Chapter 14 - D.A.M

2.3K 50 17
                                    

Sobrang bilis nang panahon, kahit anong araw ngayon lalabas na ang aming baby Peanut. Pero hanggang ngayon wala pa din kaming napagdesisyonan ni Archon. For the past weeks, he was so attentive to my needs, lagi niya ding hinihilot ang paa ko dahil konting lakad lang sumasakit na.  Siguro masasabi ko ng magkaibigan kami, siguro he detested my presence katulad dati pero wala siyang choice Nanay ako ng anak niya. Madalas din kaming magtalo sa mga maliliit na bagay. Sa pagkain ang dami niyang pinagbabawal sakin, sa damit ewan ko nalang.

Katulad ngayon nagtatalo na naman kami.

"Debs, kailangan nating magready ng name for baby boy. Paano kung kambal ang anak natin? Ang laki ng tiyan mo para sa isa eh." Sabi ni Archon pero sobrang parang bulong nalang ang huling sentence.

Binato ko siya ng little donut na ginawa ko. Nagcrave kase ako ng Lil Orbits kaso sa Pinas yun eh kaya nagbake nalang ako. Oreo, coffee at cinnamon flavor ang ginawa ko.

"You saw the ultrasound naman, diba? Isang baby lang ang laman. Anong feeling mo sa sperms mo, super sayan?" Masungit kong sabi habang tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng maliliit na donuts.

Umiiling siya habang tinitignan ako.

"Super sayan talaga, isang beses lang pinutok, nakabuo agad."

Naningkit ang mata ko at pinitik nang malakas ang tenga niya.

"Ouch... Napakamapanakit mo talaga." Sabay himas sa kanyang tenga na pinitik ko.

"Wala pa yan sa sakit na binigay mo sakit." Nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung ano ang sinabi ko. Nabigla lang ako.

Natahimik lang siya.

"Sorry..."

I exhaled.

"Kalimutan na natin ang sinabi ko. Akalain mo bitter ako." Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.

Honestly, hindi ko alam ang totoong nararamdaman ko para kay Archon. I am too focus sa anak ko, hindi na importante ang nararamdaman ko.

"Debs... You don't have to be okay kung hindi okay. I hurt you. I may not deserve this chance but I will do my best to be a man you and peanut deserves. Alam kong it will take time to totally heal from it kaya don't be the one who's walking in a thin ice. Kung galit ka, magalit ka sakin. Sigawan o pagsalitaan mo kung ng kahit ano. I will appreciate if you'll show me what you really feel."

Napatingin ako kay Archon at hinawakan niya naman ang kamay ko.

"To be honest, Debs, I deserve your wrath."

"Hindi pa ako okay. Hindi ko padin makalimutan na minsan mo akong iniwan para sa babaeng mahal mo. And I honestly don't know how to forget it dahil kung magpapakatotoo ako, it deeply scared me to the point na nakakatakot sumugal at magmahal ulit. Pero ayos lang naman, you are not here for me para sa relasyon o pagmamahal sakin, you're here because of Peanut. As her mother, sapat na yun may makilala ang anak ko na tatay."

Hindi siya umimik.

"Hindi pa ayos ang estado ng puso ko pero alam ko namang magmamahal din ako ulit. But for now, I will learn to love myself so that when the right person comes, I have so much love to give."

"You're a great person, Debs. He'll be lucky."

Lumipas ang ilamg minuto na katahimikan pero binasag din ito ni Archon.

"My suggestion still stands, kailangan padin natin ng name for baby boy. Paano pag mali ang ultrasound? Nangyayari kaya yun."

Hindi ko na mabilang kung ilang irap na ang ginawa ko kay Archon ngayong araw.

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon