GIO POV
One month na ang nakakalipas simula ng makalabas ako ng hospital but still tuloy padin ang treatment sa akin.
I'm thankful for all my family, friends and especially kay lauren na laging nandyan lang sa tabi ko.
She never leave me everytime na kini-chemo ako at isa sya sa dahilan kung bakit patuloy padin akong lumalaban hanggang ngayon kahit nahihirapan na ako.
Madami nadin ang nag bago sa katawan ko dahil sa side effect ng chemotherapy, unti unti ng naglalagas ang buhok ko, I also experience nausea and vomiting. Nawawalan nadin ako ng gana sa pagkain dahilan para sobrang bumaba ang timbang ko.
Everytime I look in the mirror, hindi ko mapigilang mapaiyak nalang. Ang dami ng pagbabago ang nangyari, pati yung mga bagay na nagagawa ko noon ay hindi kona magawa ngayon dahil hindi na kaya ng katawan ko.
But I'm still thankful sa bawat araw na napagtatagumpayan ko, I'm thankful dahil nakakasama kopa hanggang ngayon yung mga taong mahal ko. At kahit mawala man ako ngayon patuloy padin akong nagpapasalamat dahil okay na ang family ko.
"Ate?" Bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si gianna na may bitbit na tray ng pagkain. Ngumiti sya sakin na ikinangiti kona din.
"Ang sweet naman ng kapatid ko, but you don't have to do that" I said to her ng natatawa.
"But I want to. atsaka hayaan mokong alagaan kita, ngayon nga lang ako makakabawi sayo eh" she said.
"Hindi mo naman kailangan bumawi sakin, ginagampanan ko lang ang pagiging ate ko sayo" I said to her at ngumiti sakanya.
"Gia" hinawakan ko ang kamay nya.
"Bakit ate?" She asked.
"Kung sakaling may mangyari man sakin, wag mong pababayaan si mom and grandma ah" I said to her.
"Ate! Ano kaba! Para namang nagpapaalam kana sakin nyan eh! Ayoko ng ganyan, walang mangyayari sayo! Gagaling ka!" I don't know. Kung gagaling panga ako. Everytime I talked to them I always say na magpapagaling ako but..... I don't know if kaya pa ng katawan ko! Kahit ayaw kopang bumitaw sa laban nato pero yung katawan ko ay parang sumusuko na. Nahihirapan na ako to be honest pero ayoko lang ipakita sa kanila dahil ayokong panghinaan sila ng loob.
Ramdam ko na din naman na kunti nalang ang panahon ko at kung mawawala man ako ngayon magiging masaya ko dahil ramdam ko ang pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko.
"Just promise me Gianna na hindi mo pababayaan ang pamilya natin at magpapakatino kana" natatawang sambit ko sakanya para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko habang sinasabi na sakanya ang lahat ng ito.
"Mabait naman talaga ako ate eh!" Sibangot na sambit nya sakin.
"Oo na sige na mabait kana, kaya nga mahal na mahal kita eh, wag mong pababayaan yang sarili mo ah" I said to her na ikinaiyak nya.
"Ate wag kangang sweet dyan!, natatakot nako sa mga sinasabi mo sakin hindi kanaman ganyan dati ah! Parang nagpapaalam kana talaga sakin!" Inis na nasambit nya habang patuloy padin sa pag iyak.
Hindi kona nakuha pang sumagot at niyakap sya.
"What's going on here?" Si mom kasama si grandma.
"Oh bakit umiiyak ang baby ko?" Mom said na parang batang inaalo si gia kaya hindi namin napigilang mapatawa ni grandma.
"Si ate kasi pinapaiyak ako" pagsusumbong pa ni Gianna kay mom at yumakap dito na ikinangiti ko.
Masaya ako to see them happy katulad ngayon, sana pag wala na ako ganto padin sila kasaya.
Sayang ngalang dahil hindi na nila ako kasama but at least bago ko umalis I know na mabuti ang kalagayan ng mga taong iiwan ko. Si lauren nalang.
"Apo kamusta ang Pakiramdam mo?" Grandma asked ngumiti ako sakanya.
"Okay na okay po ako grandma, masaya po ako na makita na okay na si mom and gianna. Mapapanatag napo ako" I said to grandma.
"Kaya magpagaling kana apo ah, alam mobang ang dami dami ng nakasulat sa list ng mama mo na gagawin nyong mag iina dahil never pa kayong nakapag bonding na buo kayong tatlo kaya kailangan mong magpalakas ah mas magiging masaya ang mom mo kapag naging okay kana" grandma said to me na ikinangiti ko ng pilit at napatingin kay mom at gianna na masayang nag uusap.
"Ayy anak nga pala, kami muna ang maghahatid sayo sa hospital mamaya ah para sa session mo for chemo" mom said na ipinagtaka ko.
"Si lauren po? Hindi poba sya makakapunta?" Tanong kopa.
"Mukang malelate lang daw sya ng konti may meeting kasi sya but don't worry anak sinisigurado daw nya na makakahabol sya" bigla akong nakaramdam ng lungkot bakit ngayon pa sya wala sa tabi ko? Sana nga lang talaga makahabol sya.
"Are you ready?" Iris asked
Tumango ako sakanya at ngumiti kahit sa totoo lang ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko sa kaba, ganto naman lagi dahil everytime na nagpupunta ako ng hospital hindi kona alam kung makakalabas pa ako ng buhay.
Pero buti nalang at kasama ko yung mga taong mahal ko para palakasin ang loob ko.
Si iris ang nagtutulak ng wheel chair ko. I can't walk properly now because of the chemo dahil isa din ito sa side effect nya kaya lagi nalang akong naka wheelchair ngayon.
I hate it but wala na akong choice!
Binuhat ako ng mga bodyguards para makasakay ng van.
"Iris anong oras daw tapos ng meeting ng ate mo" tanong ko.
"I'm sorry gio but I can't contact her phone baka nag umpisa na ang meeting nya, but don't worry pupuntahan kanya" paninigurado ni iris sakin.
"Cous pwede naman nating hintayin si lauren if you want, I just need to talk to your doctor na kung pwede iadjust ng unti yung time ng therapy mo" suggest ni Lorraine.
"No, it's okay Lorraine baka papunta nadin si lauren" I said to her na ikinabuga konalang ng hangin.
Nakarating kami ng hospital at agad kaming sinalubong ni doc Jacob.
"How are you feeling gio?" He asked.
"Better" tipid lang na sambit ko at ngumiti habang inililibot ang mata sa paligid dahil baka dumating na si lauren pero bigo ako.
"Are you ready Gio?" Doc asked.
"Y-yeah"
"Where's lauren?" He asked again.
"Susunod sya" tumango sya sakin.
Pumasok na kami sa room kung saan gagawin ang therapy ko.
"So sino ang kasama mo ngayon na papasok sa loob?"
For the last time inilibot ko ulit ang tingin ko sa paligid pero kahit anino ni lauren ay wala akong nakita.
Sya ang laging kasama ko everytime ng session ko, sya ang nag bibigay ng lakas sakin everytime na makakaramdam ako ng pain. Pero ngayon nakakapanibago lang dahil wala sya sa tabi ko.
"Si mom" I said. Pumasok na kami agad sa loob.
Inalalayan ako ng mga nurse but suddenly I stopped ng makaramdam ako ng biglang pag sakit ng ulo.
"Gio are you okay?" Doc jacob ask but I didn't answer.
I feel dizzy, and my eyes is getting blurry hanggang sa mawalan na ako ng balanse at tuluyan ng bumagsak ang katawan ko sa sahig buti nalang ay agad akong nasalo ng mga nurse
"Oh my god anak!!!" I heard mom shouted but I can't see her anymore dahil blanko na ang paningin ko.
Nadinig kona din na nagkakagulo ang mga nurse at doctor na kasama ko.
"L-lauren" pagtawag ko sa pangalan babaeng pinakamamahal ko
Naramdaman kong may bumuhat na sakin at Pakiramdam ko ay kunti nalang ay mawawalan na ako ng malay.
"L-lauren" nanghihinang sambit ko ulit at naramdaman ko ang unti unting pagtulo ng sarili ko luha.
"Oh god! What is happening?!" I heard a familiar voice, finally she came.
"Love I'm here now, I'm sorry." Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko hanggang sa tuluyang na akong nawalan ng malay.
UPDATED: AUGUST 1, 2022 monday 4:35am