Chapter 20

37 8 1
                                    

"Lara Pov"

Nagising na lang ako nabuhat buhat ni kaito tumatakbo sila kasama ang iba pa. nakarinig ako ng pagsabog nagsigawan naman ang lahat napaupo si kaito tinapik ko siya para maibaba niya ako.

Anong nangyayare? "Tanong ko kay kaito pinagpapawisan siya.

Nagkaroon ng problema papatayin lahat ang mahuhuling taga Hiroshima Village nakataas lang tayo "Sagot nito tumayo kami lahat hinatak niya ako papalayo sa Bayan. Napalingon ako sa paligid hinahanap ko si Ti Seo.
ngunit wala akong Ti Seo na makita tumingin muli ako kay Kaito.

Nasaan si Ti Seo? "Tanong ko kay kaito napahinto ito at alanganin tumingin sa akin.

N-na huli s-siya "Nauutal na sabi niya.

ANO!? "Sigaw ko sa kanya para kasing mali pandinig ko.

Nahuli s-si Ti Seo "Ulit nito.

At tama nga ang mag narinig nahuli si Ti Seo.

HINDI MO MANLANG SIYA TINULUNGAN AH HINAYAAN MO LANG SIYA MAHULI "Galit na sigaw ko kaito masama akong tumingin sa kanya pakiramdam ko nagiinit ang pakiramdam ko para akong sasabog.

Wala akong magawa lara sinabi niya na iligtas kita at siya na bahala sa sarili niya "Paliwanag nito.

Bakit kailangan ligtas ako?

Tapos siya ang mapapahawak!

Hindi ako papayag kailangan ko siyang balikan.

Babalikan ko si Ti Seo at ikaw iligtas mo sila "Utos ko sa kanya.

Pero lar--------

Sundin mo na lang ako kaito "Sabi ko sa kanya na seryoso huminga ito ng malalim.

Sandali lang may kukunin lang ako "Sabi nito umalis ito saglit pagbalik niya dala niya ang mga gamit namin na itinabi kaninang umaga binigay niya sa akin ang gamit ko pati yung kay Ti Seo binalik ko sa kanya ang pana.

Gamitin mo ito hindi ko ito magagamit dahil mahihirapan lang akong bitbitin ito "Sabi ko kinuha naman niya ito.

Ililigtas ko muna sila (Turo nito sa mga kasama namin) at babalikan ko kayong dalawa "Sabi nito.

Sige "Sagot ko

Magiingat ka kapatid "Sabi ni kaito.

Ikaw rin "Sabi ko sa kanya.

Umalis na ako at bumalik sa bayan nagtago muna ako sa mga puno dahil naglabasan ang mga kawal ng Leon Empire.

Umikot kayo at hindi pa sila nakakalayo at lahat ng makikita niyo patayin niyo "Utos ng nakakataas sa kanilang lahat.

Opo general "Sabay sabay na sabi nila at nagbow ito nagsialisan naman silang lahat kung bibilangin mo mga nasa apatnapu ang lahat ng kawal nila na maghahanap kila kaito.

Dahil hindi ako makakaraan sa harap ay tumingin ako sa paligid may nakita ako na puno na katabi lang ng pader umakyat ako kapag tumalon ako sakto sa bubong kaya ang ginawa ko nagbwelo ako para pagtalon ko sakto naman ang pagtalon ko humiga na muna ako.

Ano yun? "Rinig ko may tao pala sa baba.

Wala yun maghanap na tayo ulit "Sabi ng kasama nito ng wala na akong marinig ay dahan dahan akong bumaba.

Nang may makita ako na isang kawal nagtago ako sa gilid ng malapit na ito sinuntok ko ang pagmumukha niya ng malakas nawalan ito ng malay hinatak ko kita sa isang silid kinuha ko ang kanyang kasuotan. hinubad ko ang damit ko at Sinuot ang kanyang baluti. Nang masuot ko ito itinali ko siya tinakpan ang bibig nilagay ko siya sa isang sulok ng maayos na lumabas na ako.Naglakad ako ng mabilis at sumama sa isang grupo.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon