Kabanata 32- Sa Hilaga

943 85 7
                                    

Amanikable

Sa aking kapaguran sa ilalim ng karagatan, umahon ako sa lupa at nagtungo sa kakahuyan. Isang karuwagan muli ang aking ginawa; iyon ang pagtaguan si Marian.

Ayon sa balita ng mga ibon, nakapag-usap na ang mag-ama ngunit hindi naging maganda ang naging bunga. Lumabas ang katotohanan na makasarili si Malakas, bagay na matagal ko ng alam.

Mabuting hindi nanggaling sa akin.

Ngunit ano kaya ang nararamdaman ni Marian?

Sa aking napakabilis na pagbabago ng aking nararamdaman, nakalimutan ko na si Sitan at ang aming kasunduan.

"Kung hindi kita pupuntahan ay hindi mo ako maalala." Biglang lumitaw si Sitan sa aking harapan habang nag-iisa ako sa kakahuyan. Kung hindi ko lamang napigilan ang sarili ko ay baka nakapagbitaw ako ng ilang maanghang na salita sa kanyang pagdating.

"Nais kong magdamdam, Amanikable," walang ganang dugtong nito.

Naupo si Sitan sa harapn ng siga na binuhay ko habang ang isip ko ay naglalakbay sa kung saan maabot ko si Marian.

"Ano na ang balita? Kailan mo ihahain sa akin si Juan?"

"May ipinangako ba ako?"

Walang tinag si Sitan sa kanyang pagkakaupo. Hindi agad kumibo.

"Tama nga ang sinabi ni Aman Sinaya," may paklang wika nito.

"Si Sinaya?"

"Ah, hindi mo alam? Nasusuklam ang iyong kaibigan. Hayaan mong bigyan kita ng babala. Kinasusuklaman ka niya. Inagaw mo ang karagatan—"

"Ako ang pinili ng dagat," katwiran ko na ikinatawa ni Sitan.

"Hindi iyan ang paniniwala ni Sinaya. Ngayon, sabihin mo sa akin Amanikable, anong katangahan ang ginawa mo at pinipili mo akong talikuran?"

Hindi ako kumibo.

"Ikakapahamak mo ang pagpili sa taga-lupa." Tumayo si Sitan at tiningnan ako. Nanunuot sa kalamnan ko ang itim nitong mat ana walang buhay. "Sa susunod na magkikita tayo ay hindi ako mangingiming pagsalangin ka. Uunahin ko ang tinatawag mong kabiyak. O mas tamang ipahabol ko siya kay Sinaya? Alin man sa dalawa Amanikable, mamamatay kang kasama ng pinili mo."

Nanlamig ang katawan ko na parang yelo ang gumagawang sa aking mga ugat. Hindi ako nakakibo o nakatinag man lamang. Umalis si Sitan na iniwan ang pangako na iyon.

Si Sinaya, tuluyan na ngang nahibang dahil sa pagkamuhi.

Ano bang gulo ang dinala nila Sidapa sa mundo ko?

Ano bang gulo ang pinili ko?

"Napakalamig dito."

Napapitlag ako mula sa pagkaka-idlip nang marinig ko tinig ni Marian sa aking isipan.

"Nasaan ka?" nag-aalalang tanong ko.

"Nasa Norte, Ilocos."

Ilocos? "Ano ang ginagawa mo diyan?"

"Hinahanap namin si Bathala. Kanina ay napakainit ng mga buhangin, ngayon ay kay lamig ng hangin."

Biglang naalala ko ko ang sinabi ni Sitan kanina.

"Sino-sino ang kasama mo?" Napatayo ako bigla at nagsimulang tumakbo patungo sa gawi ng dagat.

"Sila Jake, sila Zandro."

"Si Sidapa? Sila Tala?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Umalis yata sila. Hindi ko makita."

Muli ay binalot ako ng kaba. "Malapit ba kayo sa dagat?"

"Parang natanaw ko ang dagat kanina," sagot ni Marian.

"Gisingin mo ang mga kasama mo!" utos ko habang tumatakbo sa kagubatan.

"Bakit?"

"Basta—"

"Kailangan ko ng dahilan, Amanikable. Nagpapahinga na sila at—"

"Baka puntahan ka ni Sinaya!"

Sa dilim ng paligid, hindi ko alintana kung tatami man ako sa naglalakihang bato sa ilalim ng talampas nang tumalon ako patungong dagat.

May matatalim na bato akong naramdaman na gumalos sa akin ngunit mabilis akong lumangoy patungong Hilaga.

"Bakit ako—"

"Saka ko na ipapaliwagan. Gisingin mo sila. Hindi kayo maaring magtagal sa isang lugar lamang nang walang gising isa man sa mga kasama mo."

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Marian.

Gaano man akong kabilis lumangoy, hindi pa rin sapat upang makapunta agad sa Hilaga. Naging tahimik ang panig ni Marian. Sa baway sandal na dumaan, parang patalim ang tubig na humihiwa sa aking kalamnan.

Alam kong hindi magsasayang ng sandali si Sinaya. Ilang sandal pa...

"Aman, hindi ko sila mahanap."

"Anong hindi mo mahanap?" sandal akong nalito sa sinabi ni Marian.

"Para kasing nagkaroon ng buhawing alikabok sa paligid. Hindi ko na mahanap ang mga nasama ko."

"Hintayin mo ako. Huyang kang aalis sa kinatatayuan mo."

"Maalikabok. Hindi ako makahinga at makakita ng maayos," Wika ni Marian habang umuubo.

"Marian..." sigaw ng isip ko.

Tampalasan kayong mga diyos at diyosa. Kapag may nangyari kay Marian

Ni hindi maituloy ang isip ko ang naiisip. Natatakot ako sa kung ano ang maabutan ko sa Hilaga. O baka mas tamang sabihin na natatakot akong walang maabutan.

"Aman!" sigaw ni Marian.

"Marian... Bakit? Marian!"

Hindi na muli siyang sumagot.

Heto na nga ba ang ikinatatakot ko.

"Marian!" sigaw muli ng isipan ko ngunit walang sumasagot.

Binilisan ko pa ang aking paglangoy. Tangay ko ang tubig dagat nang umahon ako sa dalampasigan ng Hilaga. Mabilis akong tumakbo patungo sa tuyong lupain kung saan nagkakaroon ng labanan. Naroon na sila Sidapa at ang iba pang diyos at diyosa.

"Sidapa, nasaan si Maria?" tanong ko dito.

"Hindi ko alam. Tumabi ka." Tinabig niya ako palayo sa kanya at nagpakawala ng itim na usok.

"Marian!" sigaw kong muli sa isip ko.

Hinayaan ko sila na makipaglaban sa mga tiyanak, impakto, at maligno. Hinanap ko si Marian ngunit hindi makita ng aking paningin. Wala siya sa paligid.

"Marian!"

Nilukuban na talaga ako ng kaba. Ngayon lang ako natakot at nagalit ng ganito. Huwag lang may makanti ni isang buhok ni Marian, magsisisi kang nakilala moa ko, Sinaya. 

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon