Ang nakaraan
Sa paglalakad ng dalawang diwata papunta sa balkonahe ay nakita nila ang isang lumilipad na pashnea. Lumapit ito sa mga diwani.
Akmang tinignan niya si Lira at humuni. Makalipas ang ilang sandali ay nakita ang gulat sa mukha ng diwata.
"Ha?! Tinangay sila sa kagubatan...at may mga bantay na Hathor?"
"Ang mga hathor na hindi nais sumunod kay ina." Dagdag ni Mira. "Ang mga hindi nais sumunod kay ina ay matagal nang tumiwalag sa kaharian. Ang alam ko ay pakalat-kalat lamang sila sa Encantadia."
.
.
.
.
.
SA KAGUBATAN MALAPIT SA SAPIRO
"Hindi niyo talaga nais magbabalik loob sa Hathoria?" Hamon ni Pirena sa mga kaharap. "Kung iyan ang inyong pasya..."
Isa-isang sinugod at pinatumba ng sanggre ang mga hathor.
Makalipas nga ang ilang sandali ay tuluyan nang nagapi ng diwata ang mga kalaban.
Nilapitan siya ng kanyang mga kapatid.
"Avisala eshma sa iyong pagtulong sa paghahanap kina Arquim at Amareo." Winika ni Amihan.
"Sa tingin ko ay nararapat lamang na tumulong siya..." Dagdag ni Danaya. "Responsibilidad pa rin naman niya ang mga tumiwalag na hathor." Sumbat nito.
"Warka..." Bulong ni Pirena.
Bago pa man makasagot ang reyna ng mga diwata ay tumambad muli sa kanila ang mga kaaway.
"Pashnea!" Sigaw ni Danaya habang hinahataw ang kanyang mga armas.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA(YBRAMIHAN FAMILY SNIPPETS)
FanfictionSilipin natin ang buhay-pamilya nina Rama Ybrahim at Hara Amihan. Upang masundan ang ating kuwento, maaaring bisitahin ang mga sumusunod: ANG SIMULA Book 1: https://www.wattpad.com/story/257879361-pinagtagpo-itinadhana-ang-simula-encantadia-book-1...