Chapter 15: Goodbye, Hello

6.2K 101 3
                                    

(Blake’s POV)

Ugh! Sh*t! I never saw it coming.

If I only knew, sana inunahan ko na siya.

Tuloy eto ako ngayon. Kasama ang barkada, nagpapakalasing.

Plano ko na sanang mag-confess, kaso naunahan ako ni Jayden.

G*gong yun. (=__=)

Heart-broken kaming dalawa ngayon ni Kevin.

Si Luigi kasi hindi masyadong naapektohan.

“Alam mo Luigi, ang swerte mo. Crush pa lang yung sayo. Madali pang makalimutan. Yung sa amin kasi, ang sakit eh.” Sabi koi kay Luigi at uminom ng beer.

“Dude, kasalanan din natin. Hindi tayo agad kumilos.” Kevin

“Oo. Tama ka. Pero anu nang gagawin natin ngayon? Susuko na lang ba tayo?” Ako

“Yun ang mas maayos na solusyon. To give way. First come, first serve.  Pero, pag pinaiyak sila, tayo ang sasalo.” Kevin.

“At kung talagang sila, sila. Wala na tayong magagawa. Hindi lang sila ang mga babae sa mundo dude. Makakahanap pa tayo ng mas pa sa kanila.” Luigi sabay inom.

“Tama yan mga ‘dre! Move on. Kaya nga ayaw namin magseryoso ni Cody eh! Ang sakit kasing masaktan.” Sabi ni Ethan.

*Kinabukasan*

Ah sh*t! Ang sakit ng ulo ko! F*ck hangovers. (=__=)

Pero kahit pinapatay na ako ng hangover, pumasok pa rin kami. We can always sleep in the S.A Room.

When Gangsters CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon