Chapter 20

1.7K 59 4
                                    

Natapos ang meeting na walang problema. Si Hiro ay todo ngiti habang nakikipag-usap kay Mrs. Bustamante kanina. Sa pagkakarinig ko ay isa itong business negotation, pero wala akong maintindihan. Mahirap talaga kapag pumapasok ka sa isang bagay na walang kamuwang-muwang.

Katulad ko na pumasok sa pagiging P.A pero walang ka ide-ideya. Google is free, pero iba pa rin talaga kapag naranasan mo na.

"We closed a deal!" hiyaw ni Hiro

Nasa first floor kami ngayon ng building. Halos nandito na rin ang mga kasamahan ko sa trabaho sapagkay may iaanunsiyo raw si Hiro.

Tumayo ako at pumalakpak nalang. Kita kong tuwang-tuwa si Hiro pati na rin ang mga taohan sa kompanya.

"There will be a celebration tomorrow! I'm expecting y'all to come!" sigaw ni Hiro

Todo hiyaw ang mga ka-trabaho ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, parang nakakataba ng puso kapag nakikita ko silang masaya. Palagi nalang silang mukhang stressed at parang mga zombie sa walking dead.

Lumapit sa akin si Hiro pati na rin ang ahas- este si Ava.

"Via, you can go," nakangiting saad ni Hiro habang hawak-hawak si Ava sa bewang

Napangiti ako. Mabuti at good mood si boss, pero masakit pa rin sa mata ang mga landian nila. Hindi naman ako apektado, nakakadiri lang.

Binitbit ko ang bag at nakangiting lumabas sa building. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Mang Isko. Mabuti nga't maaga akong pinaalis, para maaga kong masusundo si Leo sa daycare. Ganito na ang daily routine ko, pagkatapos ng trabaho ay susunduin ko si Leo sa daycare. Kung hindi ko siya masusundo, si Kiel o si Maddy ang pinakikiusapan ko.

"Kumain ka na?"

Napatalon ako sa gulat dahil sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Jusko, para akong aatakihin sa puso. Lumingon ako ritong nakahawak sa dibdib ko.

"Nakakagulat ka naman, Raven."

Tinawanan niya lang ako, pero may kakaiba akong naramdaman.

What is this feeling?

Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Si Hiro lang ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko na 'yon nararamdaman kapag malapit ako sa kan'ya.

"Sorry. Kumain ka na ba?" pag-uulit nito sa tanong at sinabayan ako sa paglalakad

"Wala pa, bakit? Manlilibre ka?" nakangiti kong saad

Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan siya na kumikislap ang mga mata. Ngumiti lang ito sa harapan ko, pero may napansin ako.

That eyes.....

Nawala ang mga mata nito sa pagngiti dahil sa singkit nitong mga mata

It reminds me of someone I've met before.

Napatitig ako ng matagal sa mga mata ni Raven. Nakakahipnotismo ang mga mata niya.

"Via, staring is rude," nagbibirong saad nito

Napakurap ako ng ilang beses at nabalik sa ulirat.

Nag-umpisa ulit kami sa paglalakad, pero bago kumain ay susunduin ko muna si Leo.

"May susunduin lang ako tapos kain tayo."

Konting lakad lang ay tanaw ko na ang daycare.

"Sino susunduin mo? Kapatid mo?" nakangiti nitong saad

Hindi ko pa pala nasasabi sa kan'ya na may anak na ako. Parang bumilis lang lalo ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. May part sa akin na natatakot na baka mag-iba ang pananaw niya sa akin.

My Boss is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon