1.

5 1 0
                                    


Sinipat ni Nemesis ang orasan sa coffee shop kung nasaan siya ngayon. Ilang minuto na lang ay alas-kwatro na at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos si Margot sa ginagawa nito.

Sumimsim muli si Nemesis ng kape bago tapunan ng tingin ang kaibigang tila nagkakalat ng papel.

"Inaya mo lang yata ako rito para may karamay ka sa frustration mo."

Tinatamad na sabi ni Nemesis pagkuwa'y pinulot ang mga lukot na papel na nahulog mula sa table nila.

Palihim din niyang nilingon ang mga staff ng coffee shop kung saan mainit na ang tingin sa kanilang dalawa.

Napailing nang palihim si Nemesis.

"Mags, mag a alas-kwatro na. Anong balak mo? Kanina pa tayong twelve rito."

Katulad kanina, wala pa ring mababakas na emosyon sa boses nito.

"Ugh! Nems tang*na kainis! Hanggang ngayon nasa body palang ako. Mamayang 7 na need 'to ng client ko."

Gigil na aniya ni Margot habang nakakunot ang noong nakatuon ang pansin sa papel.

"Brainstorming kasi ang dapat ginagawa bago sumulat ng essay. Tumanggap ka ng commission ta's 'di mo naman pala alam ga'win."

"Tanga ka ba? 'Di ko ginusto 'to! Tita ng kaibigan ni Jaymark 'yung nagpagawa ng essay."

Umikot ang mata ni Nemesis. Sinipat muli ang orasan. Tiningnan ang kaibigan niya na ngayo'y nakatingin sa kaniya na parang hinihintay ang susunod niyang gagawin o sasabihin.

"As far as I-"

"Yeah yeah, whatever Nems. Umuwi na tayo. Sa bahay ko na lang 'to itutuloy."

Kibit balikat ang tugon ni Nemesis. Pagkatapos, isinukbit ang sling bag sa balikat at nauna nang tumayo.

Ramdam ni Nemesis na nakasunod sa kaniya ang kaibigan kaya tuloy tuloy lamang ito sa paglalakad hanggang makalabas ng coffee shop.

"Ul*l, 'kala niyo naman ang sarap ng kape niyo."

Ang unang narinig ni Nemesis sa kaibigan pagkalabas nito.

"Anong nangyari?"

Lingon niya rito.

"Pinaringgan ako ng staff eh. Sa wakas daw nakaramdam tayo. As if namang ang sarap sarap ng kape nila. Pangit pa ng ambiance, tse!"

Natatawang pinulupot ni Nemesis ang braso niya sa braso nito pagkatapos sinimulang maglakad.

"Hindi na 'ko babalik do'n!"

Naiinis na dugtong nito.

Ayaw sabihin ni Nemesis ang saloobin niya. Ngunit tingin niya ay may punto naman ang mga staff. Kulang na lang ay magkampo sila roon.

"Uuwi ka na?"

"Ikaw ba?"

Tumango si Nemesis bilang tugon. Nagpaalam sila sa isa't isa at naghiwalay na. Magkaiba sila ng direksyon pauwi.

Pumasok sa isip ni Nemesis ang pusang si Paopao. Ang kaisa-isa niyang pusa.

Sa lungkot na dala ni Paopao, naisipan niyang pumunta sa seaside na lagi niyang nadadaanan pauwi. Malapit na rin ang sunset.

Inayos niya ang cardigan, sling bag, at salamin pagkatapos umupo sa favorite spot niya tuwing inaabangan ang paglubog ng araw.

Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang kaniyang blonde at hanggang dibdib na buhok.

Pumikit pa ito upang mas damhin ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat.

"Hindi ka nababahuan?"

Mabilis na nagmulat ng mga mata ang dalaga at lumingon sa estrangherong nagsalita.

Love Comes From Sunset Where stories live. Discover now