05
“Ate kami sunod ah, kanina pa kami nagbayad” Atat na sabi ng estudyante. “Ang tagal naman"
“Yes, wait lang po” Dinig kong sabi ni Tristan.
Inilibot ko ang paningin ko dahil naiirita ako sa boses nila. Nauubos na yung pasensya ko sa kanila, napaka atat. Umaga palang, pagod na pagod na ako.
“Excuse me, magkano po ba magpa picture?”
“150 po bali anim picture na po iyon. Polaroid Camera ang gamit namin” Banayad kong sabi.
“Okay, saan po ba magbabayad?”
“Doon po kay Tristan” Sabay turo ko kay Tristan.
Nakakapagod. Gusto ko nang umuwi at matulog. Kanina pa ako naghihintay kay Novie dahil gusto niya raw masubukan itong booth namin. Hindi pa ako kumakain ng breakfast kaya kanina pa nagrereklamo tiyan ko.
“Good morning kuya Symone, baka gusto mo magpa picture 150 pesos lang po”
Agad akong napalingon sa gilid ko ng marinig ang sinabi ni Tristan. Symone is here. Nagtama ang mga tingin namin at nasilayan ko ang ngiti sa mga labi niya. Damn. Agad kong iniwas ang tingin ko, I hate him!
“Sure.” Tipid niyang sagot.
“Pasok na po kayo, kuya Symone”
He stared at me for a moment. “Wait.....I want Janick to be with me in the photos”
Nanigas ako nang marinig ang sinabi niya. To be with what? What’s wrong with him? Nauna siyang pumasok sa booth habang ako ay naiwang nakatulala. Seryoso ba siya?
“Bilis na Janick” Tinulak ako ni Tristan papasok sa booth. Inilibot ko ang mga mata ko nang mapansin ang mga matalim na titig ng mga tao. I hate attention.
“Ayoko! Please, ayoko” Pagpupumiglas ko.
“Bilis na, sayang din yung bayad”
“Babayaran ko nalang, doble” Pagmamakaawa ko pero sobrang lakas ni Tristan kaya madali niya akong naitulak papasok.I mouthed a cuss word at Tristan. Tumawa lang ito at kinuha na yung camera.
“Tumabi ka na kay kuya Symone, Janick”
Wala akong nagawa kundi tumabi nalang para matapos na.
“Sige pa Janick, ang layo mo. Tumabi ka pa”
Sumunod ako sa sinabi ni Tristan.
“Okay, 1 2 3 smile”Sa anim na litrato hindi ako ngumiti, hindi ko rin nakita kung ngumiti ba si Symone.
“Take two more photos, please.” Dinig kong sabi ni Symone.
Palabas na sana ako nang biglang hinila ako ni Symone pabalik sa pwesto ko kanina at mabilis na inakbayan.I stiffened in my stance. Uminit ang mga pisngi sa ginawa niya. We are so close right now, I could almost hear his heartbeat . Why are you doing this to me?
Hindi ko namalayan na tapos na pala. Agad akong lumayo sa kanya at tumabi kay Tristan.
“Here are your photos” Saad ni Tristan at ibibigay kay Symone lahat ng litaro.
Inibot ni Symone ang isang litaro. Nag aalinlangan akong tanggapin ito. Kinurot ako ng mahina ni Tristan kaya napatingin ako sa kanya. Nilakihan ni Tristan ang mga mata niya kaya inis kong kinuha ang litaro.
“Keep that.” He said. “ You look cute in that photo”
My heartbeat goes out the rhythm .Sumilay ang ngiti sa mga labi niya bago siya lumabas.
Napatingin ako sa litaro naming dalawa. Mukha akong tanga sa litaro tapos cute daw? Gulat yung mukha ko sa litrato.
I heard Tristan cleared his throat. “Sana all cute” Pang aasar niya nito at lumabas na rin.
Bago ako lumabas ay inilagay ko muna ang litrato namin sa likuran ng ID pocket ko. Paglabas ko hindi pa rin nawala ang mga matalim nilang tingin. Kung nakakamatay lang yung tingin nila kanina pa ako binurol. Hindi ko nalang ito pinansin at nagtungo sa pwesto ko.“Hi boss madam”
Agad akong napalingon sa gilid ko ng marinig ang boses ng pinsan ko.
“Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba galing?” Sunod sunod kong tanong.
“May nasagap akong chismis. Kasama mo raw si Symone kanina.” Saad niya na may mapanuyang ngiti. “Patingin ng pictures niyo”“Nasa kanya lahat.”
“Kailan pa kayo naging close ni Symone? Diba kaibigan niya si Ali?”
“Hindi kami close ni Symone, lakas lang ng trip niya at bakit mo kilala si Symone?”
She shrugged her shoulders “Narinig ko lang. At alam mo ba..” lumapit ito sa akin at may binulong. “Sikat pala sila lalo na si Symone.”Kaya pala masama ang mga tingin nila kanina sa akin.
“Let's eat lunch.” Pag iiba ko ng usapan.
Nagpaalam rin ako kay Tristan at naghanap ng kapalit para tumulong sa booth namin.
Habang naglalakad kami bigla akong siniko ni Novie. Sinamaan ko siya ng tingin. “What’s your problem?”
“Ang sama ng tingin nila sa atin, sayo beh.” Mahina niyang sambit. “Ang sarap tusukin.”
“Don’t mind them.”Nang matapos ang morning and afternoon program kailangan naming maglinis at ayusin ang booth namin para makapaghanda na kami para sa after party. Tapos na rin kaming ipakilala sa higher years, ganoon kase raw pag acquaintance party. Hindi na sana ako pupunta ng after party kaso pinipilit ako ng pinsan ko.
“Wag kang sumimangot, Alina Janick Ysmael”
Kasalukuyan kaming naghahanda para sa party. Novie is busy doing her thing as my make-up artist for tonight’s party. Kanina pa niya ako pinapagalitan dahil raw nakasimangot ako. Hindi lang kami ang tao sa room tapos ang ingay pa niya. Nakakahiya.“Matagal pa ba? Gusto ko na umuwi” Pagrereklamo ko .
“Wait, aayusin ko yung buhok mo. At hindi pa nga magsisimula gusto mo ng umuwi.”
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, nagmukha akong tao kahit papaano.
“OMG! Ang ganda mo, Alina. Mukha kang supermodel “ Puri ni Sheila sa akin.
“Thanks to my Fairy Godmother”sabay turo kay Novie.“How about me, Shiela?”Novie asked.
“You look good too, magpinsan talaga kayo”
“I know. It runs in our blood” Mayabang na tugon ng pinsan ko.Tumawa lang si Shiela at bumalik sa paghahanda ng susuotin niya.
Nang matapos akong ayusan ni Novie, inutusan niya akong pumasok sa fitting room para magbihis na. Shiela brought this Curved fitting room para raw hindi kami mahirapan magbihis. Agad kong sinuot ang dress na napili ni Novie. It’s a Satin Maxi Dress.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago lumabas. Nang makita ako ng pinsan ko agad itong naglakad papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Damn girl, you look so expensive.”
----
I'm open to criticisms! Spread love and positivity<3 ily mwa!!!
YOU ARE READING
OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED
RomanceThey say, letting go means forgetting and forgiving. Alina Janick Ysmael is a first-year education student. She is making an effort to start moving forward and let go of all the anguish. They say, being honest leads to respect. Symone Miguel Monteca...