Chapter 13

57 5 0
                                    

Maraming kalmot ang mga upuan.

"Anong nakita mo Arya?" tanong ni Dashiell na nasa likod ng van.

"Halika dito Dash," pagpapapunta ko sa kanya dito.

"Ano?" tanong nito pagkalapit sa akin.

Itinuro ko ang mga upuan. Napa atras pa ito ng makita ang aking itinuro.

"Sino naman ang gagawa niyan?"

"Ewan, pwede pa naman natin 'yang upuan kahit na madami 'yang kalmot," saad ko.

Umupo ako sa upuan. At pwede pa naman naming upuan, ewan ko lang sa iba.

Lumabas ako sa van at umikot para tignan kung may nagbago ba. Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking nakita. Nabutas ang gulong ng van. Ang laki ng butas nito.

Nagtaka na man ako ng may makita akong kutsilyo sa gilid nito. Kakaiba ang hitsura ng kutsilyo na ito. Sobrang tulis at may mata na nakaukit sa hawakan nito.

Tinawag ko agad si Dashiell dahil ba ka alam nito kung kanino ang kutsilyo na ito kasi bukas palagi ang third eye niya. Samantalang sa akin hindi na bumubukas. Simula no'ng may kumakatok sa pinto ng aking kuwarto.

Agad na man itong lumapit. Kinuha ko ang kutsilyo tapos ibinigay sa kanya.

"Aanhin ko 'to?" tanong nito.

"Sasakin mo sarili mo, di joke lang, ba ka alam mo kung kanina 'yan kasi bukas na man palagi ang third eye mo," mahaba kong sagot.

"Sige, wait lang," aniya.

Pumikit ito at hinigpitan ang pagkakahawak sa kutsilyo. Habang ito ay nakapikit, iginala ko ang aking tingin sa paligid. Malapit nang mag-gabi. Kinuha ko ang aking cell phone at tinignan ang oras, 4:30 pa lang ng hapon. May 30 minutes pa kaming magtagal dito sa labas.

Nakakarinig ako ng sigaw at parang may tumatakbo. Umalis mo na ako sa tabi ni Dashiell at naglakad lakad mo na. Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang bigla na lang akong tinawag nito.

"Ano? Alam mo na?" sunod sunod kong tanong.

"Oo, may isa pa palang nilalang na narito sa kagubatan. Kasama sila ng maid nila Yva, pero kakaiba siya Arya, hindi ko mawari kung ano ang kanyang hitsura. Gumagapang ito,"

Napaatras ako sa sinabi nito. Medyo nagtataasan na aking mga balahibo.

"Dalhin na lang natin 'yang kutsilyo, malapit nang mag-gabi, may ibang gulong pa ba na hindi nagamit?"

"Tignan mo sa likod ng van"

Nagtungo ako doon at binuksan ang pintoan ng van. Ang daming dugo sa loob nito. Hindi ko na lang 'yon pinansin kasi nagmamadali na ako. May mga gulong pa naman na hindi nagamit kaya pwede namin itong ipalit sa na butas na gulong.

"May nakita ka?" tanong nito pagkabalik ko sa tinatayoan nito.

"Oo, madami pa namang gulong doon na hindi nagamit," sagot ko.

Nagtungo ako ulit sa loob ng van at tinignan ang bawat sulok nito. Grabe ang daming dugo na nasa gilid ng mga upuan. Parang sinadya talaga para siguro takotin ako o kami. Nagkakamali ang nilalang na 'yon dahil hindi ako natatakot sa dugo.

"Ang daming dugo naman nitong gilid ng mga upuan," mahina ko ani na narinig ni Dashiell.

"Bukas na lang natin 'yan linisin, halika na balik na tayo sa bahay," aniya.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa bahay. Unti-unti nang dumidilim ang paligid at nang makarating na kami sa pinto ng bahay ay saktong dumilim na talaga ang paligid.

