3.

5 0 0
                                    

Tahimik na nakaupo si Nemesis sa open-air hall sa kanilang unibersidad. Pumwesto siya sa pinakamalayo na bihira nang madaanan ng mga estudyante.

Hinihintay niya ang reply ng kaibigan.

"Tsk."

Asik ng dalaga.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Nemesis at nagmessage na lamang sa kaibigan na uuwi na lamang siya.

At hindi na siya nagulat nang mabasa na may iba pala itong errand at nakalimutan ang kanilang usapan.

Umiiling na hinila pababa ni Nemesis ang suot na tank top na bahagyang tumaas dahil sa matagal na pagkakaupo.

"Nemesis!"

Nagulat na napalingon sa likuran ang dalaga.

Nakita niya si Lucinda.

"Hi, Nemesis."

Sandaling natahimik ang dalaga. Dahil wala siyang ideya kung bakit lumapit sa kaniya ngayon ang blockmate niyang vlogger at masasabi niyang isa sa mga matunog ang pangalan sa kanilang college department.

"Hello Lucinda,"

Nagaalangang bati ni Nemesis.

"Anong sa atin?"

"Anong anong sa atin?"

Binalot ng pagtataka ang dalaga sa tinuran ng kausap.

"Huh?"

Nagtatakang sagot niya sa dalaga na katulad niya ay nakakunot na rin ang noo.

"Oh geez! Don't tell me hindi mo pa alam?"

Napabuntong hininga si Nemesis sa reaksiyon ni Lucinda. Nakatirik at nanlalaki ang mata nito habang bahagyang nakaawang ang labi.

Napalingon sa kaliwa't kanan si Nemesis at napakamot sa sintido.

Nagsisimula na siyang mairita.

"Tell me, Lucinda. Make it straight to the point."

Kalmado ngunit may bahid ng iritasyon ang tinig ng dalaga.

Pinagsiklop ni Lucinda ang mga kamay sandali pagkatapos hinawakan sa magkabilang balikat si Nemesis.

"You are so lucky!"

Nanatiling walang reaksiyon at tahimik si Nemesis kahit bahagya na siyang niyuyugyog ni Lucinda.

"Nag-post kasi ng video si Quatro and the song is dedicated daw sa special girl sa buhay niya and he mentioned your name after niya kumanta."

Bahagyang umawang ang bibig ni Nemesis sa narinig.

"I didn't know na you two are close pala! Baka pwede kita ma i-feature sa next vlog ko!"

Hindi alam ni Nemesis kung anong nararamdamang emosyon at kung anong reaksiyon ang nakabalatay sa mukha niya.

"E-excuse me Lucinda."

Lakad-takbo si Nemesis papalayo hanggang makarating sa labas ng unibersidad.

Nakagat niya ang labi habang pinipilit na umayos muli ang tibok ng puso.

Nanginginig na binuksan ni Nemesis ang cellphone. At kinumpirma niya mismo kung totoo nga ang sinasabi ng kamag-aral.

Napatakip siya sa kaniyang bibig.

Totoo nga.

"Hope you like it, miss sunset."

Halos lumabas sa kaluluwa ng dalaga ang puso nang marinig ang baritonong boses ng taong kinantahan siya sa social media.

Love Comes From Sunset Where stories live. Discover now