♡♡♡
"Ami," Tumingin ako kay Kuya Kill na ngayon ay tumabi sa 'kin.
Nasa labas kami ng veranda at pinapanood ang buwan sa kalangitan. May dalang kape naman si Kuya Kill samantalang ako ay nagpapahangin lang. Maya-maya rin naman ay papasok na ako sa k'warto ko.
"Pagpasensyahan mo na si DK, baliw 'yon, e. Alam mo namang sobrang protective pagdating sa 'yo." Paliwanag niya.
"Alam ko naman po 'yun, Kuya." Nguso ko sa kaniya.
"Hindi mo pa naman manliligaw, 'di ba?" Nagulat ako sa tanong niya.
I mean, sino bang hindi?
"Kuya naman! Kaibigan ko lang 'yun! Hindi ko siya... manliligaw, okay? Hindi ko alam kung pa'no magwork 'yun sa 'kin at priority ko ang studies ko."
It's the truth. Alam naman nilang dalawang 'yon.
"We know, bunso. Pero kung dumating ka na sa puntong 'yon, sana 'yung ipakilala mo sa 'min 'yung hindi ka sasaktan, okay? Kami nga ni DK, sobrang protective sa 'yo tapos siya sasaktan ka lang? Ang kapal naman ng mukha niya." Inis na inis pahayag ni Kuya Kill sa dulo.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi niya. "I don't know, Kuya. Me? Falling in that situation? I don't think it's going to happen."
"Poor him..." Makahulugang sabi ni Kuya Kill sabay inom ng kapeng hawa niya.
Who is him? Am I missing something here?
♡♡♡
BINABASA MO ANG
You Left Me Speechless
Short Storyan epistolary. Being a consistent achiever is the only goal that always settles in Ami's mind. To be number one of all... or so she thought. Because she can't beat the top student in the STEM department, named Sai. Inis at kalaban. Iyan lamang ang n...