Pumasok na kami at tinungo ang kusina. Nauuhaw ako ganoon din ata si Dashiell. Binuksan ko ang ref at ang dami pa din nitong laman kahit na madami kaming kinukuhang pagkain, kapag nagugutom kami. Marami atang stock ng pagkain sila Yva.

Pagkatapos uminom ni Dashiell ay agad itong lumabas ng kusina. Ako na man ay nanatili pa dito kasi hindi pa ako nakakainom. Kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig.

Habang umiinom hindi ko mapigil na mapatingin sa nakaawang na pinto. Nakakaamoy pa rin ako ng malansa na galing sa loob ng kuwarto. Parang ito yata ang kuwartong tinutulogan ng maid nila Yva. Dahil nakita ko itong pumasok doon noong nakaraang araw. Grabe ang dami namang langaw ng kanyang kuwarto.

Lumabas na ako pagkatapos uminom. Aakyat na sana ako ng bigla na lang nagtanong si Yva. Si Yva, Haru, Kianna at Dashiell lang ang narito sa sala dahil natulog daw si Kenji.

"Bakit kayo natagalan sa labas Arya?" mahina nitong tanong. Na maririnig na man namin.

"Na-enjoy kasi namin ni Dashiell na maglakad lakad sa labas," nakangiti kong sagot.

"Mabuti naman," ngumiti din ito. Siya ang pinakamatanda sa amin kaya minsan may pagka-bossy siya kung magsalita.

Tinuloy ko na ang pag-akyat at nagtungo sa rooftop ng bahay. Madalas kasi na malakas ang signal sa rooftop. Pagkarating ay umupo ako sa upuan na nandoon at i-open ang aking cell phone. Walang signal kaya nagtagal mo na ako ng ilang minuto doon.

Bumalik agad ako ng wala talaga akong makuhang signal. I-t-translate ko sana ang sign na nakita ko kanina sa labas.

***

Kinabukasan ay alas singko ng umaga ay gising na kami ni Dashiell. Plano kasi naming pumunta ng third floor ngayon.

Siya ang nagluto ng almusal dahil tinatamad daw sila Yva na magluto. Tinulungan ko naman siya maghiwa ng mga karne. Pagkatapos niyang magluto ay agad kung tinawag sila Yva para kumain. Palagi kaming lahat na sabay kung kumain. Minsan lang ako hindi nakakasabay kapag matagalan akong magising.

Malapit lang ako sa bintana kaya natatanaw ko ang labas. Nakita ko na naman ang maid na nagwawalis. Araw araw ata itong nagwawalis ng bakuran. Parang hindi din ito kumakain kasi sobrang payat. Itim na rin ang suot nitong bestida. Inalis ko ang tingin doon at nag-focus sa aking kinakain. Ang sarap magluto ni Dashiell, chef kasi ang kukuhanin nitong course.

Pagkatapos kumain ay sila Yva na daw ang bahala na maglinis ng mesa at maghugas ng pinagkainan. Nagtungo agad kami ni Dashiell sa third floor.

"Sana naman ay wala ang maid dito ngayon," sabi nito.

"Wala ito dito ngayon kasi nakita ko itong nagwawalis ng bakuran," ani'ko.

Pumasok agad kami, pagkarating dito. Isa lang ang kuwarto dito sa third floor. At malaki ang espasyo nito. Tumingin ako sa kisame at nakita ang dalawang maliliit na pinto. Naka-lock ito.

"Dash, maghanap ka nga ng pwedeng i-open para mabuksan 'yan," tinuro ko ang maliliit na pinto.

"Sige,"

Nagsimula na itong maghanap kaya tumulong ako sa kanya. Madaming karton dito kaya binuksan mo na namin lahat at hinalungkat ba ka makakita kami ng susi o di kaya ay puwedeng pangbukas dito.

May mga yero dito kaya dapat na mag-ingat talaga dahil matutulis ang mga gilid nito. Hanap lang kami ng hanap.

Every Night TimeWhere stories live. Discover now