CHAPTER 180

77 1 0
                                    

VINCE POV∆

Ang sarap nyang pag masdan habang natutulog, yung tipong hindi mo iisipin na isa syang mabangis na babae. Napaka anghel ng mukha nya at kung pagmamasdan mo sya ng tulog ay parang ambait nya, i know bella is a good person.

Pero nagbago yun simula ng magkahiwalay sila ni venjoe, i know how much she love him kahit si siberia nahihirapang mag move on sakanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis kay venjoe dahil nakakaya nyang saktan si bella at si siberia, napaka swerte ni venjoe na minahal nya ng babaeng mahal ko.

Minsan ko ng hiniling na sana ako nalang si venjoe, pero nung makita ko si siberia na nagkaganun parang naisumpa ko na si venjoe sa isip ko.

Paano naatim ng konsensya nyang saktan si siberia na walang ibang ginawa kundi ang mahalin sya? Paano nya nasasatan ng ganun si siberia gayong ang nais lang nito ay mahalin sya ulit ni venjoe?

Venjoe is a heartless man I ever know, si siberia yung tipo ng babaeng nagmamahal ng totoo pero ang kapalit ng pagmamahal nya ay yung masaktan sya ng sobra-sobra.

Masakit para saakin na makita si siberia na nagkaganun, masakit para sakin na ako yung palaging nandito kay siberia pero ni sulyap na may halong pagmamahal ay hindi nya ibinigay saakin dahil si venjoe ang mahal nya.

And i really admire her, hindi sya gumamit ng tao para maka pag move on kasi lam kong hindi nya kayang mag move on kahit na manggamit sya ng tao.

At ang mas higit nahinahangaan ko sakanya ay hindi nya kayang manakit ng tao para lang sa sarili nyang interes, siberia is a good women and a good leader.

Lahat kami humahanga sakanya lalo na ako at mas lalo akong humanga sakanya dahil sa katatagan nya at sa pagiging malakas nya, ni minsan ko lang syang nakitang naging mahina.

Si siberia yung tipo ng babae na kapag nalagay sa panganib yung mga taong mahalaga sakanya, ay she's willing to do anything kahit pa ang kapalit nun ay ang sarili nyang buhay.

Hindi ko alam kung kailan ko natanggap na kahit kailan ay hindi ako mamahalin ni siberia, pero aaminin kong napakasakit masakit na masakit kasi ako yung nandito palagi sa tabi nya at palagi ko syang dinadamayan pero hindi nya ako magawang mahalin.

Mapait akong napangiti sa kawalan at muling pinagmasdan si bella, at kagaya din ni siberia batid kong sya naman ang masasaktan sa sandaling magka-ayos ag magkabalikan yung dalawa at aaminin ko the pain is killing me.

Ano ba ang meron kay venjoe na nakita nilang dalawa? Kung pagmamahal lang naman, i can loved siberia more than my life at willing akong itaya ang buhay ko para sakanya.

Pero alam kong willing ding itaya yung buhay ni siberia para lang kay venjoe, at yan ang pinakamasakit na katotohanan nanangyari sa buong buhay ko.

Bakit nga ba hindi nalang magmahalan yung totoong nagmamahal sa isa't isa? Bakit kailangan pang dumaan sa hirap at pagsubok para lang masubok ang pagmamahal nila sa isa't-isa at mapatunayan na silang dalawa talaga yung nakatadhana?

Pareho kaming nasasaktan ni siberia sa mga nangyayari and i cant blame the destiny i think this their plan para maslalong tumatag yung relasyon, magaling akong makipaglaban kahit patayan kisa kay venjoe. Kaya kong lumaban kahit na buhay sa buhay kaya kong tumalo ng kalaban, pero sa pagkakataong ito ay para akong lampa na kahit labanan ko sj venjoe ay alam kong sa bandang huli talo pa din ako.

All i need to do is maging handa kay siberia na kapag kailangan nya ng kasangga sa problema nya ay meron syang ako na handang dumamay sakanya, napakasaklap ng mundo at ni kupido dahil ako yung nandito palagi kay siberia pero si venjoe pa din ang mahal nya.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now