa titig ko.

Bahagya akong natawa sa chat ni Jeycee. Hindi naman daw siya fan ni Hirano pero nagagwapuhan pa rin siya rito at kinikilig din tulad ng ibang babae.

“Ria, can you give this to Alice, nasa 9th floor lang siya, ipagtanong mo na lang siya roʼn,” utos sa akin ni Hirano.

Mabilis akong tumayo para kunin ang mga papeles na ipapadala niya sa babaeng nagngangalang Alice.

“Ito lang?” tanong ko.

Tumango naman siya sa akin. Agad na akong tumalikod sa kaniya. Oras na maalis ang tingin ko sa kaniya ay agad nagsalubong ang kilay ko.

Tinawag niya akong Ria. Walang tumatawag sa akin ng ganoʼn. This is the first time na may tumawag sa akin sa first name ko or gumawa ng nickname sa akin. Alexis or Alex kasi talaga ang tawag sa akin ng lahat.

“Hello, good morning. Saan po si Ms. Alice?” tanong ko nang makarating ako sa 9th floor na sinabi ni Hirano.

“Alice, nanndito na ang mga papeles na napirmahan ni Sir Edward!” sabi nung babaeng napagtanungan ko.

May isang babaeng hindi naman sobrang tanda ang lumapit sa akin. Ngumiti siya at kinuha sa akin ang mga papeles. Nagpaalam na ako nang makuha niya na iyon lahat.

“Salamat!” sabi niya pa na tinanguan ko na lang.

Bumalik na ulit ako sa office ni Hirano. Naabutan ko siyang nagtitiktok na naman yata. Hindi na ako nag-abala pang tawagin siya or tanungin sa iba pa niyang i-uutos sa akin.

Jeycee: Nagpadala ako ng isang katulong sa inyo para magbantay kay Tita.

Umawang ang bibig ko sa nabasa kong chat ni Jeycee. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon. Grabe ang bait niya talaga. Hindi ko alam kung deserve ko pa ba siya bilang kaibigan ko.

Alexis: Bestie... Thatʼs too much!

Mabilis siyang nagseen sa message ko. Hinintay ko rin naman ang reply niya sa akin.

Jeycee: Sabi ko naman na kapag may maitutulong ako, tutulong ako. Wala ʼyon, ano ka ba.

Nanggigilid ang luha ko. Sobra sobrang emosyon na naman ang nararamdaman ko dahil sa ginawa ni Jeycee. Hindi ko alam ang magiging buhay ko kung wala siya. Baka matagal na akong sumuko kung sakali man.

“Are you okay?” tanong ni Hirano sa akin.

Mabilis akong tumango sa kaniya at bahagyang ngumiti. His eyebrows furrowed at me.

“Okay lang ako, tuloy mo lang ginagawa mo,” sagot ko sa kaniya.

Binalik ko muli ang atensyon ko sa phone ko. May chats si Jeycee at Cielo. Inuna kong tingnan ang kay Cielo.

Cielo: Heʼs always busy. Btw, letʼs meet later. Iʼll buy you some clothes.

Nangunot naman ang noo ko. Bakit niya pa ako bibilhan ng mga damit? Kasama ba iyon sa sahod ko?

Seducing Mr. Hirano (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon