3rd Person's POV
"Goodbye and thank you, sir Conrad," halos sabay-sabay na paalam ng mga estudyante.
"Bye, ingat kayo."
"Ay, mas lalo ka na, sir. Maraming nagmamahal sa'yo, e!"
Napangiti si Conrad sa turan ng babaeng estudyante at bahagyang napailing habang nasa mga nililigpit na gamit ang mga mata.
Halos ikabingi ni Amorah ang tili ng mga naroon sa reaksyon ng propesor. Napatakip pa siya ng tenga sa ingay. Napansin niyang ganoon din ang ginawa ng mga kalalakihan na nairita. May iba pa nga'ng nakabusangot.
Nakaramdam man ng inis, hindi niya masisi ang mga kaklase.
Conrad was said to be the Campus' ultimate crush- gwapo, matangkad, hot, mayaman, matalino at successful. Kaya naman, sa tuwing pinapansin nito kahit jokes ng mga estudyante at ngumingiti pa ay para ba'ng may artistang pinagkakaguluhan sa ingay. Kulang na lang yata ay magpa-fan sign ang mga ito.
Napalingon si Amorah sa grupo ng mga babae niyang kaklase sa gawing kanan. Nakaupo ang mga ito 'di kalayuan sa kanyang silya. Kumibot ang kilay niya nang mapansin ang malalagkit na titig ng mga ito sa propesor, lalo na nang marinig ang paminsan-minsang bulong at hagikhik ng mga ito.
"Mukha at katawan pa lang, alam mo nang magaling sa kama! Sh*t!" patiling bulong nung isa ngunit sapat na upang marinig niya.
Pasulyap-sulyap ito kay Conrad at pakagat-kagat pa ng ibabang labi.
"Tuwing nagdi-discuss si sir, hindi ko talaga mapigilang mapatingin doon sa ano niya lalo na kapag naglalakad-lakad siya, like sh*t! Kahit isang gabi lang hindi ako magsisisi! Bigay ko pa sa kanya mamanahin ko!" anito na halos mangisay.
"Kahit naman ako, 'no!" kinikilig na sang-ayon nung isa.
Napakuyom siya ng kamay sa inis. Pakiramdam niya'y umuusok na ang ilong niya sa naririnig. Konting-konti na lang ay pagsasabihan na niya ang mga ito.
Ang notification beep mula sa kanyang smartphone ang pumutol sa imahinasyon niyang nilapitan at pinagsabihan ang mga ito, at matapang na sinabunutan ang ayaw makinig kahit pa mag-isa lang siya at lima ang kalaban niya.
Hinanap niya ang cellphone sa bag upang tingnan sana kung sino ang nag-chat.
"Alam n'yo ba? Sina Professor Camille ng College of Engineering, Miss Shane ng Senior High School department at iba pang diyosa dito sa school ay sumadya pa talaga rito sa department natin para dalawin si sir, with gifts pa, ha!" chika nung isa.
Nanlaki ang mata niya sa nasagap na interesanteng chismis. Kilala kasi ang mga nabanggit na propesor sa mga malamodelong ganda, pangangatawan at talino ng mga ito. Agad siyang umalerto at nakinig pa ng mabuti sa chika.
"Ang suwerte talaga natin kay sir! Para tayong nanunuod ng live magazine o sexy movie araw-araw!" kinikilig na saad nung isa pa.
Kunwaring inaayos ni Amorah ang mga panulat niya habang tahimik na nakikinig sa mga ito. Hindi siya mahilig maki-chismis pero heto't nakiki-marites siya.
"Tinanggap ba yung gifts? Kanino ang tinanggap? Yung galing sa College of Arts and Sciences? Sa Technology? Sa Education? Sa aling department? Ano ba naman 'yan, tagal namang dugtungan?" sa isip ni Amorah.
Ang hindi niya alam, nakangising nakamasid sa bawat kilos niya si Conrad.
"Sinabi mo pa! Pero balita ko... wala raw kahit isang tinanggap si sir, e."
Tumango-tango siya at lumabi sa nalaman. Tila nakahinga nang maluwag sa narinig. Napasinghap naman sa gulat ang mga nagchichismis.
"Paano kasi, may girlfriend na pala. Ikakasal na nga raw, e."
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...