Chapter Seven

264K 3.7K 193
                                    

"Dun muna ako sa condo mo matutulog ha?" nging-ngiti na sabi ni Maico.

Kunot noong tumingin ako sa kanya. Ngiting aso lang siya nang humarap sa akin. Nagd-drive kasi siya kaya naman inalis niya agad ang tingin niya sa akin. Ano na naman kayang binabalak ng isang ito? Di ako sumagot. Binaling ko yung tingin ko sa labas.

"Ayaw mo ba?" tanong niya sa malungkot na tono.

Tumingin ulit ako sa kanya. Di siya nakatingin pero bakas sa mukha niya yung disappointment.

"Wala naman akong sinabing ayaw ko ah?"

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

"Ah, Beast?"

"Hmmm?"

"Nasaan yung family mo?" naisip ko lang kasi di niya pa sila naikukwento saken kahit na kailan.

Ngumiti siya sa akin saka nagsalita.

"Nasa Canada silang lahat. Ako na lang ang naiwan dito. Actually nung nawala ako dun ako nagtigil."

"Ahhhh ok. Ilan ba ang kapatid mo?" tanong ko.

"Dalawa. Parehong babae. May asawa na yung isa. Yung isa naman ayun spoiled brat." umiiling-iling pang sabi niya.

Napangiti naman ako. Bakas kasi sa pagsasalita niya kung gaano niya kamahal yung mga kapatid niya eh. Buti pa siya mabuting kapatid. Samantalang yung Kuya ko... aissshhhhh! Baket ko ba iniisip pa yun?

"Mukhang sayo ata na-spoil yun eh." pagbibiro ko sa kanya. Para mabaling lang yung pag-iisip ko.

"Guilty." simpleng sabi niya saka ngumiti ng malapad.

Natawa na lang ako sa kanya. Kung totoo nga yung sinasabi niyang pakakasalan niya ako balang araw, ngayon pa lang di ko na mapigilan ang sarili kong matuwa ng sobra-sobra. Napaka-swerte ko sa kanya. Nakikita kong magiging mabuti siyang katipan.

________

"Ouch! Watch where you're going!"  bulyaw ng babae sa may gilid ko. Nagkabanggaan sila nung isa pang babae. Well, actually siya naman talaga ang may kasalanan.

Nandito ako sa mall. Trip lang, ayoko pang umuwi eh.

Nakita kong bumagsak yung mga dala nung isa pang babae at nagkalat yun sa sahig.

"Hoy! Ikaw ang bumangga sa akin bruha ka!" aba't mukhang palaban din 'to ah. Ayos may live show! hahaha.

"Teka Miss, may problema ka ba sa girlfriend ko?" singit ng isang lalaki.

"Yang girlfriend mo kasi! Siya na nga ang nangbangga siya may may ganang magalit!"

"Teka lang Miss. Baka naman ikaw talaga ang nambangga. Di naman magagalit 'tong girlfriend ko kung kasalanan niya eh." pagtatanggol nung guy sa GF niya.

Aba't! Kasalanan naman talaga nung GF niya ah! Ewan kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin at nakisingit ako.

"Teka lang Mister. Kasalanan naman talaga niyang girlfriend mo eh."

Napatingin silang tatlo sa akin. Ang epal ko kasi. Ba't ba ako nakisali??

"Sino ka ba? Bakit ka nakekealam?" taas kilay pang sabi nung babaeng nambangga.

"Ako ang guardian angel niya." sabi ko. Pinagdikit ko pa yung dalawang palad ko na tila nagdadasal at yumuko.

Narinig kong tumawa yung babaeng pinagkakaisahan nung mag-jowa. Pssss. Kahit ako natatawa sa pinaggagagawa ko eh!

"Tara na nga Hon! Mga baliw ata yan eh!"

Nang makaalis yung dalawa, tinulungan kong magpulot ng gamit yung girl. Napagmasdan ko yung mukha niya. Ang cute niya grabe! Natotomboy ata ako! Pero syempre joke lang yun haha!

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now