Scotty Pov.
11:30 pmHuminto ang sasakyan sa harap ng isang abandonadong gusali. Binuksan ni Greg ang pinto ng backseat kaya lumabas ako ng sasakyan.
" Tama ba ang lugar na napuntahan natin?"tanong ko habang inikot ikot ang tingin sa buong paligid. Biglang umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili na wala sa oras.
" Young Master ito po gamitin ninyo" inabot sa akin ni Greg ang isang makapal na jacket. Umiling iling lang ako hinihintay namin ang pagdating ni Jason.
" Scotty masaya akong dumating ka" isang boses ang tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita si Brian na naglalakad papalapit sa pwesto namin.
" Hindi ko papalampasin ang ganitong palabas" nakangiti kong sabi.
" Yan ang gusto ko sayo maikli ang buhay para magkulong sa isang kwarto at magbasa ng libro" aniya bago tinapik ang balikat ko.
" Anong ginagawa mo dito pumasok na tayo sa loob"
" Mauna kana hihintayin ko si Jason"
" Ahh!! ang isang dakila at mabait na anak sa umaga pero isang magaling na car racer sa gabi" pabiro niyang sabi.
" Ako ang pinag uusapan niyo" napalingon kami ng marinig ang boses ni Jason. Nang makalapit siya sa amin binatukan niya si Brian sa ulo agad naman itong nakaiwas kaya hindi siya natamaan.
" Na saan si Alden?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Naglakad ako papasok ng gusali iniwan ko sila sa labas. Kapag narinig ko ang pangalan ng lalaking yun umiinit ang dugo ko.
" Scotty hintayin mo kami" sigaw ni Jason na naglalakad sa likuran ko.
" Bakit ano ba ang nangyari?" tanong ni Brian sa kanya kasalukuyang nag uusap sila sa likod ko.
" Pwede bang tumahimik kayo" saway ko bago tumigil sa paglalakad. Itinaas ni Jason ang kamay niya habang si Brian hatalang naguguluhan sa nangyayari.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa loob. Tumigil ako ng makita ang isang lumang elevator.
" Huwag niyong sabihin na dito tayo sasakay?"tanong ko habang tinuturo ang elevator. Tumango tango naman silang dalawa pinindot ni Brian ang isang button. Biglang bumukas ang elevator napangiti lang ako ng makita ang isang tagong elevator hindi yun luma katulad ng kanina.
" Ito ang tunay na sasakyan natin pababa" paliwanag ni Brian pumasok kaming tatlo sa loob.
" Marami tayong pera hindi natin kailangan magtiis sa lumang elevator" sabi naman ni Jason nagsimulang bumaba ang sinasakyan namin.
" Ilang buwan niyo tong pinaghandaan?"
" Dalawang buwan" sagot ni Brian habang nakatayo sa tabi ko.
" Oo nga naman kapag nahuli tayo siguradong malaking scandal yun. Anong sasabihin ng mga tao na ang Presendial Son ay sangkot sa isang illegal na mga aktibidad" ngumiti lang siya at tila ba ay hindi narinig ang mga sinabi ko.
Pagbukas ng pinto maririnig agad ang malakas na hiyawan sa loob.
" Grabe pinupuri kita sa ganitong pagkakataon" sabi ko ng makita ang isang engrandeng disenyo ng buong lugar. Sa ibaba mayroong arena kung saan gaganapin ang karera.
" Okay pupunta na ako doon" sabi ni Jason bago bumaba ng makita siya ng ibang manonood mas lalong nagsigawan ang mga tao dito sa loob.
Hindi ko sila masisisi si Jason ang masasabing crowd favorite at wala pa siyang talo kapag car racing ang pag uusapan. Inikot ikot ko ang tingin sa paligid mula sa kinatatayuan ko makikita ang iba pang kilalang tao. Ang iba ay anak ng mga politiko, negosyante, artista at ipa.
Ito ang mundong ginagalawan namin mundo kung saan magagawa namin lahat ng gustuhin namin.
" Ano ang iniisip mo?" tanong ni Brian bago inabot ang isang basong alak.
"Mayroon lang pumasok sa isip ko" sagot ko bago kinuha ang binigay niyang alak.
" Ladys and Gentlemen ito ang gabi ng pinakahihintay niyong lahat" sigaw ni Ken habang nakatayo sa mataas na stage.
Isang malakas na hiyawan ang maririnig ulit kasabay ng paglabas ng usok sa stage.
" Sabay sabay nating isigaw ang mga katagang simulan na ang karera."
Isang putok ng baril ang naging hudyat ng pagsimula ng karera. Maririnig ang tunog ng mga sasakyan na nag- uunahan para makuha ang unang pwesto. Gaya ng inaasahan si Jason ang nanguguna sa karera habang sampung sasakyan ang nakasunod sa kanya. Mas lalo niyang binilisan ang pagpatatakbo ng sasakyan kaya lahat ng manonood halos hindi makahinga habang nakatingin sa kanya.
" Ang galing niya" sabi ni Brian habang nakatutok ang attensiyon sa karera.
Nanatili lang akong tahimik habang nanonood ng karera. Isang ikot nalang panalo na si Jason.
" Brian masamang balita napasok tayo" sabi ng isang lalaki na lumapit sa amin.
" Ano pambihira sigurado ka ba diyan?"
" Oo napapalibutan na tayo wala ng oras para tumakas"
Napatingin ang lahat sa pwesto namin naglakad si Brian paakyat ng stage. Mayroon siyang binulong kay Ken nagsilbing host ng karera.
" Mayroong akong masamang balita sa labas naka pwesto lahat ng mga police para hulihin tayo. Mayroon ba sa inyong naglabas ng impormasiyon tungkol sa magaganap na karera ngayong gabi?" tanong ni Ken
" Hindi namin sinabi sa kahit sino" sagot nilang lahat
" Huli na ang lahat ipagpatuloy nalang natin ang panonood ng karera. At ihanda niyo na ang pinakamagaling niyong abogado" nakangiti kong sabi lahat sila naghiwayan matapos marinig ang sinabi ko.
Lahat nanatiling kalmado at pinagpatuloy ang panood ng karera. Matagumpay na nakarating si Jason sa finish line at hinirang ng bilang undefeated champion.
Bumukas ang pinto at pumasok ang mga pulis sa loob. Lahat kami nanatiling nakatayo at nanatiling kalmado.
" Itaas niyo ang mga kamay niyo you are all under arrest" sigaw ng isang pulis.
" Brian siguraduhin may ipapaliwanag ka kay Tito Dan pagkatapos nito" sabi ko sa kanya isang makahulugang ngiti ang ginanti niya sa akin. Pinayuko kami ng mga pulis naglabas sila ng posas at hinawakan kami sa kamay.
" Sandali" isang sigaw ang nagpatigil sa kanila. May isang lalaki na lumapit sa pwesto namin.
" Nandito na siya" bulong ni Brian bago kumindat mukhang alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin.
" Huwag niyo silang galalawin kayong lahat tumayo kayo"
Kusang lumayo ang mga pulis sa amin isang matikas na tao ang nakatayo sa harap namin ni Brian. Sa unang tingin palang alam ko na na siya ang taong tagalinis ng kalat ni Brian.
" Umalis na kayo dito at sa susunod sabihan mo ako kapag may ginawa kang kalokohan" sigaw niya pero medyo pabulong ang huling dalawang salita niya.
" Maraming salamat Heneral" sagot ni Brian lumingon siya muna sa pwesto ko bago naglakad palabas.
" Mag ingat ka baka matisod ka" pabiro kong sabi biglang naglaho ang mga pulis sa buong paligid.
Pag alis nila isang malakas na hiyawan ang marinig sa loob. Bumaba ako sa arena kung saan prenteng nakasandal si Jason sa sasakyan niya.