CHAPTER 57
DANIEL’S POV
Nasabi sa akin ni Kuya Mark na tumawag daw si Kath sa kanya at nagtatanong ng kung saan ang location namin at hanggang anong oras kami dito. Hmm..bakit kaya?
“Anong sabi mo?” tanong k okay Kuya Mark. Pabalik na kami sa location mula sa tent.
“Eh di sinabi ko kung nasaan tayo. Bakit ayaw mo?”
“Hindi naman. Nakakapagtaka lang talaga diba?”
“Kapag hindi niya inaalam ang mga bagay bagay sayo nagagalit ka…pag nagtatanong nagtataka ka. Eh kung ako yung asawa mo –
“Ano? Iiwan mo ako?” napatigil ako.
“Hindi Daniel, ibibitin kita ng patiwarik!” sabi niya at nagtawanan sila. “Ewan ko sa inyong dalawa!” sabi ko at nagpatiuna na lang.
Nung nagaantay kami ng take ay tumabi sa akin si Kuya Mark. “Sasama ka ba sa Palawan?” tanong ko sa kanya.
“Hindi na siguro. Marami akong gagawin dito eh. Pero maiba ako, buti pumayag ang management? Eh sa dami ng hinahabol na scene eh pinayagan ka pang mag leave?”
“Ang narinig ko, Patrisha helped talaga. Kinausap ata niya si Madame eh” sabi ni Ate Osang.
“Ganun ba? Buti na lang andyan si Patrisha” sabi ko. Hindi na sila sumagot. “Kamusta na kayo ni Dom?” natatawang tanong ni Ate Osang.
“Wala naman akong problema sa kanya. Wag niya lang talaga siyang dumamoves sa asawa ko”
Nagtawanan sila. “Anong nakakatawa?”
“IKAW!” sabay pa nilang sabi. Nagtitinginan ang ibang mga crew sa amin.
KATH’S POV
“Are you okay Ate Kath?” tanong ni Nie habang kumakain kami ng lunch with Dom. “Yeah, may iniisip lang ako” sagot ko at binalik ko ang attention ko sa pagkain ko.
“So as I was saying, everything is ready na sa team building. Pero kung may ipapabago ka siguro Ate, you need to ley it down na” sabi niya.
“Wala naman na” sagot ko. “So you’re excited?”
“Kinda. Daniel will be there”
Biglang naubo si Dom sagilid ko. “Are you okay??” tanong ko sa kanya. “Yeah..sorry” sabi niya.
“Nice! Kasama pala si Kuya Daniel. Mabuti pinayagan siya? Eh diba ang hectic ng schedule niya?”
“Hindi ko rin alam kung paano pinayagan eh. Kaw Dom, do you ask your girl to come?” baling ko kay Dom. “Girl talaga?” si Nie.
“Eh paano hindi niya sinasabi yung name” sabi ko.
“So ano Kuya, isasama mo ba? Para mameet na rin naming siya ni Ate Kath”
Walang reaction. Kumunot ang noo ni Nie. “Kuya! Are you with us??” parang naiirita ng tanong ng kapatid.
“I’ll ask her kung pwede siya” sabi lang nito. Nagkatinginan lang kami ni Nie.
Ng matapos ang pagkain naming at inaantay ko na lang si Kiray ay nagCR muna si Dom. Si Nie naman ay tutok na tutok sa phone niya.
“What’s that?” I asked her.
“Twitter” sagot niya. “I thought wala kang twitter?”
“My friends ask me to sign up na rin. Masaya kaya!” sabi niya.