PART-3

25 10 4
                                    

{Part-3}

5:00pm ng hapon naka-upo parin ako ngayon sa bench. Napatayo ako ng may pumasok sa utak ko na brilliant idea gosh!! I'm so smart, nahawa atta ako sa babae kanina. Dali-dali akong pumara ng tricycle...

"May project ba kayo hija, gabi na" sabi ng matandang lalaki na nagmamaneho ng tricycle. Nasa harapan kame ngayon sa school ni mitch sa ateneo. "Ahh may kukunin lang po ako" sagot ko habang pinagmamasdan yung school nila mitch, hindi pako nakakapunta dito at mag gagabi na. Pero nandito nako at kung may multo man, sana'y nako dun. Pero sana ay wala.

"Hija gusto mo bang hintayin kita dito?" tanong ni manong napatingin ako sa kaniya "Kung ayos lang po sa inyo manong" napatango siya sabay ngiti. Naglakas loob naman akong pumasok.

Nasa hallway ako, ngayon naglalakad napapatingin na lang ako sa paligid pag humahangin ng malakas, at dinig na dinig yung mga sirang yero kaya lumilikha ito ng nakakatakot na tunog. "M-Mitch andito kaba?" sigaw ko konte pero kasabay nun ang lakas na hangin na sumagot sa akin at dinig na dinig ang mga sirang yero, kasabay din nun ay may narinig akong kakaibang tunog na ngayon ko lang nadinig hinawakan ko ng mahigpit ang braso ko dahil nanginginig nako sa lamig, kaninang umaga ang init-init tapos ngayon, sobrang lamig na.

Nasa gym nako ngayon may mga ilaw naman, dahil solar ang gamit nila kaya kahit gabi na maliwanag padin ang kapaligiran "Mitch ako to si ate Mirabelle, Mitch andito nako tutulungan kita" saad ko pero walang sumagot, pero nagulat ako ng may malakas na tunog ang nagmula sa itaas, dahilan para gulat akong napalingon doon.

"Hindi mo na siya matutulungan" nagulat ako dahil may nagsalita, tumindig din lahat ng mga balahibo ko dahil sa takot na multo yung nagsalita. Napalunok ako bago dahan dahang lumingon sa likod ko, napaatras ako ng konte ng na puno na ng pulang usok sa likuran ko, saan naman ito galing? "Naging isa na siya sa amin kaya huwag mo na siyang hanapin pa" dagdag ng multong nagsalita kanina. Hindi naman ako nagpatalo dahil alam kung hindi niya ko masasaktan kase multo lang siya.

"Kaibigan ko siya kaya gagawin ko ang lahat para matulungan siya, ngayon kung alam mo kung nasaan siya ngayon, sabihin mo na" matapang kong sagot, pero tumawa lang siya at nakita ko na siya ng dahang dahang siyang lumalapit, isa siyang lalaking multo! Na sa tinginan ko ay mas matanda ng ilang taon sa akin.

"Hindi mo na siya matutulungan at bakit ko naman sasabihin sayo kung nasan siya, at misyon ko paramihan ang mga katulad namin, at ngayon idadagdag nakita" tawa niya nagtaka naman akong tumingin sa kanya at kung titignan ko siya ng mabuti parang hindi siya multo dahil ni isa wala siyang sugat o senyas na namatay siya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pero tumawa lang siya ulit yung tawang nakakapikon. "Ikaw lang atta yung nakakakita ng multo na walang ka alam-alam" naka-ngisi niyang sabi, dahil dun mas naguluhan ako. "Alam mo bang kaya kitang hawakan" patuloy niya at dali siyang lumapit sa akin. Nanlaki ang mata ko ng hinawakan niya ko sa balikat, hindi ako nakagalaw dahil sa matinding pag kagulat, dahil ngayon lang nangyari to!!

"Pwede rin kitang saktan at syempre pwede rin kitang patayin" bulong niya sa akin at dahil dun mas lalo akong nagulat para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Agad akong napaatras ng hinigpitan niya yung hawak niya. "A-ano ba a-ang ka-kailangan mo?" nanginginig kung sabi "Ikaw" ngisi niya at dahan dahang lumapit sa akin humakbang naman ako paatras hanggang sa na tumba ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. "H-huwag k-kang la-lalapit!!" sigaw ko sa kaniya pero ngumisi lang siya.

"Ang sarap namang pakinggan ang sigaw mo" tawa niya ng malakas "Tulong!!!" sigaw ko pa at bigla siyang napatigil at napakunot siya sa noo "Hayyyss maswerte ka ngayon, na dinig niya yung mala anghel mong sigaw tsk tsk tsk" napailang ilang pa siya ng sabihin niya iyon "Pero meron pa kung oras na patayin ka ngayon, pero ayoko rin namang ako yung mapatay niya dahil hindi pa ko ganun kalakas, sige na aalis nako pero magkikita tayo ulit" seryoso niyang sabi, pero naka-ngisi padin.

THE WHITE SMOKE GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon